Ang pag-ibig, hindi iyan nakukuha sa ITSURA. Bakit, kailan ba tumibok ang mukha?
**********
"Alarm clock ka ba? Kasi paggising ko, ikaw yung una kong gustong patayin."
**********
Hirap ngumiti kapag nasasaktan kana. Hirap ipakita na okay ka. Hirap ipakita sa iba na malakas ka. Hirap ipakita na hindi ka nalulungkot. Di ka makangiti ng naayon sa loob mo. Iiyak ka nalang sa isang sulok sa bigat ng nararamdaman mo.
**********
"Wag mong itanong saakin kung sino yung PAASA, baka kasi madulas ang dila ko at masabi ko kung sino ba ang nanloko sa ating dalawa."
**********
"Sige paglaruan mo ako hanggang gusto mo. Pero isa lang ang ipinapaalala ko, ang mainlove talo!"
**********
"Yeah, I'm SINGLE. Because God is BUSY writing a BEST LOVE STORY for ME."
**********
Dear Karma,
Ikaw na ang bahala sa taong paasa. Alam ko na alam mo na ang address nya. Paki sabi narin na good luck sa kanya.**********
"I don't care if you don't love me, just let me love you."
**********
Ang babae sensitive yan. Kaunting away nyo lang iiyak nayan, lalong-lalo na kapag may nabasa syang post, message or bio mo sa Facebook na pwedeng ikakasakit nang damdamin nya iiyak kaagad yan. Pero umiiyak yan ng patago, hahanapin nya ang unan nya sabay yakap. Magpapa-music yan na pwedeng makarelate sya, habang dinaramdam nya ang kanta, dahan-dahang tutulo ang luha ng mga mata nya. Kaya boys ingatan nyo ang babae, dahil kapag iniyakan ka nyan, tiyak na importante ka para sa kanya at mahal na mahal ka.
**********
Dapat maging open ka sa mga bagay-bagay sa girlfriend mo. Pag nagtanong sya, sagutin mo ng tama. Hindi naman yan magagalit. Ang gusto lang nyan maging honest ka para mas lalong lumaki ang tiwala nya sayo. Kasi ang mga babae pag nag tanong yan, alam na nila
ang sagot. Bat pa nag tatanong? Kasi tinitignan nila, kung magsasabi ka ng totoo.**********
Silent tears hold loudest pain.
**********
"Bakit naman ako papayag na maging pangalawa lang sa puso nya? Kung pwede naman akong maging una't nagiisa sa piling ng iba?
**********
"Ang Babaeng bumabyahe mag-isa sa gabi."
Driver: Miss, hindi kaba napapagod?
Ako: Po?
Driver: Sabi ko, kung hindi kaba napapagod?
Ako: Napapagod po saan ?
Driver: Mag isa. Maghintay na muling may makakasama sa pagtahak mo ng daan mo.
Ako: (Napangiti)
Driver: Ako kasi pagod na.
Ako: Saan po ?
Driver: Umasang may maisasakay pa ko. Lagi akong umaasa na mapupuno lahat ng pagkukulang. Napupuno minsan pero kadalasan hindi.
Ako: Luh! Si kuya humuhugot.
Driver: Ikaw nga panay sagot mo "saan po?"
Ako: Kasi naman kuya, mag iisang oras na nating binabyahe yung Limay papuntang Lamao.
Driver: Kasi alam ko namang walang naghihintay sayo. Umaasa ka lang rin gaya ko.
Ako: Aray naman! Eh kung kinakalabugan kita dyan kuya. Bat ako nadamay.
Driver: Magkano binayad mo kanina ?
Ako: 30 po.
Driver: Eto kunin mo na yung 30 pesos mo (inaabot yung bayad)
Ako: Ibababa niyo po ako? Wag ganon kuya. Wala na kong masasakyan pauwi.
Driver: Sabi ko kunin mo lang yung bayad mo. Di ko sinabing ibababa kita.
Ako: Hanap buhay niyo po yan eh.
Driver: San ang sa inyo ?
Ako: Sa may Arsenal po. Ihahatid niyo po ako? Wag na po. Nakakahiya (pero pumapalakpak na tenga ko)
Driver: Ituro mo't ihahatid kita ng ligtas.
Ako: Wag na po kuya.
Driver: Gusto ko lang kasi mapatunayan na mas nakapagpapasaya ng tao yung effort kaysa sa pera. Yung pera madaling ibalik at pansamantala lang ang dulot na saya. Pero yung effort, habambuhay mo yung maaalala. Pustahan tayo, hindi mo ko malilimutan?
Ako: Hindi ko po alam kung matatakot ba ko sainyo o matutuwa ako. Di niyo na nga ako pinagbayad ihahatid niyo pa ko samin.
Driver: Alam mo Miss, saming mga lalaki, pag napangiti namin ang babae, milyonaryo na kami.**********
Wag mo hayaan mapagod ang isang taong mahalin ka. Kasi sa dulo, nawalan ka na, nakasakit ka pa.
**********
"Kaya ko na pala"
Kaya ko na pala kahit di kana kausap. Kaya ko na pala kahit di ka magparamdam. Kaya ko na palang respetuhin sarili ko. Kaya ko na palang mahalin sarili ko bago magmahal ng iba. Kaya ko nang kamustahin ka ng di ako na naghihintay ng reply mo. Kaya ko na rin siguro kahit hindi mo na ko pansinin o kamustahin. Kaya ko nang baliwalain ka. Ang dami kong kinaya no? Dahil sayo yan. Ikaw may gawa niyan. Sa lahat ng kinaya ko eto yung pinakagusto ko. KAYA KO NA PALANG WALA KA!
**********
Natural lang sa tao ang magbago pagkatapos niyang makaranas ng sakit lalung-lalo na mula sa taong naging espesyal na sa buhay niya. Nagbabago tayo dahil sa sakit at dahil sa mga nangyayari sa buhay natin. Wala namang masama sa pagbabago basta yun ang makakapagpabuti sayo. Dahil sarili mo yan eh, sarili mo lang ang makakatulong sayo para marealize mo ang dapat mong gawin. Kung pagod ka na sa puro sakit na dulot niya sayo, magpahinga ka. Kung nararamdaman mo ng di ka niya pinapahalagahan ikaw na lang ang lumayo at magparaya, ikaw na lang ang iintindi. Basta maging ano man ang magiging desisyon mo sa buhay ay lagi mo paring buksan ang puso at isipan mo sa mga taong nasa paligid mo dahil malay mo may isang tao pala na mahal na mahal ka at naghihintay lang na mapansin mo siya.
**********
LAHAT NG LETTER SA ALPHABET LOYAL YAN! EXCEPT LANG KAY "X"
**********
Yung babaeng may pangarap at may direction sa buhay yan yung masarap alagaan at mahalin. Hindi yung babaeng puro pasosyal at paganda lang ang alam sa buhay.
**********
Iintindihin kita kahit ang gulo gulo na.
Iintindihin kita kahit ang sakit sakit na.
Iintindihan kita kahit ang hirap hirap na.Mahal kasi kita, hindi ba?
Kaya nagagawa mo kong pagmukhaing tanga.Tapos sabi ko sayo "Mahal kita" ngunit ang tanging sagot mo saakin ay "Tumigil ka na."
**********
"Hi Babe! Uwi ka na, pinagluto kita ng paborito mong HIPON, yung kasama mo KAHAPON."
**********
Ang babae kapag nagseselos, ipagtutulakan ka pa sa pinagseselosan niya.
**********
Ang taong tanga naliligayahan sa kasinungalingan, nagagalit sa katotohanan, ngumingiti kapag nahihirapan, at nagmamahal kahit nasasaktan.