THE QUEEN'S HUGOT PART 73

17 1 0
                                    

Bakit  Anong Nangyari?

Tagalog Spoken Work Poetry composed by Me :)  


Bigla akong naiyak sa hindi malamang dahilan

Hindi ko alam kung sa saya dahil nagkita tayo sa muling pagkakataon?

O sa lungkot dahil bumalik ang sakit na dinulot mo sa akin noon?

Tatalon ba ako sa tuwa dahil nasilayan kong muli ang iyong mukha?

O uupo ba ako't iiyak dahil nakita kong masaya ka.

Masaya ka dahil sa kanya.


Bigla akong naluha sa hindi inaasahang rason.

Rason na hindi ko inakalang iiyakan ko ngayon.

Rason na nagbibigay ng saya sakin nung tayo pa.

Rason kung bakit ako ang pinili mo at hindi siya.


'Yung rason na 'yun ang hindi ko inaakalang sisira ng kaligayahan ko

Sisira sa pagkatao ko, kalooban ko, 

Pagkababae at tiwala ko.

Pagkabobo ng utak ko at pagkadurog ng puso ko.


Rason na gustung-gustong marinig ng karamihan at maramdaman ng sinuman.

Maramdaman ng dalawang taong nagmamahalan kailanman, saanman.

Rason na ang tamis-tamis pakinggan 

Pero ang pait kapag may halong kasinungalian.


'Yung rason na tinutukoy ko ay noong sinabi mong mahal mo ako.

Noong sinabi mong masaya ka dahil ako ang kasama mo.

Noong sinabi mong hindi maipaliwanag ang nararamdaman mo noong sinagot kita ng OO.


Noong sinabi kong "Mahal kita" pero ang isinagot mo sa akin "Mas mahal kita."

Noong sinabi kong "Miss Kita" pero ang isinagot mo sa akin "'Mas miss kita."

Lahat ng sinasabi ko noon, hinahaluan mo ng mas.

"Mas maganda ka sa kanila, "Mas sexy ka sa kanila," Mas mabango, mas kamahal-mahal. Lahat may mas.


Hindi ka noon nagsasawang sabihin kung gaano mo ako kamahal.

Kung gaano ka noon katiyagang naghihintay dahil ako'y matagal.

Noong may lumapit saking mga hangal.

Iyong sinugod, sinuntok tsaka ako'y iyong nilapitan, niyakp sabay sabing, "Ligtas ka na Mahal."


Ako ang pinakamasayang babae noon pero ako na ang pinakamalungkot ngayon/


Bigla akong napahagulgol sa iyak dahil sa mga tanong na hindi ko masagot-sagot.

Mga tanong na sa paulit-ulit ay nakakabagot.

Mga tanong na kapag hindi masagot ay nakakatakot.

Sana ang mga tanong na lang na ito ay wala ng sagot para hindi na tayo malagot, para hindi na sa puso'y makirot.


Mga tanong na bakit.

Bakit ba sobrang mahal na mahal kita?

Bakit ang saya-saya ko kapag ikaw ang aking kasama?

Bakit hindi ko namamalayan ang aking mga ngiti sa aking mga labi kapag nakikita ko ang iyong mukha?

Pero bakit ganun?

Ang saya-saya naman natin noon.


Bakit anong nangyari?






HUGOT QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon