THE QUEEN'S HUGOT PART 10

691 25 1
                                    

Hindi na uso yung pag ang tanga natuto, humanda ka.
Dahil sa panahon ngayon ang tanga pag natuto mamaya tanga na naman.

**********

Hindi mo kasalanan kung minahal mo siya, mali lang talaga ang ibigin siya.

**********

Kapag ako ang nagmahal abot hanggang langit, pero kapag ako ang niloko mo, aabot ka talaga ng langit kasama yang kabit mong pangit.

**********

Bakit ang indelible ink sa daliri mo ipinagmayabang mo online, ako hindi mo man lang naipagmayabang sa friends mo noon.

**********

Dapat may gulay din na pampatangos ng ilong, hindi yung pampalinaw lang ng mata.

**********

Kung nasaktan ka sa una, nabigo ka naman sa pangalawa, malay mo sa pangatlo..........mag-walling ka na!

**********

Hindi lahat ng nakangiti ibig sabihin walang problema. Sila lang yung taong magaling magdala sa kabila ng bigat na nasa loob nila.

**********

Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong napipilitan lang na mahalin ka.
Isda lang ang sumisiksik sa lata, bakit sardinas ka ba?

**********

Noong tayo pa, jeep jeep lang tayo.
Ngayong kayo na, car mo na ang gamit niyo.

**********

Huwag mong ugaliin na maghabol sa taong hindi ka naman gusto. Ipinanganak kang tao, hindi aso.

**********

Kapag nangako ka at di mo tinupad hindi pangako ang tawag dun, dapat paasa.

**********

Pag mahal mo dapat hindi mo babalikan, dahil sa una palang dapat hindi mo na iniwan.

**********

Huwag kang maghanap ng taong makakaintindi sayo. Ang hanapin mo yung taong kahit hindi ka maintindihan, hindi ka pa rin iiwan.

**********

Ang daling matulog, ang hirap bumangon.
Ang daling mahulog, ang hirap mag move-on.

**********

Kung sino ang dahilan ng saya mo.....
Pustahan tayo, siya din ang dahilan ng matinding pag-iyak mo

**********

"Kung hindi mo man kayang sagutin ang I love you ko, baka pwedeng ibalik mo na lang."

**********

Ayaw kong kinukumpara sa iba, dahil kahit kailan hindi ako naging sila.

HUGOT QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon