REHAS na PAG-IBIG

12.7K 252 14
                                    

KABANATA 12

TILA NATAUHAN ang dalawang lalake ng marinig ang boses ni Angela.

"Si Angela, kailangang mapasakamay ko pa rin s'ya. Kailangang makuha ko siya." bulong ni Jaspler na marahang gumapang sa damuhan.

Patakbo namang lumapit si Totte sa pinanggalingan ng tinig ni Angela.

"Angela, nasaan ka? Nandito kami, para iligtas ka." malakas na sigaw nito na umaalingawngaw sa kagubatang.

"Narito ako, tulungan n'yo ako..." sagot naman ng dalaga na nangingig na sa takot, dahil oras na maputol ang bagin na kinabibitinan n'ya, hulog siya sa bangin.

Hanggang sa mamataan ni Totte ang nakalambitin na si Angela. limang dipa ang layo nito mula sa kinatatayuan niya.

"A-angela..."

"Parang awa mo na, tulungan mo ako...please!" pagsusumamo nito ng makita siya.

"relax ka lang ha, huwag kang mag-alala, makakaligtas ka." sagot ni Totte at bahayang gumilid upang mahawakan ang bagin.

Kinakabahan man sa gagawin, dahil delekado...mas itinuun parin nito ang atensyon upang maisagawa ang nasa isip niya.

"Kumapit ka lang maigi. Hihilahin ko ang bagin paitaas..." wika ng binata.

Ipinikit nalang ni Angela ang kanyang mga mata na sinabayan ng taimtim na panalangin upang makaahon ito, mula sa malalim na bangin na babagsakan niya pagnagkataon na hindi siya makaligtas.

Mula sa kinatatayusn, kitang kita naman ni Jaspher ang ginagawang pagliligtas ni Totte kay Angela. Pinagmasdan niya itong maigi.

"Humanda ka sa'kin Totte..sige lang, iligtas mo siya...,pagkatapos ikaw ang mahuhulog sa bangin na iyan." bulong ni Jaspher sa sarili, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may pulis na pala sa kanyang likuran. Laking gulat nito ng may biglang tumutok na matigays na bagay sa kanyang ulo.

"Huwag kang kikilos ng masama...taas ang kamay." anang pulis na mabilis ding kinula ang hawak na baril ni Jaspher.

Hindi naman makapaniwala ang binata na sa ganun-ganon ay mahuhuli na siya. Isusugal ang sarili, huwag lang siya mahuli ng buhay.

Nang puposansa siya ng pulis, biglang umigkas ang kamao nito at sinuntok sa mukha ang huli.

"Walang hiya ka, akala mo ba basta-basta mo nalang ako mahuhuli. Puwes, ito ang sa'yo......"

Nagpambuno ang dalawa hanggang sa gumulong ang kanilang katawan sa damuhan na kapwa nag-aagawan ng baril. Malakas si Jaspher kung kaya't tagumpay na naagaw nito ang baril sa pulis.

"Tayo! O baka gusto mong pasabugin ko ang bao ng ulo mo." matigas na wika ni Jaspher ng mapasakamay niya ang armas.

Itinutok na nito sa pulis ang hawak niyang baril.... at nun din ay biglang nagsidatingan ang iba pang mga kapulisan.

Dahil sa ayaw pahuli, ginawang hustage na panangga ng binata ang pulis na ngayon ay hawak nito.

"huwag kayong kikilos ng masama, kundi papatayin ko ang kasama n'yo?" malakas niyang sigaw.

"Ang mabuti pa, sumuko ka na... Harapin mo ang mga kasalanan mo sa batas." sagot ng isang pulis.

"Hindi! Hindi ako susuko sa inyo. Magkakamatayan muna tayo bago n'yo ako mahuli ng buhay." mariing wika ni Jaspher.

"Sige na mga kasama...gawin n'yo ang lahat, mahuli lang ang taong ito. Huwag n'yo akong alalahanin." sigaw naman ng pulis na hawak ni Jaspher.

"Ahh, matapang ka ha... Puwes, ikaw ang uunahin ko." saad ni Jaspher.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon