REHAS na PAG-IBIG

11.7K 240 10
                                    


KANANATA 10

"ILANG hakbang nalang Angela, makalalabas ka na nang tuluyan sa pamamahay na ito." sa isip-isip ng dalaga.

Ilan sandali pa ang nakalipas at tuluyan ng nakalabas si Angela.

Takbo....

Lakad....

Takbo...

Ito ang ginawa niya upang makalayo ng tuluyan. Hinihingal siya ng sa pakiwari ay nakakalayo na sa bahay na pinanggalingan.

"Kailangang magmadali ako...kailangang may mahingan ako ng saklolo..." aniya sa sarili.

Tahimik na tahimik ang paligid ng gabing iyon, Tanging mga huni ng mga kulisap ang maririnig sa kalaghatian ng gabi. Mabuti nalang at maliwanag ang buwan kung kaya't madali para kay Angela ang makalayo.

Makalipas ang ilang oras, kahit anong bilis ng lakad at takbo nito, pakiramdam niya'y may nakasunod sa kanya. Hanggang sa makaramdam na siya ng pagud at panghihina. Uhaw na uhaw na siya at tila ba nauubus na ang kanyang lakas.

Nang makakita ng malaking puno, nagpahinga saglit at nagpalinga-linga sa palagid upang makatiyak na hindi siya nasundan ni Jaspher.

"Nay, Tay, sana magkita-kita na tayo." sambit niya habang nakatingala sa kalangitan at pinagmasdan ang ilang bituin sa langit. "Miss na miss ko na kayo." anito at marahang ipinikit ang mga mata upang sa gayon ay makahugot siya ng lakas bago muling ipagpatuloy ang paglalakbay.

Subalit laking gulat niya ng sa pagmulat ng mata ay tumambad sa harapan niya ang pagkatao ni Jaspher.

"J-Ja-Jaspher.......?" sambit niya sa pangalan ng lalake. Magtatangka sana siyang tumakbo subalit nahablot nito ang mahaba niyang buhok.

"A-aaarrrrrgggggg.....bi-bitawan mo ako?" nabubulol na sambit ni Angela.

"Saan ka pupunta ha? Akala mo ba, basta-basta ka na lang makakatakas sa akin.. No way!" malakas nitong sigaw at biglang hinablot ang kasuotan ni Angela...

"Jaspher, please...hayaan mo na akong makauwi, pakawalan mo na ako."

"Sa ginagawa mo, lalo ka lang mahihirapan. At kahit anong gawin mo....wala ka mg kawala. Akin ka na, Angela. Akin ka na!' mariing wika ni Jaspher at pagkaraka'y pinupugan ng halik ang dalaga.Halik na tila ba isang Tigre na galit na galit.

"Hu-waaaaaaaaag.........." malakas na sigaw ni Angela.

-----

"M-ma'am...ma'am A-angela! Ma'am,gising po...nanaginip kayo." ani Aling Emelita ng madatnan ang dalaga na binabangot sa katanghaliang tapat.

"Huwaagggg...."
muling sigaw ng huli bago bumalik ang ulira't sa katinuan. Pawisang pawisan ito habang habol ang paghinga. "A-aling Emelita?" aniya ng makita ang matanda.

"Ma'am...nanaginip po kayo. Ang mabuti pa, uminom ka muna ng tubig..."

"Aling Emelita... a-akala ko, makakatakas na ako." maluha-luhang sambit ng dalaga at bigla nalang nito niyakap ang matanda.

Ang pagud at paghihirap niyang iyon ay isang panaginip lang pala. Panaginip na sana ay totoong nakalaya nalang siya.

"May awa ang Diyos...hindi ka niya pababayaan." tanging naisagot nalang ni Aling Emelita habang hinahagod nito ang likod ng nakayap na dalaga sa kanya.

-----

Makaraan ang ilang sandali, nadatnan ni Jaspher ang dalawa na parang may seryosong pinag-uusapan. Nang mapansin na papalapit siya, biglang tumahimik ang mga ito na tila ba may ginawang mali at parang takot-takot.

"Aling Emelita, anong ibig sabihin nito?" tanong ng binata.

"S-sir...ka-kasi po si Ma'am, masama ang pakiramdam... kanina pa?" pasisiguling ng matanda na wala ibang mahanap na dahilan.

"Pinainom mo na ba ng gamot?"

"Sir...wala pong mabilihan sa mga tindihan, kailangan po ay sa bayan pa pumunta?"

"Ganon ba? Gaano kalayo ang bayan dito... i mean, ilang minuto or oras ang byahe, balikan?"

"Mahigit one hour po..." wika ni Aling Emelita at palihim na sinulyapan ang tahimik na si Angela.

"Okay, pumunta ka ng bayan ngayon din. Bilihin mo lahat ng mga kakailanganin dito sa bahay. Ibili mo narin ng mga damit ang ma'am mo. Ikaw na ang bahala kung anong babagay at kakasya sa kanya. At paki-usap lang aling Emelita, wala ho sanang dapat makaalam ng kinaroroonan namin ngayon." ani Jaspher at iniabutan nito ng pera ang matanda.

"O-opo...sir, makaaasa po kayo." tanging naisagot nalang ni Aling Emelita.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo...sige ho, maaari ka ng umalis."

Tumango lang si Aling Emelita at iniwanan na ang dalawa. Saka palang nakahinga ng maluwag ang matanda ng makalayo na siya. Tense na tense ito sa pakikipag-usap sa binata. Akala niya ay mapapagalitan siya. Mabuti nalang at naging mahinahon ito sa pakikipag-usap sa kanya at nakagawa siya ng alibay upang mapasinungalingan ang pinag-usapan nila ni Angela. Gaya ng pangako sa dalaga, tutulungan niya itong makatakas kasama siya.

-----

Wala namang kibuan at imikan sila Angela at Jaspher ng maiwan sila ng matanda. Mas gugustuhin pa ng dalaga na manahimik nalang muna, kesa makipagtalo pa siya. Subalit kabaliktaran naman ng kilos ni Jaspher ngayon. Parang naging kalmado ito at halatang hindi na nagtataas ng boses sa dalaga.

"Masama pa bang pakiramdam mo?" anito.

Subalit hindi siya sinagot ni Angela. Nagkuwari'y walang narinig sa kanyang sinabi.

"Angela, i'm asking you... masama pa ba ang pakiramdam mo?" muling tanong ni Jaspher.

"Ano naman sa'yo kung masama ang pakiramdam ko. Hindi ba't papatayin mo rin naman ako? So, hindi ka na mahihirapan pa. Kaya hayaan mo nalang ako." sagot ng dalaga.

"Kinakausap kita ng maayus, Angela... huwag mong sisimulan na mag-init ang ulo ko."

"Bakit pa? Hindi ba't ikaw rin naman ang nasusunod sa gusto mo? Kaya hindi mo na kailangang tanungin pa ako." anito at balak talikuran ang kausap.

"Ah ganon....halika nga dito." sabay hila ni Jaspher sa braso ni Angela.

Pasalpak namang napasubsob sa dib-dib niya ang huli...Hanggang sa parang sinasaniban na naman siya ng masamang ispirito upang angkinin ang dalaga.

Walang anu-ano'y, ikinulong nito sa mga bisig niya ang walang kakibo-kibong si Angela. Nagtaka pa si Jaspher kung bakit parang hindi yata nag-aalma ang dalaga. Akala niya ay nagugustuhan na ng huli ang ginagawa niya. Subalit isa palang kahangalan ang kanyang nasa isip dahil may ibang plano si Angela kung kaya't nagpapauba ito sa kanya.

Nang tatangkaing hubaran ng binata ang kasuotan ni Angela, natigilan ito... Kapagdaka'y binitiwan ang huli at biglang tinalikuran at iniwan.

"Waaaaaaaaa...." malakas na sigaw ng binata ng makalabas siya ng bahay na parang sasabog ito sa galit.

Bulshit....

Gago....

Siraulo....

Baliw...

Mga katagang narinig ni Angela mula sa bibig ni Jaspher,... habang takot na takot siya ng mga oras na iyon.

"Huwag ka sanang patahimikin ng konsensya mo...." ani Angela ng bahagyang nakahinga ng maluwag.

---Sa pagkakataong iyon....unti unti na kayang lumalambot ang kalooban ni Jaspher.?

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon