KABANATA 13
NANG ARAW NA IYON, kahit alam na ni Angela na ligtas na s'ya...hindi parin ito mapakali. Kung anu-ano na ang naglalaro sa kanyang isipan na ikinabahala nitong bigla.
"Diyos ko, gabayan mo po kami ng aking pamilya." sambit n'ya.
"Anak, may problema ba?" bigla ay naitanong ni Aling Susan, ng mapansin nito na parang ang lalim ng iniisip ng kanyang anak.
"Inay, gusto ko po'ng mabulok ang taong 'yon sa bilangguan. Walang kapatawaran ang ginawa n'ya sa akin." anang dalaga sa Ina.
"Oo anak, dapat siyang makulong at managot sa mga kasalanan niya. Ang Tatay mo, gumagawa na siya ng paraan. Nagsampa narin kami ng kaso laban sa kanya." sagot ni Susan sa Anak.
"Inay, hindi ko alam, pero natatakot parin ako...kahit nakawala na ako sa kamay niya, hindi parin maalis sa isip ko na baka maulit ang nangyari. Inay, hindi ko na ho alam ang gagawin ko." bigla ay nanggilid ang luha ni Angela.
"A-angela, anak...may awa ang Diyos, pasasaan ba at malulutas din iyan. Alam kong hindi niya tayo pababayaan. Basta manalig lang tayo sa kanya. Mas mangingibabaw ang batas para panigan tayo." wika ng Ina at marahang niyakap ang dalaga.
"Sana nga 'Nay, sana nga po..." naiiyak ng sagot ni Angela at napayakap narin siya ng mahigpit sa ina.
Nasa ganoon silang sitwasyon ng biglang may dumating na hindi inaasahang panauhin.
"Magandang umaga sa inyo!" bati ng Ginang ng dumating ito.
"M-maam....?" gulat na sagot ni Angela ng lingunin kung sino ang nagsalita.
"M-mrs Madrigal...?" kunot noong wika naman ni Susan.
"How are you, Angela?" taas kilay na tanong ni Mrs Madrigal sa dalaga.
Hindi kaagad sumagot ang dalaga, pinakikiramdaman nito kung ano ang pakay sa kanya ng dating boss, habang nagkatinginan lang silang mag-ina.
"Angela, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang. May importante lang ako sasabihin sa'yo. " wika pa ng Ginang.
"Maam, sa ibang araw nalang po...hindi pa maayus ang pakiramdam ko," sagot ni Angela.
"Please, Angela... Kahit ngayon lang, makinig ka sa akin. Gusto kong humingi ng paumanhin sa nangyari sa'yo." wika nito.
"Maam, wala po kayong dapat ihingi ng paumanhun sa'kin, dahil wala naman kayong kasalanan." pagtataka ni Angela.
"you know what i mean... Isa akong ina, kaya naririto ako para ihingi ng tawad si Jaspher sa ginawa n'ya saiyo."
Nang, marinig 'yun ni Angela, parang biglang umakyat sa ulo ang galit niya. Ang pangalang Jaspher palang ay ayaw na niyang marinig. Kaya ng makita ni Susan ang pag-iiba ng mukha ng anak, siya ang kumausap kay Mrs Madrigal.
"Mrs Magdrigal, mawalang galang na, makaka-alis ka na. Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang ganyan bagay. Anak ko ang naagrabyado dito kaya hindi madali sa kanya na basta basta nalang kalimutan ang nangyari." wika ni Susan.
"Mrs, siguro naman naiintindihan mo ako. Gaya mo, nag-aalala rin ako sa kalagayan ng anak ko. Hindi ko hahayaan na magtagal siya sa bilangguan. Naparito ako para humingi ng paumanhin sa inyo sa nangyari, yun lang..." wika ni Mrs Madrigal na parang nagmamakaawa pa sa mag-ina.
"Maam, wala hong kapatawaran ang ginawa ng inyong anak. Kaya sana, hayaan n'yong managot siya sa kasalanang kanyang nagawa. May batas po tayo na dapat sundin, kaya sana lang, huwag ninyong gagamitin ang pera ninyo, para takpan ang mga kasalanan niya." nanginginig na wika ni Angela.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
RandomAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...