KABANTA 28
(Pagbibigay)ARAW ng lunes, bumisita sa bahay ni Angela ang mga magulang na sina Aling Susan at Mang Nardo na galing pa sa kanilang probinsya sa Batangas.
"Inay, Itay..." masayang salubong ni Angela nang makita ang mga magulang na nun ay kabababa lang ng taxi. Patakbo pa siyang lumapit sa mga iyon at yumakap ng mahigpit. Parang kay tagal na nang panahon na hindi niya nakita ang mga ito.
"Kumusta po? Bakit hindi manlang kayo nagpasabi na darating, para naman nasalubong namin kayo ni Angelo." wika pa na kunwaring nagtatampo.
"Anak, sinadya namin ng Tatay mo na huwag sabihin sa 'yo, para surpresa ang pagpunta namin dito. Ikaw kumusta na? Ang apo ko, nasaan siya?" si aling Susan na masayang masaya nang oras na iyon dahil malaki na ang ipinagbago ng kanyang anak. Pakiramdam pa niya'y bumalik na nga sa dati ang sigla ni Angela, dahil sa nakikita niyang awra sa mukha nito.
"Kayo talaga, may pasurprisa pang nalalaman. Naku, pumasok muna po kayo sa loob at nang makapagpahinga muna kayo. Siguradong napagod kayo sa mahabang byahe. Tiyak matutuwa nito si Angelo kapag nakita kayo." ani Angela, at kinuha pa nito ang ilan sa bibit ng mga magulang para tulungan maipasok ang mga iyon sa loob ng bahay.
Manghang mangha ang mag-asawa sa laki at ganda ng bahay ng kanyang anak. Talagang asensado na nga ito. Kumpleto ang mga kagamitan sa bahay. Kung si Angela sana ang masusunod, gusto nito na doon tumira ang mga magulang, kaya lang nanghihiyang si Mang Nardo sa lupain sa probensya kung iiwan nila iyon. Kaya ang nangyari, ay pabisi bita na lamang ang mag-asawa para makita at kumustahin ang katatayuan ng mag-ina. At ngayon nga'y napatunayan na nila na nagtagumpay si Angela at sa awa ng Diyos ay nakaahon narin sa madilim na nakaraan nito.
"Angelo...baby ko, sina lolo at lola, nandito sila." masayang tawag ni Angela sa anak ng makapasok sila sa malawak na salas ng kabahayan.
Agad namang narinig ni Angelo ang boses ng Mama niya. Kung kaya't nagmamadali itong lumabas ng silid na nun ay abala sa paglalaro ng dyep-dyipan.
"Lolo! Lola!" patakbong sigaw nito. Tuwang tuwa ang bata ng makita ang mga iyon.
"Apo....." masayang salubong din ng mag-asawa. Si Mang Nardo, pinangko pa ang bata habang nakalambitin iyon sa leeg niya.
"Lolo, na i miss you_kayo ni lala."
"Miss na miss na miss ka na rin namin ng lola mo, apo. Kumusta ha, bakit ang poge poge mo? At tingnan mo nga naman, lalakihan mo pa si lolo ah." nakangiting wika ni Mang Nardo.
"Naku Lolo, masayang masaya po ako, super! Lalo na ngayon, nandito ka, may makakalaro na ulit ako ng dyep-dyipan." wika ng bata.
"Hehe, talaga...mabuti naman kung ganon?"
si Angela, hindi magkamayaw sa sobrang kaligayahan. Abut taenga kasi ang ngiti nito habang pinagmamasdan ang mga tao na naging inspirasyon niya sa buhay.
"Baby, bumaba ka na muna. Look oh, si Lolo...hinihingal na sa pagkakabuhat sa 'yo. Ang bigat bigat mo na kasi. Kawawa naman ang lolo mo." pabirong sabi ni Angela.
"Hehe, i'm sorry po lolo." hinging paunmanhin ng bata at bumababa nga ito sa pagkakapangko ni Mang Nardo.
"Siya nga pala, may pasalubong kami sa inyo." pag-iiba naman ni Aling susan. Dinampot nito ang isang bayong na naglalaman ng mga kakanin na mismong gawa niya.
"Inay, ano ho ba 'yan? Mukhang napakarami naman." tanong ni Angela.
"Ito anak, kalamay na bigas, suman at biko. Alam namin na ito ang paborito ninyong mag-ina, kaya nagdala kami ng tatay mo." sagot ni Aling Susan.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
RandomAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...