KABANATA 29
(Pag-asa)
"PARE, congrats...makakalaya ka na."
Ang tinig na iyon ay umalingawngaw sa pandinig ni Jaspher. Kahit na maingay ang kanyang paligid, dinig na dinig niya ito.
Nang lumingon siya sa taong nagsalita nun, saka nito napagtanto na kilala nga niya ito. "T-totte!"
"Oo pare, ako nga! Masaya ako at makakalaya ka na." nakangiting sabi niyon at inilahad ang kanang kamay sa harapan ni Jaspher. "Friends..." wika pa.
"P-pare..." tanging nasambit lamang ng binata at mahipit silang nagkamayan. Nagyakapan pa tanda ng kanilang pasasalamat sa muling pagtanggap bilang mag-kaibigan. "Friends..." tugon niya.
MAKALIPAS ang ilan sandali, inayus na Jaspher ang kanyang mga gamit. Sa araw na 'yon ay nakatakda narin ang kanyang pag-labas. Sobrang nasurpresa siya kung kaya't hindi manlang nakapamaalam ng maayus sa mga naging kasamahan at kaibigan niya sa loob.
"Mga pare, kahit wala na ako dito... magpapakabait parin kayo ha. Huwag kayong mag-alala, kapag may pagkakataon, bibisitahin ko kayo." bilin nito.
"Sinong mag-aakala na ang isang tao na nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo, ay makakalaya din pala. Pare, napakasuwerti mo at nabigyan ka ng chance. Sana kami rin, makalaya na tulad mo." wika ng isang kasamahan ni Jaspher.
"Oo pare, tama ka...napakasuwerte ko nga. Pero naniniwala din ako na darating din iyon sa inyo. Malay mo bukas, kayo naman ang mabigyan ng pagkakataon na makalaya. Basta, pray lang sa Panginoon at dapat buong puso ang pagsisisi at paghingi ng tawad sa kanya, at sa ating kapwa na nagawan natin ng kasalanan. Alam ko na hindi naman talaga tayo likas na masama. May mga bagay lang talaga na hindi muna natin naiisip ng mabuti, kung ito ba ay tama o mali." nakangiting pahayag ni Jaspher.
Inisa isa n'yang lapitan ang mga iyon at maayus na nagpaalam.
"Pare...ingat ka ha! Huwag ka ng babalik dito sa loob." pahabol na bilin ng isa pang kasamahan. At bago tuluyang lumabas ng selda, kumaway ito sa mga iyon.
Maraming natutunan si Jaspher, sa loob ng kulungang iyon. Natutu siya kung paano tumanggap ng pagkakamali, magpahalaga sa kapwa, at higit sa lahat, nakakilala siya sa Diyos.
Baon ang panibagong pag-asa sa buhay, lalabas si Jaspher na mayroon ng takot sa Diyos at respeto sa kapwa.
"Sarhento...magpapaalam na ako sa inyo. Salamat sa magandang pakikitungo n'yo sa akin." ani Jaspher ng mapadaan siya sa impormation center ng police station.
"Good Luck Mr. Madrigal... Sana naman, hindi na namin makita pa ang pagmumukha mo dito. Nakakaumay narin kasi." pabirong sagot ng pulis.
"Hahaha, sarhento naman..." napapakamot sa ulo ang binata.
"Seryoso...huwag ka ng babalik sa loob. Chance mo na 'yan."
"hehe, tama ka sarhento...hindi na talaga ako babalik sa loob ng seldang pinanggalingan ko. Nagbago na ako..." masayang sagot nito.
SA sasakyan, excited na naghihintay si Totte sa kaibigan, kasama si Atty. Matamis. Nag-offer ito kay Jaspher na siya nalang ang maghahatid dito sa kanilang bahay.
"Atty. mabuti naman at napabilis ang paglaya ng kaibigan ko. Akala ko, aabutin pa ng taon ang pagprocess nito." ani Totte sa Atty.
"Maganda kasi ang ipinakitang pag-uugali ni Mr Madrigal sa loob. Kaya nabigyan siya ng parol na makalaya. Mismong si Pangulong Aquino, hindi na nagdalawang isip na pumirma sa pagpapalaya sa kanya. Isa pa, mismong mga pulis at kasamahan sa loob ang nagpatunay na maayus ang ipinakitang pag-uugali ng kaibigan mo. Siguro, 'yon narin ang nakatulong sa kanya upang mapawalang bisa ang hatol sa kanya." paliwanag ng Atty.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
AcakAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...