KABANATA 23
PAGDATING sa visitors area, palinga linga ang mata ni Jaspher at hinahanap ang babae na sinasabing kanyang bisita.
"Boss, nasaan siya?" tanong nito
nang wala naman siyang nakita na babaeng maputi at maganda. Tanging mga nandoon lang ay may kanya-kanya ng dalaw at kausap."Maupo ka muna diyan. Hintayin mo nalang siya at baka lumabas lang 'yon." sagot ng pulis at tinanggalan ang binata ng posas.
"Salamat boss!" ani Jaspher bago tuluyang naupo sa bakanteng upuan.
"Sige, iiwan na muna kita. Babalikan nalang kita dito mamaya kapag tapos na kayo mag-usap nang bisita mo." anang pulis.
"Okay boss." maikling tugon ng binata. Pagkaalis ng pulis ay inayus ang sarili. Naupo ng maayus saka ipinatong sa ibabaw ng mesa ang kanyang magkadaup na mga palad. Tahimik na hinihintay ang sinasabing bisita.
Limang minuto din ang lumipas nang may biglang nagsalita sa may likudang bahagi nito.
"Masarap ba ang mamuhay sa loob ng bilangguan---Jaspher?" anang tinig na nagsalita.
Biglang kinilabutan ang binata. Ang tinig na 'yon, kilalang kilala niya kung kanito ito. Sa mahigit limang taon na nakalipas, ni minsan ay hindi niya nakalimutan ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Para siyang ipinako sa kinauupuan. Hindi maikilos ang buong katawan. Pero sa sulok ng kanyang puso, nandoon ang samo't saring excited na nararamdaman na muling masilayan ang babae.
"Mas matatahimik na sana ako kung death penalty ang inihatol sa 'yo. Pero okay narin naman 'yan! Atleast, ngayon nararamdaman mo na ang hirap dito sa loob ng kulungan." wika pa sa kanya.
"A-a-angela...?" wika ni Jaspher at dahan dahan itong lumingon.
"Ohh, kilala mo pa pala ako? Yes, it's me---Jaspher! Ang babaeng pinahirapan mo noon at sagad hanggang boto ang galit sa 'yo hanggang ngayon." matigas na sabi ni Angela saka gumawi sa harapan ni Jaspher.
Gayun nalang ang pagkabigla niya ng makita ang malaking ipinag iba ng hitsura ni Jaspher. Hindi man iyon makatingin ng diretso sa kanya, alam ni Angela sa sarili na parang biglang naglaho ang mahabang sungay ng binata. Ang Jaspher na mabangis ang mukha, ngayo'y napalitan ng kakaibang awra. Tila isang maamong tupa na napakabait at kahit hindi mo pakainin ay hindi ito magwawala at mangangagat.
Galit, poot, at pagkamuhi parin ang dumadaloy sa dugo ni Angela. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sariling damdamin para hindi makaramdam ng awa sa lalakeng ngayon ay nasa kanyang harapan. Sa loob ng limang taon na lumipas, ngayon lang din nagkaroon ng pagkakataon si Angela na harapin si Jaspher sa kulangan.
"Anong kailangan mo? Bakit ka pumunta dito?" mahinang tanong ni Jaspher sa kanya.
"Gusto ko lang makita kung paano ka naghihirap sa kulungang ito. Gusto kong makasigurado na dito kana mabubulok hanggang sa mamamatay ka. Limang taon.., kulang pa 'yan sa kabayaran ng mga kasalanan mo sa 'kin." sumbat ng dalaga na nun ay nakatayo parin sa harapan ni Jaspher.
Nais pa sana na muling magsalita ng huli, subalit nanatili nalang itong tahimik habang nakikinig sa bawat panunumbat sa kanya ng dalaga. Para sa kanya, wala ng saysay pa ang anumang kanyang sasabihin dahil nararamdaman nito na hindi na rin siya pakikinggan pa kahit ilang beses niyang ulit ulitin ang paghingi ng tawad. Kahit nagsisisi na siya, hindi parin ito paniniwalaan ni Angela. Kaya minabuti na lamang ni Jaspher na huwag ng umimik sa harapan ng dalaga.
"Ano Jaspher...panis na ba ang mga laway mo? Ganyan ba ang epekto sa 'yo ng Rehas na kinalalagyan mo? Magsalita ka? Oh baka naman gusto mong lumuhod muna sa harapan ko para naman makita ko na tinanggap mo nga ang nangyari sa 'yo." wika pa ni Angela.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
De TodoAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...