REHAS na PAG-IBIG

21.1K 634 166
                                    

"REHAS NA PAG-IBIG"
--Grand Finale--
Original Story by: LIA GARDIANO

KABANATA- 30 [ PAG-IBIG ]

"SIGE Angela, umiyak ka muna...ibuhos lahat ng luha diyan sa mata mo upang sa lahat ay mabawasan ang nagpapabigat diyan sa kalooban mo. Pero pagkatapos n'yan, bumababa ka na doon at samahan mo si Angelo at harapan mo na si Jaspher." ani Aling Susan. Pati tuloy siya ay nahawa naring umiyak sa anak.

"Inay naman e...Ang totoo, kinakabahan po ako. Ewan ko, pero parang hindi pa ako handa. Kung maaari...kayo na muna ang bumababa. Puntahan n'yo sila. Pakainin n'yo po kung nagugutom." sumisinghot na sagot ni Angela.

"Angela...ano pa bang ikinakabahala mo. Tsaka bakit ka kinakabahan?" takang tanong ni Aling Susan.

"Hindi ko ho alam Inay...basta iwanan n'yo muna ako dito. Gusto ko ho muna mapag-isa."

"Hindi mo ba talaga siya pupuntahan?" ulit nang Ina.

"Inay, gusto ko muna makapag-isip. Siguro, mamaya lang lalabas din ho ako. Kailangan ko lang ng konte pang oras."

"Sige, ikaw ang bahala. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Paano, maiwanan na kita." ani Aling Susan. Bago iyon lumabas ay inayus muna ang sarili. Pinahid ang mukha na nabasa ng luha hanggang sa tuluyan na nitong iwan si Angela sa silid niya.

"Lord, handa na po ba talaga ako? Tinatanggap ko na nga ba si Jaspher, bilang ama ng anak ko? Diyos ko, naguguluhan parin ako. Tulungan mo pong maliwanagang mabuti ang kaisipan ko." taimtim na wika ni Angela habang palakad lakad sa magkabilang sulok ng kanyang silid.

Samantala, kasama ni Aling Susan si Mang Nardo na lumapit kay Jaspher. Kitang kita ng mga ito ang kasiyahan sa mukha ng mag-ama.

"Lolo...lola...si Papa po oh, nandito na siya?" masayang salubong ni Angelo sa mag asawa.

"Mabuti naman apo kung ganon..." sagot ni Mang Nardo.

"M-magandang a-araw ho sa inyo." kinakabahang bati ni Jaspher. Aminadong nakakaramdam siya ng hiya sa mga magulang ni Angela.

"Magandang araw din sa 'yo. Halikayo sa hapag kainan, kumain muna kayo. Totte, samahan mo muna si Jaspher ng makakain muna kayo." wika ni Aling Susan. Magaan na ang loob niya dahil kahit siya ay wala ng galit sa taong gumawa ng kasalanan sa anak. Sa katunayan ay nagawa na nila na mag-asawa na harapin iyon.

"Oo nga po papa, kain muna kayo. Masarap po ang hinanda ni Mama. Sila po ni lola ang nagluto nang pagkain." sabat ni Angelo na nakahawak sa kamay ni Jaspher.

"S-sige...anak. Pero wait lang ha, may kukunin lang ako sa sasakyan. May nalimutan kasi ako." ani Jaspher. May ilan minuto narin siyang nakakarating doon, ngunit hindi niya napapansin si Angela. Ang totoo'y kanina pa ito lumilinga ng pasimple upang masilayan ang babae. Subalit, ni anino ay hindi niya nakita.

"Papa, samahan ko nalang po kayo."

"Huwag na anak, madali lang naman ako." sagot ni Jaspher.

"Sige na Pare, isama mo na siya. Mukhang giliw na giliw si Angelo sa 'yo e, kaya pagbigyan mo na." sabat naman ni Totte.

"Okay...lika na anak." nakangiting sabi ni Jaspher at maghawak sila ng kamay na lumakad.

Ilan sandali pa ay napansin din ni Totte na hindi pa niya namamataan si Angela.

"Ahm, Aling Susan...si Angela po?" tanong nito.

"Ahh, nasa itaas...maya maya lang baba narin 'yon?" sagot ng Ginang.

"Ah, ganon ho ba?" tatangutangong tugon ng binata.

____

"ANAK, para sa 'yo. Sana magustuhan mo." ani Jaspher at iniabot ang isang gawang handicraft na barko. Sa barkong iyon ay may tatlong hugis tao na magkakasamang nakupo sa mesa at kumain.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon