THE QUEEN'S HUGOT PART 38

116 3 0
                                    

Kung hindi mo kayang mahalin, please wag mo na lang saktan.

**********

Siguro kaya iniiwan tayo ng mga taong mahal natin kasi may darating na bago, tapos iiwan uli nila tayo.

**********

Kapag nagmamahal ka hindi mo dapat iniisip ang sasabihin ng iba. Kasi ang pagmamahal sa puso nakikita hindi sa bibig ng iba.

**********

Mahal kita at mahal mo ako. Pero bakit ganun? Ayy basta! Sa ngayon ang alam mo lang ay ang mahal ng bilihin. Tama na munang Mahal mahal na yan, nakakaloka lang. Char!

**********

Kahit pa sabihing mahalaga ka sa kanya, may mga bagay pa ring mas mahalaga kaysa sayo na handa niyang unahin bago ka.

**********

Sana nung tayo pa, naging sinaing nalang ako para nung iniwan mo ako, pinagalitan ka ng nanay mo.

**********

Hindi ginawa ang break up para masaktan at lumuha ka, ginawa ito para ilayo ka sa taong akala mo ay tama.

**********

Kahit walang kwenta ang usapan niyo, basta interesado ka sa kausap mo okay na.

**********

Lahat pwede mong pag-aralan, pero ang puso mo hindi pwedeng turuan na mahalin ang isang taong hindi mo naman talaga mahal.

**********

Darating din yung taong para sayo. Maghintay ka lang. Kapag alam mong hindi na pwede, wag mo ng ipilit. Dahil lahat ng pinipilit, masakit.

**********

Kapag nagmahal ka ulit, siguraduhin mong nakamove on ka na sa ex mo. Para kahit magkausap at bumalik sya sayo, masasabi mong, "Iniwan mo ko noon para sa iba, pero pasensya na di ko kayang iwanan siya para balikan ka."

**********

Inaantok ka na pero ayaw mo pa matulog dahil hinihintay mo siyang pansinin ka niya. Wag ka ng umasa beh! Kung may balak siyang pansinin ka, sana kanina pa.

**********

Akala mo nakamove on ka na, pero nasanay ka lang pala talaga na wala siya. Akala mo lang kasi yun!

**********

Dapat matuto tayong bumitaw. Dahil mas okay na ang maging malungkot ng panandalian, kesa magmukhang tanga ng matagalan.

**********

Ang dami mong relationship goals. Paano mo matutupad yun eh yung mahal mo may mahal ng iba, tapos ikaw naman hindi mo gusto yung taong gusto ka.
Kaloka!

**********

Huwag mong hanapin ang katangian ng dati mong mahal sa gusto mong mahalin sa ngayon. Dahil tandaan mo, walang taong magkapareho at walang lovestory na magkaparehas.
Alam mo na?

HUGOT QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon