KABANATA 7
HINDI malaman ni Totte kung ano ang unang gagawin sa mga sandaling iyon. Ngunit huli na para pagtakpan nito ang katraydorang ginawa sa kaibigan. Pagtatraydor man ang tawag doon ay wala siyang masamang intensyon kundi matulungang makatakas ang babaeng wala namang kasalanan kundi napag-initan at napagtripan ng kanyang kaibigan.
Sa takot naman ni Angela nagbakasali siyang magkubli sa likod ng upuan ng sasakyan upang hindi makita ni Jaspher.
"P-pare..." ani Totte ng mabilis na bumaba sa kotse si Jaspher.
"Oh anong ginagawa mo dito..."
"Ha...ah eh nasiraan ako..p-pero okay na. Ikaw saan ang punta mo?"
"Sa resthouse natin."ani Jaspher na parang nagdududa sa kilos ng kaibigan.
"Ga-ganon ba? S-si Angela nga pala....kumusta siya.?" kunwari ay tanong ni Totte dahil ang totoo ay kinakabahan siya na baka makita ang dalaga sa loob ng kanyang sasakyan.
"Ako ng bahala sa babaeng iyon...basta ang pinag usapan natin kunwari ay di mo alam."
.
"Si-sige...ikawa ang bahala."Makakahinga na sana ng maluwag si Totte ng biglang umubo si Angela na ikinagulat ni Jaspher.
"Sino 'yon pare? May kasama ka ba?"tanong ni Jaspher ng maulinigan ang pag-ubo na nanggaling sa loob ng sasakyan ni Totte..
"Ah..eh..oo isang kakilala. Oh pano..mauna na kami sa 'yo ha. Nagmamadali din kasi siya. Balitaan mo nalang ako kung ano na ang nangyayari kay Angela. Sige pare ha." at nagmamadaling nagpaalam si Totte. Aminado na pigil ang kaba na kanyang nararamdaman.
Pasakay na ito ng sasakyan ng bigla siyang tawagin ni Jaspher... "Pare sandali lang." anito ng hawakan ang balikat ni Totte..
"A-ano 'yon pare...?
"Baka pwedeng ipakilala mo muna sa akin ang sakay sa kotse mo? Panigurado...isa 'yan sa bagong checks mo."anito
Samantala...kanina pa masamang masama ang pakiramdam ni Angela dahil sa posisyon ng ayos nito. Ang totoo'y nahihirapan na siyang huminga sa pagkakayukod nito upang ikubli ang sarili. Kung kaya't bigla nalang siya nawalan ng balanse. Huli na para makaiwas pa. Nakita na siya ng dalawang mata ni Jaspher.
"Pare anong ibig sabihin nito? Bakit kasama mo siya? Huwag mong sabihin na...."
"Pare...makinig ka muna...magpapaliwanag ako." putol ni Totte sa sasabihin ng ksibigan
"Hayop ka.! Pinagkatiwalaan kita tapos ito pa ang igaganti mo sa akin. Anong klase kang kaibigan, Totte?" gigil na sambit ni Jaspher habang tinutukan ito ng baril.
"Pare, magpapaliwanag ako. Para din naman sa kabutihan mo ang gagawin ko. Kaibigan kita at ayoko na mapahamak ka pa dahil sa ginagawa mo. At saka maawa ka naman kay Angela. Malamang may mga magulang pa siya na nag-aalala sa kanya." ani Totte na hindi natatakot sa paninindak ng kaibigan. Mas natatakot pa siya para kay Angela sa kung anong posibleng gawin na naman sa dalaga oras na hindi talaga ito makatakas.
"Hindi mo nakailangan pang magpaliwanag. Dahil sa oras na ito, pinuputol ko na ang ugnayan natin bilang magkaibigan." ani Jaspher, at uundayan sana niya ng suntok ang huli ngunit nakailag ito. Hanggang sa nagpambuno ang dalawa at nag-aagawan na sa baril.
Samantala halos matruma si Angela. Hindi alam ang unang gagawin. Takot na takot at nangingig ang buong katawan.
"Angelaaaa... tumakas ka na! Iligtas mo na ang iyong sarili." malakas na sigaw ni Totte habang nakikipag agawan siya ng baril kay Jaspher.
"Hindi ka makakatakas Angela. At kapag ginawa mo 'yan, mananagot ang pamilya mo." sigaw naman ni Jaspher.
"Angela, huwag mo siyang pakinggan. Tumakas ka na." wika ulit ni Totte hanggang isang malakas na putok ang pumainlang sa kinaroroonan ng tatlo.

BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
De TodoAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...