Akala mo okay na, akala mo masaya na, akala mo sapat na, akala mo pwede pa, akala mo lang yun, dahil may mga bagay na hindi permanente kayang baguhin, kayang palitan...
Parang pagmamahal mo sa kanya, hindi pa yan okay dahil habang tumatagal nagbabago din siya at napapalitan ka niya.
**********
Yung lalaking ayaw kang mag shorts ng maikli. Yung lalaking nagtatampo pag may ka chat ka na ibang lalake. Yung lalaking ayaw nya na magabihan ka sa daan. Yung lalaking nagseselos ng tahimik lang. Yung lalaking hindi nag sasawang mag sabi ng iloveyou. Yung lalaking ikaw agad ang tenetext pagka gising. Yung lalaking handang gawin lahat mapasaya ka lang. Yung lalaking concerned pag nagkasakit ka. Yung lalaking ma effort. Yung lalaking hindi ka sasabihan ng badwords. Yung lalaking sinasamahan ka sa pagka topakin mo. Yung lalaking hindi agad nagagalit pag may kasalanan ka. Yung lalaking mahaba ang pasensya. Ingatan niyo yang mga yan kasi konti na lang ang mga ganyang lalaki.
**********
Bilang boyfriend, kahit di online girlfriend mo, mag-pm ka pa rin sakanya. Tanungin mo, "Kumain ka na ba baby? Pag di pa, Kumain na ah! Wag matakot mag-extra rice. Love pa rin naman kita kahit tumaba ka eh.", " Anong ginagawa mo ngayon baby? Mag-ingat ah. Papakasalan pa kita. Alam mo ba baby? Miss na miss kita. Tiis-tiis muna ako sa mga pics mo sa phone ko. Ganda mo baby." kahit korni yan para sa kanila, kikiligin pa rin yan.Syempre, wag mo ring kakalimutang sabihin na mahal mo siya. Kahit lagi-lagi hanggang maumay sila brad. Para pag nabasa nila yan, matutuwa sila tapos maiisip nila na kahit di natin sila nakakachat, nakakatext or nakakausap eh naaalala natin sila.
**********
Minsan talaga hindi mo mapakita sa iba yung tunay mong nararamdaman, dahil alam mo naman na wala silang pakialam.
**********
Kapag ang lalake nagseselos ibig sabihin mahal ka nya, kaya kapag nakipaghiwalay ka sa kanya at ang dahilan mo ay Seloso sya, isa lang ang masasabi ko "ANG TANGA MO!"
**********
May mga bagay na pwedeng ipaglaban. At meron ding hindi pwedeng ipagpilitan. Kung kayo, kayo talaga. Kung nahihirapan ka na, itigil mo na. Kung sakit na ang mas nangingibabaw kaysa pagmamahal, maniwala ka , hindi na talaga 'yan magtatagal. Lahat daw nang paulit-ulit nakakasawa pero kung mahal mo talaga, hindi ka magsasawa. Subalit lahat naman, may hangganan. Darating ang araw, mapapagod puso mo't isipan. Darating ang puntong gugustuhin mo nang lumayo. Ngunit sa bawat hakbang ng iyong paa papalayo, ang puso mo, sa kanya pa rin patungo. Oo, mahirap, oo, sa una. Pero kung gugustuhin mo, magagawa mo talaga. Sabi nga, kung gusto, magagawan ng paraan pero hindi lahat ng ayaw, may dahilan. Minsan, talagang ayaw mo lang. Tama ako, 'di ba? Kasi tinamaan ka. Hala, lumakad ka na palayo. Paisa-isang hakbang man, alam kong kakayanin mo 'yan. Pagong nga, kahit mabagal nakararating sa paroroonan. Huwag na huwag kang lilingon, lalong huwag kang uurong. Para 'di ka matuksong bumalik sa miserableng buhay mo. Pigilan mo na ang sarili mo na kumapit, baka kasi sa huli, mahirapan kang bumitaw ulit. May mga bagay na pwedeng ipaglaban. At meron ding hindi pwedeng ipagpilitan. Pwede pang ipaglaban pero 'di na pwedeng ipagpilitan. Pwede pero hindi na. Hindi na. HINDI NA. WALA NA. Ulit-ulitin ko pa ba? Para matauhan ka?
**********
Girls , yang mga lalaki minsan para din silang mga babae marunong magpabebe , sobra kung magtampo , sobrang hirap suyuin , sobrang seloso , sobrang paranoid at minsan sobrang taas ng pride tipong di mo maabot hahahaha pero kahit ganon wag kang susuko lambingin mo lang , mag effort kalang hanggang sa mapalambot mo sila minsan kase yung mga lalaki kailangan nila yung babaeng maiintindihan sila na hindi sa lahat ng pagkakataon tayong mga babae yung palaging iniintindi , sinusuyo , binibigyan ng effort hindi naman kase manhid ang mga lalaki eh nasasaktan din sila , nalulungkot din sila , umiiyak din sila pero hindi nila pinapakita kase akala nating mga babae hindi sila nasasaktan pero mas pinipili kase nilang sarilihin yung nararamdaman nila kase nga hindi sila showy hindi gaya nating mga babae na umiiyak sa mga kaibigan , pinapakita sa lahat na nasasaktan ka or kulang nalang isigaw natin na ang sakit sakit na yung mga lalaki minsan sa pag iisa nila hindi mo alam umiiyak din sila , hindi mo alam nasasaktan din sila , minsan gusto din nilang isigaw na nasasaktan sila pero hindi nila ginagawa kase gusto nila maging matapang sila sa mata ng ibang tao tipong parang hindi sila apektado pero hindi ibig sabihin non hindi sila nasasaktan wala naman sigurong lalaki ang hindi nasasaktan pag nagmamahal ng totoo diba kaya girls kung gaano ka tinuturing na prinsesa ng boyfriend mo o ng mahal mo ganun mo din sila ituring na prinsipe ng buhay mo.
**********
Di naman masamang mag-mahal ang masama lang ay pilitin mo rin siyang mahalin ka.
**********
Hindi natin hawak ang oras, Kaya matuto kang magpahalaga lalo sa mga bagay na maaring mawala.
**********
Pag ayaw sayo, tanggapin mo. Pag 'di ka mahal, pakawalan mo. Pag pinagpalit ka sa iba, move on. Mahirap pilitin ang isang taong hindi ikaw ang gusto. Tangina, dyosa tayo!
**********
Nag-confess ka, sabi mo mahal mo siya. Ang saya mo nung sinabi niyang mahal ka din niya, tapos nun nahulog ka sa kama.
**********
Minsan kaya di mo masabi ang nararamdaman mo para sa kanya kasi takot kang mag iba ang tingin niyo sa isa't isa.
**********
Gusto ko sana sabihin sayong Mahal kita kaso naalala ko Nakaharang yung salitang bakit? Tayo ba?
**********
Kapag nasaktan ka wag kang susuko, kapag natakot ka wag kang magtago, kapag nadapa ka matuto kang tumayo. Hindi dahil wala ako pakialam sayo. Mahal kasi kita. Kaya gusto ko kahit wala ako you can stand on your own.
**********
Magmahal ka ng walang hinihintay na kapalit, para sa huli hindi ka masaktan.
**********
"I'm not a photographer, but I can capture us together."
**********
Okay lang ang masaktan ang mahalaga matuto ka, pero natuto ka nga ba?
**********
Bakit tayo inaantok pagkatapos nating umiyak? Maybe it's God way of saying, "You should rest my child. I know you're hurt and tired."