KABANATA 26
(Pagpapatawad)GUSTONG lumukso nang puso ni Jaspher ng marinig niya ang boses ng kanyang anak at tinawag siyang Papa. Aminado ito na hindi niya inaasahan ang magiging tagpong iyon. Akala niya, hindi siya makikilala ng kanyang anak dahil sa tagal ng panahon na ngayon lang sila nabigyang ng pagkakataon na magkaharap.
"ohh anak ko, huhu...patawarin mo ako sa lahat ng mga kasalanan kong nagawa sa inyo ng Mama ko. Huhu, nagsisisi na ako anak." samabit nito habang mahigpit naring yumakap sa bata na panay din ang iyak.
Sabik na sabik si Angelo na magkaroon ng tunay at kinikilalang tatay. Kung kaya't ganon nalang kahigpit nag yakap nito dahil mayroon na siyang matatawag na papa at may maipagmamalaki na siya sa kanyang mga kalaro na may papa na s'yang magtatanggol kapag may umaway sa kanya.
"Papa, magpagaling ka ha para makauwi ka agad sa bahay at nang makasama ka na namin. Miss na miss na po kita. Sabi kasi ni Lola, galing ka daw sa malayong lugar kaya hindi ka namin nakasama. Kaya pala ngayon lang kita nakita. Pero tama nga po, magkamukha talaga tayo, parehong poge..." anito kay Jaspher.
Lalo lamang bumuhos ang luha ng huli sa sinabing iyon ng anak. At doon niya narealize na hindi pala pinalaki ni Angela ang bata na may galit sa kanya.
"Angelo...uuwi na tayo. Mag-paalam kana sa kanila." sabat naman ni Angela.
"Pero Mama, gusto ko pa pong makasama si Papa." sagot ng bata.
Sa narinig na sagot ng anak, wala nang nagawa pa si Angela. Hindi naman siya madamot na ina. Pero aminado siya na mahirap ang kanyang sitwasyon dahil naiipit siya sa dalawa. Sa anak niya at kay Jaspher. Kanina pa niya sana gustong umalis at iwasan ang binata, pero may pumipigil sa kanya para manatili doon.
Nang lumuhod si Jaspher sa kanyang harapan, hindi niya ito magawang tingnan. Hindi siya perpektong nilalang pero hindi niya makayang titigan ang isang tao na nakaluhod sa kanyang harapan para lang mag-makaawa. Kung dati'y nagawa na ni Angela ang lumuhod at magmakaawa noon sa binata, ngayon pala'y ibang iba ang pakiramdam na siya naman ang niluluhudan. Nagiguilty tuloy siya sa kanyang sarili kung bakit niya hinyaang gawin iyon ni Jaspher, gayong napatawad na naman niya ang binata. At dahil sa kahilingang makasama ang anak, hinayaan niyang lumuhod iyon sa kanya, bagay na hindi naman talaga dapat gawin.
Pagkaraan ng ilan sandali, pakiramdam ni Angela ay wala siyang kwentang Ina kay Angelo. Kung kaya't patakbo itong lumabas ng silid habang sapu-sapo ang dibdib.
"Angela...." sigaw naman ni Jaspher.
Gusto sana nitong habulin ang dalaga pero nanatili siyang nakaluhod yakap ang anak.
"Iho...ako ng bahala sa kanya. Susundan ko siya." wika naman ni Mrs Madrigal na kanina pa nakikinig sa kanila. Kapagdaka'y lumabas din ito ng silid para hanapin si Angela.
Naiwanan ang mag-ama na magkayakap parin sa isa't-isa. Hindi pinansin ni Angelo ang pag-alis ng kanyang mama. Sa murang edad nito, sabik siya na makasama ang ama na matagal niyang hindi nakita at nakasama.
"Papa, hayaan po muna natin si Mama. Siguro nagtatampo lang 'yon kaya siya umalis." wika ni Angelo ng magsalita ito.
"Anak, hindi kaba galit sa akin?" tanong naman ni Jaspher na nun ay hinila ng bahagya ang bata para makaupo sila ng maayus. Pagkatapos ay binuhay iyon at iniupo sa kanyang hita.
"Hindi po papa..." sagot ni Angelo. Nakangiti na ito sa kanya.
"talaga anak...hindi ka galit kay papa__sa'kin?" ulit na tanong ni Jaspher. Tila ba hindi siya makapaniwala, at upang makasigurado ay muli nitong tinanong ang anak.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
RandomAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...