KANANATA 17
BAGO nagsalita si Angela, isang malakas na sampal muna ang ginawa nito sa lalakeng kinasusuklaman niya.
"Lumayas ka sa harapan ko. Hindi nababagay sa isang demonyong tulad mo ang lumuhod at magkunwaring nagmamakaawa. Sa palagay mo ba, gano'n kadali ang magpatawad sa isang hangal na gaya mo. Ang totoo mas magiging masaya pa ako kung nakikita ko na mabubulok ka sa bilangguan." malakas na sigaw ng dalaga na nanginginig ang kalamnan dahil sa sobrang galit.
Samantala, nanatiling nakayuko lang ang si Jaspher, habang pinakikinggan nito ang bawat salitang sinasabi ni Angela. Nararamdaman nito ang matinding galit ng dalaga.
Nang matapos ang pagsasalita ng dalaga, saka palang nag-angat ng ulo si Jaspher at itinaas ang paningin at tinitigang maigi ang babaeng nasa kanyang harapan na kanina pa niya inaasam-asam na masilayan.
"Alam ko, napakalaki ng kasalanan ko s'yo, Angela. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko na mapatawad mo ako. Gusto ko lang sabihin sa'yo na nagkamali ako. Naging marahas at masama ang pagtrato ko. Mas pipiliin ko pa siguro na mamatay nalang, kaysa makulong ako." ani Jaspher sa dalaga.
Pailing-iling naman si Angela. Hanggang sa biglang nagdilim ang paningin nito at nakalimot na nasa harapan sila ng maraming tao kung kaya't bigla nitong pinagbabayo ng suntok, at pagsisipain ang noo'y nakaluhod na binata.
"Hayop ka, hayop ka.... Kahit kailan hindi kita mapapatawad. Tandaan mo 'yan hayop ka." wika niya na laglagan ang luha habang ginagawa iyon.
Sa bilis ng mga kaganapan, parang sinadyang mangyari iyon sa pagitan ng dalawa.
Hanggang sa maramdaman nalang ni Angela na yakap-yakap na siya ng kaniyang mga magulang.
"Anak, tama na... Nandito tayo sa korte ngayon. Hayaan mo na ang batas ang humusga at magpataw ng kaparusahan sa kaniya." awat ni Susan sa dalaga.
Samantala, di naman natinag si Jaspher. Lahat ng sipang tinamo niya ay balewala lang sa kaniya. Hindi rin ininda ang kahihiyan na lantarang nakita ng mga tao.
Wala naman magawa si Mrs Madrigal. Kahit ito'y nabigla rin sa mga pangyayari. Nakita niya sa mga mata ni Angela ang galit dahil sa sakit na dulot ng kaniyang anak dito.
Nahahabag namang nilapitan ang binata upang damayan. At bilang isang ina, masakit din para kay Mrs. Madrigal ang nakikitang nasasaktan ang kaniyang anak."iho, halika...tumayo ka d'yan. Hindi mo na dapat siya nilapitan pa." wika ni Mrs Madrigal.
"Ma, i'm sorry...wala na akong ginawang tama. Puro nalang kahihiyan at sakit sa ulo ang dinudulot ko sa'yo." wika ni Jaspher.
"Walang may kagustuhan sa nangyari. Siguro paraan lang ito para matauhan ka. Ngunit hindi rin naman ako makapapayag sa gusto nila na makulong ka." anang Mommy ni Jaspher at niyakap ang binata.
Dahil sa pangyayaring iyon, mabilis ding umugong ang balita at kumalat kaagad sa mga televesyon at radio.
Nagalit din ang hukom na tagapamagitan dahil sa iskandolong nangyari. Kung kaya't ipinasya nitong sa susunod na araw na lamang ipagpatuloy ang nasimulang pagdinig ng kaso.
Pagkaraan ng ilan sandali, napilitan narin sina Mang Nardo at Aling Susan na lisanin ang lugar kasama si Angela upang mailayo kay Jaspher. Dahil habang nakikita ng dalaga ang lalake, nagkakaroon ng tensyon at takot sa pagkato ng kanilang anak. Pakiramdam pa ni Aling Susan, hindi makabubuti sa dalaga na nakikita nito si Jaspher dahil hindi matatapos ang kalbaryo sa buhay ni Angela kung patuloy niyang makikita ang taong gumawa dito ng karahasan.
Nang papalabas na ang mga ito, kasama ang abogado pati narin si Totte na kanina pa rin nagpipigil sa galit, hinabol sila ni Jaspher.
"Angela, wait...hindi pa tayo tapos." sigaw nito.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
RandomAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...