KABANATA 1

23.9K 375 7
                                    

"CHEEERRRSSS...!"

Sabay-sabay na sigaw ng mga magkakaibigang Jaspher at tropa nito, matapos ang isang oras nilang pagpapaputok nang iba't-ibang klaseng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

"Bagong taon, bagong buhay..." malakas na sigaw ni Jaspher, pagkataos ay sabay-sabay nilang ininom ang alak sa kanya kanyang baso.

"Waaahh...at bagong girlfriend mga pare." pahabol ni Totte, isa sa mga loko-lokong kabarkada ni Jaspher.

Malalakas na tawanan na sinabayan ng ingay sa palagid ang naganap ng mga oras na 'yon sa mismong bakuran ng pamilya ni Jaspher. Dahil may kaya sa buhay, nagagawa ang anumang nais na gawin.

"Happy New year mga pare. Feel at home lang kayo dito ha at sisilip lang ako sa loob." Maya maya ay wika ni Jaspher sa mga kaibigan...dahil ang totoo ay may isang tao siyang gusto makita at asarin.

"Okay pare... enjoy na enjoy naman kami dito." si Totte ang sumagot habang walang sawa sa paglaklak ng alak.

"Sige lang, dyan muna kayo. Kung may kailangan kayo....tawagan n'yo lang ang maid. Alam na nila ang gagawin.

KASALUKUYAN naman na abalang-abala si Angela sa pagharap sa mga bisita ng pamilya Madrigal. At dahil kinaugalian na ng pamilya ang magkaroon ng engranding handaan, wala s'yang pagkakataon para umuwi sa kanila para naman makasama ang sariling pamilya sa oras na 'yon.

Si Angela ay secretary at personal assitance ni Mrs. Madrigal, Mommy ni Jaspher.

"Hi Angela... your looking so nice ha! Sana palaging ganyan ang ayus mo para naman magmukha kang babae." pang aasar na wika ni Jaspher ng lapitan n'ya ang dalaga.

"Sir, wala na ho ba kayong ibang gagawin kundi ang asarin ako sa tuwing makikita mo? Bagong taon na... sana magbago narin kayo!" aniya.

"Inuutusan mo ba ako? Hoy Angela... kilala mo ba kung sino itong kaharap mo?, ako lang naman ang anak ng taong pinaglilingkuran mo. Kaya dapat igalang at pakitaan mo rin ako ng maganda. Naiintindihan mo?" anito at hinawakan ng mahigpit ang braso ng dalaga. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi niyon.

"Sir... please lang bitawan mo ako..nasasaktan ako sa ginagawa mo." angal ng dalaga.

"Talagang masaksaktan ka kung wala kang galang sa'kin?"

"Bakit ho ba kayo nagagalit?Wala naman masama sa sinabi ko?"

"Ah ganon? Kung ipatanggal kaya kita kay Mommy sa trabaho mo? Do you think, hindi niya magagawa yun?Alam mo, simula ng dumating ka dito, ikaw lang yung bukod tangi na babaeng walang respito sa'kin. Ewan ko ba kay Mommy kung bakit tinanggap ka n'ya eh samantalang wala ka namang kataste-taste." direktang saad ng binata.

Nang marinig ni Angela ang sinabing iyon ng kaharap, minabuti nalang nito na manahimik para hindi na lumala pa ang pagsasagutan nila. Aminadong nasasaktan suya sa tuwing idadown siya ng binata at pagsasalitaan ng di maganda.

"Kung gaano kaguwapo ang mukha mo, ganoon naman kasama ang ugali mo. Haisst, bakit ba kasi may mga taong isinilang sa mundo na gaya ng antipatikong ito." ani Angela sa kanyang isip.

MULA kasi ng magtrabaho si Angela sa pamilya Madrigal, mabigat na ang loob nito kay Jaspher. Unang kita palang ay nayayabangan na s'ya sa kilos at ugali ng binata. Kaya naman, sa tuwing lalapit ito sa kanya... nakakaramdam siya ng inis. Kung pwede nga lang, huwag ng makita pa ang pagmumukha ng binata, ginawa na niya. Ngunit sadyang magbiro ang tadhana. Kahit anong pilit na iwas ang gawin niya... lumalapit parin sa kanya ang ito para lang pasakitan at asarin s'ya. Ang hindi lang maintindihan ni Angela ay kung bakit parati nalang siya inaasar nito.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon