THE QUEEN'S HUGOT PART 27

211 5 0
                                    

Kung may mahal ka na, huwag ka ng humanap ng iba. Anong akala mo sa Love? Parang Minute Burger na buy 1 take 1?

**********

Fight for someone dahil gusto mong patunayan na ikaw ang karapat-dapat. Hindi yung dahil sa gusto mo lang talunin ang mga karibal mo.

**********

Pag dumating ka na sa puntong gusto mo ng bumitaw, isipin mo muna kung bakit kumapit ka ng ganyan katagal.

**********

Sa susunod na mag-iisip ka ng magagandang bagay, huwag mong kalimutang isipin ang sarili mo.

**********

Minsan daw nakakapagod magmahal. Minsan masaya tapos may oras na iiyak ka! Sabi nila magsasawa din ako. Sabi ko, hindi totoo yun. Alam mo kung bakit? Kailan ba nagsawa ang taong nagmamahal ng totoo.

**********

Huwag mong ugaliin ang maghabol sa taong mahal mo. Ipinanganak kang tao hindi aso.

**********

Minsan ang daling sabihin na mahal mo siya. Pero yung totoo mas mahal mo yung isa. Pero bakit mo pinipilit  na mahalin yung isa? Simple lang! Syempre, para makalimutan mo yung mahal mo talaga. Tama ba?

**********

Sa pag-ibig, minsan kailangang pumili. Pipili ka ng maporma tapos bigla ka na lang iiwan at sasaktan. Minsan makakapili ka ng simple lang pero. Di mo alam na sa simpleng paraan ka lang pala niya sasaktan.

**********

Maling iwasan ka pero ginawa ko! Maling mag-alala sayo pero ginawa ko! Maling mahalin ka pero ginawa ko! Pero ang kalimutan ka, Damn! Ba't yun ang di ko magawa?

**********

Kung talagang para sa iyo ang isang tao, mawala man siya sayo ng mahabang panahon magkikita parin kayo, kapag tama na ang mali at kapag pwede na ang hindi pwede.

**********

May oras na darating na kailangan niyong maghiwalay kahit ayaw mo. Wala kang magawa. Naiisip mo "Kailan kaya kami magkikita ulit?" Pero sa totoo, nasasaktan ka lang aminin na ang totoong nasa isip mo ay kung makikita mo pa ba siya?

**********

I was once hurt by someone I really love. I don't want to give up even if it hurts. But one day I ask myself why? Pagod na akong magmahal ng taong hindi naman para sa iyo.

**********

Ang hirap maging ex lang. Di mo alam kung magseselos ka, kung magagalit ka at kung magtatampo ka sa kanya. Bakit anong karapatan mong panghimasukan ang buhay niya? Isa ka na lang nakaraan diba?

**********

My friend ask me, "Mahal mo pa ba?". Then I replied, "Sobra".  My friend ask me again, "Ba't di mo ipaglaban?". I whispered, "Masaya na siya, guguluhin ko pa ba?"

HUGOT QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon