REHAS na PAG-IBIG

10.9K 247 13
                                    

KABANATA 18

"ANGELAAAAAAA huwagggggg....." malakas di'ng sigaw ni Aling Susan ng umalingaw-ngaw ang malakas na putok ng baril.

Sa sobrang galit, nagawa nga ni Angela na barilin si Jaspher.

Hanggang sa tumambad na sa harapan niya ang nakahandusay at duguang katawan ng binata.

Nanginginig ang buong kalamnan niya sa galit.

"I-inay..." baling niya sa ina.

Nang mahimasmasan, biglang nabitawan ang baril at nakaramdam siya ng takot.

Mabilis siyang niyakap ni Aling Susan. "Anak, bakit mo ginawa yan." umiiyak na sabi ng Ginang.

Samantala, sa bilis ng pangyayari, hindi na nagawang pigilan ni Aldazer si Angela. Akala'y tinatakot lang ang kaibigan.

Bago pa mahuli ang lahat, wala ng ibang nasa-isip kundi ang madala niya sa pinakamalapit na hospital si Jaspher.

"Pare, lumaban ka, hindi mo pa oras. "at dali-daling pinangko ni Aldazer ang kaibigan upang maisakay sa sasakyan.

Nagsilabasan naman ang mga kapitbahay. Nasaksihan ng ilan ang kaganapang nangyari.

"Walang kasalanan si Angela, ipinagtanggol lang niya ang kaniyang sarili." wika ni Aling Susan sa mga nakikiusyuso sa kanila.

"Inay, wala ako'ng pinagsisisihan sa ginawa ko." mahinang sabi ni Angela, hanggang sa bigla nalang ito nawalan ng malay.

"A-angela! Anak!...anong nangyayari sa'yo...? huhuhu anak, gumising ka. Mga kapit bahay, tulungan n'yo kami....." malakas na sigaw ni Aling Susan habang umiiyak ng malaman na walang malay si Angela.

----

SA HOSPITAL......

Paging Doctor Salonga! Paging Doctor Salonga! please procced to the emergency room.

"Please doc, iligtas n'yo ang kaibigan ko." tanging bigkas ni Aldazer ng maipasok ang kabigan sa isang Emergency room.

Nang mga sandaling yun, nag-aagaw buhay si Jaspher dahil sa tinamong tama ng bala sa dib-dib na bahagi ng katawan nito.

Isang masamang balita naman ang nakarating kay Mrs Madrigal matapos ipagtapat ni Aldazer ang buong pangyayari.

"Tita, ipagdasal nalang po natin na makakaligtas si Jaspher." anito na kausap ang Mommy ng kaibigan sa kabilang linya.

Halos mapepe naman ang Ginang sa masamang balitang nalaman. Walang paa-paalam ay basta nalang binitawan ang telepono at patakbong tinungo ang sasakyan sa lobby ng hotel upang puntahan ang anak sa Hospital.

"Oh Diyos ko, bigyan mo pa po ng isang pa'ng pagkakataon ang aking anak na mbuhay." tanging nasambit ni Mrs Madgrigal.

Pagdating sa Hospital, sumalubong ang maraming medya sa kaniya.

"Maam, pwede po ba namin mahingi ang inyong pahayag tungkol sa napabalitang nabaril daw ang inyong anak?" tanong ng isang reporter.

"Paki-usap, huwag n'yo muna ako'ng gambalain. Hindi ko pa alam ang buong pangyayari." anang Ginang.

Pagkapasok sa loob, kaagad na nagatanong si Mrs Madrigal sa information center.

"Ang anak ko, si Jaspher Madrigal, kumusta siya?" bungad na tanong ng Ginang sa dalawang nurses na nakita.

"Maam, wala pa po'ng balita. Sa kasalukuyan ay nasa operating room pa ang pasyente at inuuoperahan pa siya ng doctor." sagot ng isang nurse.

"Tita..." wika naman ng isang tinig sa may likudang bahagi ni Mrs Madrigal.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon