KABANATA 24
"MA'AM, hanggang dito nalang ho muna kayo. Bawal kasing pumasok sa loob." anang pulis ng huminto sila sa paglalakad.
"Eh sir, paano ko po makakausap si Jaspher Madrigal kung hindi ninyo ako dadalahin sa kanya." sagot ni Angela.
"Huwag ho kayong mag-alala ma'am, siya nalang ho ang dadalahin ko dito. Mahirap na, baka pagkaguluhan pa kayo ng ibang preso kung papasok ka mismo sa loob." paliwanag ng pulis. Sa ganda ni Angela, maaring kantyawan ito ng ibang preso na makakakita sa kanya at baka mabastus pa... 'yun ang ikinababaha ng pulis kung kaya't pinigilan ang dalaga upang doon nalang maghintay sa pinaka main gate na dinaraanan ng bawat preso na nakakulong sa kani-kanilang selda.
"Sige Sir, pakibilisan lang po." aniya na kinakabahan parin.
Tahimik na tahimik ang paligid. Sa tantiya ni Angela, maaaring nagpapahinga ang karamihang bilanggo na nakakulong sa lugar na 'yon. Hindi siya mapakali habang hinihintay ang pulis kasama si Jaspher. Kulang nalang, mapudpud ang takong ng kanyang sapatos dahil sa pabalik balik ito sa paglalakad. Naiinip na siya. Halos labing limang minuto na siyang nandoon sa pag-hihintay..., di parin dumarating ang lalaking kanyang pakay.
"Shit...ano ba? Bakit ang tagal naman nila." napapamurang sambit niya.
Ilan saglit pa'y biglang tumunog ang kanyang cellphone. Walang balak sagutin iyon. Sa isip isip niya'y paniguradong ang yaya lang ng kanyang anak ang tumatawag upang sabihin na hinahanap na naman siya ni Angelo.
"Yaya, naman...hindi ka ba marunong maghintay sa pagdating ko?" pabulong na sambit niya na sarili na halatang naiinis na. Hanggang sa bigla din tumigil ang pagring ng kanyang cellphone na nun ay hinayaan lamang na tumutunog sa loob ng kanyang bag.
"Kainis...ang tagal!" matigas na bigkas pa niya habang nanghahaba ang kanyang leeg sa paghihintay. Panay din ang silip niya sa relong suot sa kaliwang braso. Almost 30minutes na siya doon...wala parin ang hinihintay. Hanggang sa nainis na siya sa sobrang inip. Akmang tatalikod na ng makita ang pulis na papalapit sa kanya.
"Sir naman....bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay dito ah!" usisa ni Angela na halatang galit ang tinig.
"Pasensya na ma'am, nagkaroon lang ng problema sa loob." wika ng pulis na nun lang napansin ni Angela na pawisang pawisan ang kaharap.
Biglang kinabahan si Angela ng marinig ang sinabi ng huli. "P-problema? B-bakit a-ano hong problema?" bigla'y nauutal na tanong niya. Biglang kinabahan na parang may hindi magandang nangyari sa loob.
"Ma'am, ang mabuti pa, sa labas po muna tayo. Doon ko ipapaliwanag?" sagot ng pulis na mabilis din tumalima at nakasunod naman ang nagtatakang si Angela.
Walang nagawa ang dalagang ina kundi ang sumunod sa pulis. Ilan sandali pa'y kinukutuban na siya ng 'di maganda. "Sir, ano ho bang nangyari? Nasaan ang lalaking sinasabi ko inyo? Hindi ba't sabi mo, maghintay lang ako at dadalahin mo siya sa akin." tanong ni Angela habag nakabuntot parin ng lakad sa likuran ng pulis.
"Ma'am, ang lalaking hinahanap mo...isinugod sa hospital. Actually kalalabas lang niya sakay ng ambulansya." seryosong sagot ng pulis.
"W-what?" mulagang tanong niya.
"Yes ma'am. Nagkagulo kanina. Hindi mo lang siguro napansin dahil nandoon ka likod. Ang totoo, kaya ako natagalan dahil doon." pagtatapat ng pulis.
Nang marinig ni Angela ang sinabi ng kaharap, biglang nanlamig ang kanyang katawan. Marami pa sana siyang gustong malaman sa pulis, subalit nanatiling tikom nalamang ang kanyang bibig.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
РазноеAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...