KABANATA 21
BAHAGYANG nakahinga ng maluwag ang binata ng marinig ang sagot ng kanyang Mama. "Ma, salamat." wika nito at niyakap ang ina.
"Para sa 'yo, Iho...gagawin ko. Basta mangako ka lang na hindi mo na uulitin 'yon ha." wika ni Mrs Madrigal?
__
Samantala, pagdating sa tahanan, kahihiga palang ni Angela sa kanyang kama nang bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa. Parang kinakabahan na hindi maintindihan ang sarili. Hindi naman siya natatakot, subalit may kung anong bumubulabog sa kanyang isipan at damdamin.
"Kailan pa kaya ako matatahimik? Kailan kaya babalik sa normal ang buhay ko?" nausal niyang bigla habang nakatitig sa kisami ng silid.
Walang may kagustuhan na mangyari iyon sa kanya, subalit galit siya sa taong umabuso sa kanyang pagkatao. Walang kapatawaran iyon, dahil hindi basta basta hirap at pag titiis ang dinanas niyang sakit sa kamay ni Jaspher. "Bakit, bakit...bakit ako pa,?" paulit ulit na tanong ni Angela.
___
One month Later...
SA KABILA ng pagiging masama ni Jaspher, nangibabaw parin sa puso nito ang kabutihan. Narealize niya na hindi habang buhay ay nakakulong siya sa madilim na kasamaan. At sa pamamagitan ng isang babae na kanyang inabuso at walang awang pinahirapan__nabago ang lahat...
"Hello Ma, matagal ka pa ba diyan?"
"Sandali nalang iho, kakausapin ko pa ang abogado mo para iurong na ang demanda kay Angela." wika ni Mrs Madrigal sa anak.
"Okay Ma, hihintayin kita dito sa hospital ha. Gusto kong ikaw ang tpsumundo sa akin sa paglabas ko dito."
Saktong isang buwan din ang nakalipas mula ng maconfign ang binata sa hospital. Ang akala ng lahat, nagkaroon siya ng amnesia. Kahit ang mismong doctor nito ay napaniwala din na wala talaga siyang maalaala. Tanging si Mrs Madrigal lamang, ina ng binata ang nakaaalam ng katotohanan na mas piniling sundin ang kagustuhan at kahilingan narin ng kanyang anak upang magpanggap na walang natatandaan ni isang alaala sa pagkatao ng binata...maliban sa isang babae.
Sa request ng abogado nito na ipagpaliban muna ang pag-atttend sa hearing sa kasong isinampa sa binata dahil sa may karamdaman ito...hindi naman tumutol ang korte at pinagbigyan ang hiling nila. Gayunpaman, tuloy parin ang pagdinig sa kaso kahit wala ang nasasakdal. Si Jaspher
Samantala, malakas naman ang kumpyansa sa kampo ni Angela na makukulong parin si Jaspher. Marami ang ebedinsya na nagpapatunay na nagkasala ang binata.
Hindi naman natatakot si Jaspher na makulong siya, subalit iisa lamang ang kanyang kahilingan kay Angela, ang mapatawad ito sa mga kasalanang nagawa niya sa dalaga.
"Tatanggapin ko ang parusang nararapat ipataw sa akin ng batas. Nagkasala ako kaya dapat lang na panagutan ko ang kasalanan ko." anito ng makarating ang balita na huling araw pala sa hearing ng kaso.
Nang araw na 'yon, nakatakda na ang paglabas ni Jaspher sa hospital. Ang araw kung saan nakatakda narin ang pag aresto para ikulong siya sa bilangguan. Napatuyan sa hukuman na si Jaspher ay 'GUILTY'! Kahit ang paniniwala ay under amnesia ang binata, hindi parin siya nakaligtas sa batas.
Nang mga oras na hinihintay ng binata ang mommy nito, bigla siyang kinabahan. Hanggang sa narinig niya ang pagkatok sa pintuan.
"Sandali lang..." wika nito na sa pag-aakalang ang mommy na niya ang dumating.
"Mo-m---" hindi naituloy ang sasabihin ng mabungaran niya ang apat na pulis, kasama si Totte.
"A-anong ibig sabihin nito?" tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/80887705-288-k617712.jpg)
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
AcakAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...