KABANATA 21
NANG makarating sa kanilang tahanan, walang imik na pumasok si Angela sa bahay. Halata ang pananamlay ng dalaga na napuna agad ng ama na si Mang Nardo.
"Susan, napansin mo ba...simula kanina nung umalis tayo sa presento, wala ng imik si Angela? Hindi kaya may nararamdaman iyon?" tanong nito sa asawa.
"Marahil pagod lamang siya. Hayaan muna natin na makapagpahinga s'ya ." sagot ng Ginang at naupo sa sofa habang hinihimas ang noo. "Salamat sa Diyos at natapos narin ang problema natin. Nabigyan na ng katarungan ang nangyari sa anak natin." wika pa.
"Oo tama ka! At salamat din sa mga tumulong sa atin. Teka, si Totte ba, hindi mo napansin kanina? Hindi na natin nakausap nung umalis tayo doon." wika ni Mang Nardo ng maalaala ang binata na sa siyang tumulong sa kanila upang manalo ang kaso.
"Bukas ng umaga, pupunta sila dito...kasama si Attorney. Pagkakataon narin natin 'yon upang pasalamatan sila. Kailangan siguro, maghanda tayo kahit papaano, bilang pagcecelebrate sa pagkapanalo sa kaso at nabigyan narin ng hustisya ang ginawa ng lalaking 'yon sa anak natin."
"Magandang idea 'yan. Sige na at mamamasada muna ako para may pandagdag tayo sa gagastusin bukas. Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay." sabi ni Nardo. At bago tuluyang umalis, hinalikan muna sa pisngi ang kanyang asawa.
"Mag-iingat ka. Dahan dahan sa pagmamaniho ng sasakyan." bilin ni Aling Susan.
____
SAMANTALA, hindi naman makapaniwala si Mrs Madrigal na tuluyan na ngang nakakulong sa Muntinlupa ang kanyang nagiisang anak na si Jaspher. Masamang masama ang loob niya dahil hindi manlang nabigyan ang anak ng isa pang pagkakataon upang ituwid nito ang mga kasalanang nagawa. Tao lang din naman ito na kahit sino, pwedeng magkasala. Subalit sadyang ipinagkait nga yata ang pagkakataong iyon sa binata, at tuluyan ng inihiwalay sa kanya. Bilang isang ina, masakit ang makita at malaman na ang anak na inilagaan at nakasama ng ilang taon, ay sa bilangguan lang pala babagsak at mabubulok hanggang sa mamatay na ito. "Diyos ko, nagmamakaawa ako ngayon sa 'yo, huwag mo pong ilayo ng tuluyan sa akin ang aking anak. Please...patawarin mo po siya. At kung hindi man ako naging mabuting ina sa pagpapalaki sa kanya, sana'y matawad mo rin ako. Bigyan mo pa sana kami ng pagkakataon na magkapagsimulang muli at makapamuhay ng mapayapa. Maawa ka po, Lord." madamdaming usal ng Ginang.
Pagkakakulong na habang buhay ang sintensya sa anak kaya mahirap para sa isang ina na kagaya niya na tanggapin ang katotohanan. Kaya naman, buo parin ang pag-asa ng Gng. na makakalaya parin ang binata. "Pangako iho, makakalabas ka diyan sa kulungan. Hindi ako papayag na magtagal ka diyan. Gagawa ako ng paraan para maibaba ang hatol sa 'yo. Aapila ako sa korte..." wika niya.
Nun din ay lumakad si Mrs Madrigal. Maghahanap siya ng panibagong abogado na makatutulong sa kaso ng kanyang anak upang maibaba ang hatol dito. Pero bago 'yon, kinakailangan muna niyang kausapin ang pamilya ni Angela. Kailangang maihingi niya ng tawad ang kanyang anak. Kahit ano, gagawin niya para pakinggan ng dalaga ang paliwanag at paghingi ng tawad.
____
NASA kalagitnaan ng pag-iisip si Angela ng biglang makarinig ng isang malakas na sigaw na nanggagaling sa labas ng kanilang bahay.
"Lumayas ka na ngayon din. Hindi namin gusto na makita ang pagmumukha ng pamilyang kreminal. Kayo ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay ng anak ko. Kaya umalis kana kung ayaw mong idemanda kita ng trespassing."
"Boses ni Nanay 'yon ahh." ani Angela, at mabilis na dumungaw sa bintana para alamin kung sino ang inaaway ng kanyang ina. "Mrs Madrigal? Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito?" nasabi niya at dali daling lumabas ng silid para harapin din ang Ginang.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
De TodoAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...