Bakit ka magpaparamdam sa taong di marunong makiramdam ?
Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga
Matuto kang sumuko at mang iwan kung lagi ka rin lang nasasaktan
Imbes na mag tatanong ka ng "hindi pa ba sapat ang ginawa ko?" bakit di mo nalang kalimutan ang lahat ?
Kung alam mong benabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya. Wag kang magpapadala sa salitang "SORRY" at "AYOKONG MAWALA KA " dahil kung totoo yun patutunayan nya.**********
Pag ang isang babae ay nanatili sayo kahit na sinaktan mo siya hindi yun pagiging tanga. Binibigyan ka lang niya ng pagkakataon na malaman mo kung anong meron siya. Na tiyak na hindi mo makikita sa iba. Ang babaeng sinaktan mo ng ilang beses ay ang babaeng hindi mo na dapat iwan o saktang muli. Sa panahon ngayon bihira nalang ang mga babaeng matiyaga at nagtitiis sa mga malolokong lalaki. Kung hindi ka niya iniwan pagkatapos mo siyang saktan, ingatan at pangalagaan mo na siya dahil pag nawala siya hindi ka makahanap ng tulad na magtitiyaga sayo, nasa huli ang pagsisisi.
**********
Mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.
**********
Nakakasawa ng makinig sa paulit-ulit na dahilan kaya kailangan ng pakawalan para hindi na masaktan.
**********
SILENT GOODBYE!
Eto yung pagpapaalam ng dahan dahan. Eto yung pagtalikod na wala ng lingunan. Yung kayo pa pero unti unti mo ng kinakalimutan yung nararamdaman mo sa kanya.Yung kayo pa pero kailangan mong gumising araw araw na parang wala na. Na dapat masanay ka na.Di mo na siya dapat namimiss. Di mo na siya kukulitin pag di siya nag rereply.Goodmorning na lang sa umaga.Goodnight sa gabi.Hindi dahil nag sawa ka na.Hindi dahil nakahanap ka na ng iba.Eto yung pagpapaalam sa taong mahal mo na hindi na ganoon kalalim ang pagmamahal sayo. Yung hindi na ikaw ang naaalala sa umaga. Hindi na ikaw yung naiisip sa gabi. Yung hinihintay na lang niyang mapagod ka sa kanya para iwanan mo siya. Yung mahal mong kahit kayo pa, pinapangiti na ng iba. Yung hindi na siya naiinis pag di ka nag rereply. Hindi na siya nagtetext ng long messages. Hindi na siya nag pupumilit na makita ka. Hindi na siya nag seselos. Hindi na siya nag aalala. Eto yung pagpapaalam na mas masakit pa sa actual break up. Kasi unti unti mong nararamdamn yung sakit e. Hindi katulad sa break up na isang bugsuan nalang yung damdamin. Yung hindi ka bumibitaw kasi gusto mong itry mag work kahit hindi mo alam kung ano bang problema. Pero unti unti na siyang nawawala sayo. Nakaka praning. Nakakatakot pero wala kang magawa kung hindi umasang meron pa. Mahal ka pa niya.
**********
Nung Bata pa ako, bayang magiliw ang tawag ko sa lupang hinirang , mahilig akong mag-practice ng magiging signature ko, akala ko " VALENTIMES", yun pala "VALENTINES", hinahawakan ko ang makahiya para tumiklop, nakalunok na ako ng isang buong candy, athlete ako sa larong JACKSTONE, mahilig ako maglaro ng chinese garter, nagtatakip ako ng mata pag may kissing scene sa tv, pag inaaway ako sinsabi ko sa kalaro ko "WAG MO SIYA BATI HAAA", tinutuhog ko yung dahon tapos iniihaw, akala ko may kayamanan sa dulo ng rainbow, naniniwala akong "MAY 5 SECONDS PA" ang pagkaing nahuhulog, mahilig akong mag flames sa pangalan ng crush ko, kinakagat ko yung dulo sa lapis para may pambura ako, kumain ako ng nectar ng santan, nag door bell ako sa mga bahay at sabay takbo, ginagawa kong slide ang hagdanan, pinipilit akong matulog pag hapon at di papayagan maglaro pag di natulog, nangongolakta ako ng stationaries at stickers, ginagawa kong sigarilyo ung stick-o, kumakanta ako sa harap ng electric fan, at ang huli UMIIYAK AKO KASE NASUSUGATAN TUHOD KO NGAYON PATI PUSO NA PALA.
**********
Hindi man tayo mag-usap araw-araw o magkita madalas, magtawanan gaya ng dati, magtrip kahit badtrip. Pero ito tatandaan mo, "WALANG SINUMAN ANG PWEDENG PUMALIT SAYO"
**********
IKAW ANG KASAMA.
IKAW ANG KAUSAP.
IKAW ANG KA TEXT.
IKAW ANG KA CHAT.PERO IBA ANG MAHAL NIYA
**********
Ang PURPOSE ng MAKE UP ay para mag mukha kang presentable sa tao. Hindi yung lalabas ka ng bahay, tanghaling tapat mukha kang nasampal ng PINTURA!
**********
"Sa ganda kong to iiyakan kita? At sa pangit mong yan hahabulin kita? Duh! Bat kita iiyakan kung pwedeng pwede naman kitang palitan"
**********
If I see you flirting with others, I won't cry. Instead I'll stand in front of you, chin up, stomach in, chest out sabay sabi, "Mas masarap akong magmahal diyan. Sana wag mong pagsisihan"
**********
LESSON ONE: Huwag magmahal ng sobra.
Yun ang sabi ko dati para walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Kaso dumating ka at naloko ako .
PANIBAGONG LESSON PARA SA AKIN: WAG MAGSASALITA NG TAPOS
**********
Sa sobrang tagal mo ng single, namanhid ka na sa mga taong may gusto sayo sa paligid. Manhid ka na sa mga taong nagpaparamdam na mahalaga ka. Feeling mo, lahat sila sa una lang magaling dahil sa sakit ng nakaraan mo. Pero darating yung araw na... may darating ulit. Biglaan. Out of nowhere may makakausap kang magpapangiti sayo. Na sa tuwing nandiyan siya sa tabi mo, gusto mo na ibaba yung harang na matagal mong binuo para di ka masaktan ng iba. Sana sa pagbaba mo ng guard mo sa puso mo, hiling mo na sana hindi ka niya saktan!
**********
Walang kwenta ang taglay mong kagwapuhan, kung wala kang respeto sa kababaihan.
**********
Wag mong sayangin ang luha mo para lang sa lalake na hindi ka naman pinahalagahan, wag mong sayangin ang mga efforts mo para lang sa lalakeng ang alam lang ay sariling kaligayahan, Dahil balang araw ma rerealized nya na iba ka at importante ka sa buhay nya kaso pinakawalan ka pa nya.
**********
BOY: simula ngayon bawal ka ng mag pakita sa tropa mo ah okay?
GIRL: break na nga tayo diba?
BOY: paano kung ayaw ko?
GIRL: problema mo na yan!
BOY: nag papalambing ka lang e
GIRL: hindi noh!!
BOY: mga babae talaga, pag nakipag break ka lagot marami mag aagawan sakin. Wait mag total muna ako bago break.
GIRL: ano i-total mo?
BOY: ang mga binigay ko sayo kailangan mo ibalik pag nakipag break ka.
GIRL: lah ayoko nga!
BOY:
ROSES - 560
TEDDY BEAR - 1,369
MONTHSARY - 4,324
CHOCOLATE - 2,480
CELLPHONE - 30,348
SINAKTAN MO AKO - 15,500
TOTAL = 54,581GIRL: grabe naman
BOY: ano makikipag break ka pa?
GIRL: hindi na sorry na
BOY: hindi na kita sisingilin pag kasal na tayo okay?
GIRL: okay grabe naman may tubo yung iba eh
BOY: nag rereklamo ka?
GIRL: hindi po
BOY: dahil dyan date tayo ngayon
GIRL: saan?
BOY: sa star city
GIRL: lah! ang layo
BOY: tandaan mo pag nakipag break ka, ihuhulog kita sa roller coaster tandaan mo yan!
GIRL: opo, hindi nga makikipag break
BOY: gusto ko kasal ending natin ah
GIRL: oo na
BOY: bihis ka na pupunta ako dyan.
GIRL: sige ingat ka I Love You
BOY: I Love You too