KABANATA 20
DAHIL iisang tao lamang ang hindi nawala sa ala-ala ni Jaspher, nakilala kaagad niya ang babaeng kanyang hinahanap.
Patakbo siyang lumapit sa babaeng papasok sa loob ng hospital.
"Angela...mahal ko!" usal niya.
"Ja-Jaspher...?" ani Angela na namimilipit na sa sakit ng tiyan.
"Nurse! Dok!, tulungan n'yo kami...dinudugo ang anak ko." malakas na sigaw ni Aling Susan.
Nang makita ni Jaspher ang kalagayan ni Angela, hindi iyon nagdalawang isip na buhatin ang dalaga.
"A-anong ginagawa mo sa'kin demonyo ka? Ibaba mo ako?" galit na wika niya.
"Mahal ko, dadalahin kita sa emergency room. Baka kung mapaano ka. Ang dami mo ng dugo sa binti mo."
"Ang kapal talaga ng mukha mo...huwag mo akong matawag tawag na mahal." singhal ni Angela.
Subalit ang sinabi na iyon ng dalaga ay hindi na pinansin ng huli. Tuloy tuloy iyon na dinala sa kinaroroonan ng emergency room.
"Hoy ikaw, tawagin mo ang doktor...nasaan ba sila?" untag ni Jaspher sa dalawang nurses na nakita,
Si Aling Susan naman hindi malaman ang gagawin, sa taranta at takot, hindi niya magawang pagsalitaan ng masama ang binata. Pakiramdam pa ay ibang Jaspher ang nasa katauhan ng niyon.
Ilan sandali pa dumating narin doktor . Sa inis pa ni Jaspher, pati iyon ay pinagsabihan. "Hoy Dok...ang mga pastyente ang dapat na unahain mo...hindi yang kung saan saan kayo nagpupupunta?" aniya.
"Mr...,mawalang galang na ho...hindi lang iisa ang pasyente dito sa hospital."
"Aba at nangangatwiran ka pa. Sige na, gamutin mo na ang girlfriend ko kung ayaw mong ipatanggal kita sa pagiging doktor mo." wika pa.
Hindi naman makapaniwala si Angela at nanay niyon sa sinabi ng binata. At kahit masama na ang pakiramdam, naintindihan parin niya ang katagang binigkas ng huli.
"Sige na, kami na ang bahala sa kanya." anang doktor na napapailing sa inasal sa kanya ng binata.
"Wait...papasok ako sa loob."habol pa ni Jaspher ng isasarado ang pintuan ng Emergency room.
"Sir, pakiusap po.. dito na lang po kayo sa labas," wika ng nurse na humarang sa kanya.
Makaraan ang ilan sandali...Si Susan ay taimtim na nagdarasal para sa kaligtasan ng apo niya. Hindi na niya pinansin pa si Jaspher, dahil ang nasa isip niyon ay ang mag-ina.
"Sir Jaspher, bumalik na ho kayo sa inyong room." anang dalawang lalaki na nagbabantay sa kanya.
"Mga inutil kayo...lumayas nga kayo sa harapan ko." bulyaw ng binata.
Bigla namang dumating ang Mommy niya.
"Iho, what are you doing here? Hindi ba't kabilin bilinan ng dokctor mo, kailangan mo ng pahinga. Paano ka gagaling n'yan kung paalis-alis ka sa silid mo."wika ni Mrs Madrigal.
"I-ikaw...! ikaw ang dahilan kung bakit naghihirap ngayon ang kalooban ng anak ko. Kayo!, kayong mag-ina ang dapat makulong hindi si Angela." galit na sabi ni Susan ng mapagsino ang babaeng nasa harapan niya.
"Aba!aba! At nandito pala ang mag-anak na kriminal." tugon ng Ginang at sa darating naman si Mang Nardo, kasama si Totte.
"Sinong Kriminal? Hindi ba ang anak mo ang kriminal?" singit ni Nardo sa usapan.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
RandomAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...