REHAS na PAG-IBIG

11.1K 246 17
                                    

KANANATA 16

"MABUTI naman kung ganon. Nasaan ka ba, Iho? Sabihin mo sa akin para maipasundo kita." tanong ng Mommy nito.

"No need, Ma... Kaya ko naman ang sarili ko. Don't worry, sisipot ako sa hearing." sagot ng binata.

"Okay, Iho...ikaw ang bahala. Basta mangako ka'ng darating ka, ha?"

"yes, Ma...i promise." saad ni Jaspher, bago tuluyang natapos ang tawag.

Mabilis na inihanda ni Jaspher ang sarili, upang harapin ang kasong isinampa sa kaniya. Hindi siya takot harapin ang mga tao na ginawan niya ng kawalanghiyaan, lalo na si Angela.

"Pare, aalis ka?" tanong ni Aldazer.

"Oo, pare... Pwede mo bang ipahiram sa'kin yung pinakamakisig mo'ng damit d'yan. Yung babagay sa akin. Yung poge'ng poge ang dating ko." anito.

"hahaha, bakit pare, aakyat ka ba ng ligaw?" natatawang tanong ni Aldazer.

"may aakyat ba ng ligaw na sa korte ang punta? Ulol! Aattend ako ng hearing ngayon."

"What? Hearing? Bakit kailangan pang makisig ang suot mo? Teka, ngayon na pala yan. Hmm, good luck pare, sana hindi ka mabitay." wika pa ng huli.

"walanghiya naman Aldazer, ang dami mong sinabi ahh. Baka naman gusto mo'ng ikaw ang bitayin ko. Ano, pahihiramin mo ba ako, o hindi?" naiinis ng wika ni Jaspher dahil ang totoo ay wala siyang balak makipaglokohan sa kaibigan.

"oo na, pahihiramin na! Hayan ang closet ko, mamili ka lang dyan kung alin gusto mo isuot." wika ng kaibigan ng ituro nito ang lagayan ng mga kasuotan niya.

Pumili naman si Jaspher na alam nitong babagay sa kanya.

Pagkaraan ng ilang minuto, gwapong gwapo ito sa suot niyang stripe long sleeve na tinernuhan ng black slacks.

"wow naman, parang hindi ka pupunta ng hearing ahh." puna ng kaibigan.

"Ang dami mong sinasabi. Halika at ihatid mo nalang ako." sagot ng binata at hinila nito sa braso ang kaibigan.

"pambihira, kailangan pa bang ihatid kita. Ang mabuti pa, ikaw nalang mag-isa ang lumakad. Heto ang susi ng kotse ko. Ipapahiram ko muna sa'yo."

"Anak ng sampong gago, Ikaw ang magdrive para sa'kin. Sige na, after nito magbabar tayo." alok ni Jaspher.

"wow, hindi mo naman kaagad na sinabi eh. Tara na...Sasamahan pa kita hanggang sa loob ng court." nakangiting sagot ng huli na mabilis ding kumilos.

Pailing-iling naman si Jaspher. Kilala na nito si Aldazer, kailangang suhulan para lang sumunod ng maayus.

Nang nasa byahe na, tahimik lang ang binata. Animo'y bata na pagkabait-bait na tila ba hindi gagawa ng kapilyuhan. At habang nakamasid sa labas ng binatana, bawat daraanan ay matamang pinagmamasdan. Hanggang sa sumagi sa isip nito ang mga nakaraang pangyayari na kaniyang nagawa. Rumihistro sa utak niya ang buong katauhan ni Angela. Mula umpisa, parang sinadya na may magpaalala sa kaniya. Kung paano kinidnap ang dalaga, mga pasakit na ginawa niya at ang angkinin ang pagkakabae nito ay sumagi din sa isip niya.

"shit...." usal nito.

"Bakit, pare....?anong problema?" tanong naman ni Aldazer.

"Nothing...."

"Nothing? Pero nagmumura ka yata ahh."

"wala, may naala-ala lang ako."

"hmm, kaya pala bigla ka'ng natahimik kanina."

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon