THE QUEEN'S HUGOT PART 39

89 2 0
                                    

Minsan kahit anong pagsisikap mong mahalin at alagaan ang isang tao, kung hindi naman ikaw ang kailangan niya, hindi talaga magiging sapat ang binibigay mong sobra.

**********

Masarap alagaan at mahalin yung taong mahal ka, tanggap kung sino ka, proud sayo at hindi ka kinakahiya. Yung kontento at masaya pag kasama ka. Yung hindi sumusuko sa mga problema. At higit sa lahat, alam niya yung salitang, "Di ko kailangan ng iba dahil ikaw lang sapat na."

**********

Noon, uso ligawan. Ngayon, uso agawan. Pero kapag ikaw ang inagaw sa kanya, ipapauso niya panigurado ang patayan at walang katapusang digmaan.

**********

Sana hindi ka katulad ng buwan na iiwan din siya pagdating ng araw. Kung magiging lindol siya tandaan mo, puso mo ang unang yayanigin niya. Para maramdaman mo ang lakas ng tama niya sayo. At aanhin pa ang paa mo, kung hindi ka naman lalakad sa altar kasama siya. Sana ang pagibig mo ay parang takbo ng orasan, laging pakanan walang kaliwaan.

**********

Hindi masamang mag MAHAL, basta marunong kang MANAMPAL lalo na sa mga KARIBAL na walang ibang ginawa kundi ang UMEPAL.

**********

Di bale ng mahuli ka niyang nakatingin sa kanya, atleast napatunayan mong tinitignan ka din niya.

**********

Nabubura ng sorry ang galit, pero kahit kailan hindi nabubura ng sorry ang sakit.

**********

Sabi nila, mahirap daw pag single
Tanong ko lang, kapag ba taken mayaman?

**********

Madalas siyang magselos hindi para awayin ka kundi para malaman mong mahal ka niya at ayaw niyang nilalambing ka ng iba.

**********

Kapag sinabihan ka ng isang tao na mahal ka niya, dedmahin mo lang. Bakit?! Kilala mo na ba siya? Baka nga pangalan niya di mo pa alam eh?

**********

Ilang milyong "I love you"
Ilang libong "I miss you"
Ilang daang "yakap"
Isang "Break" lang ang katapat, burado ang lahat.
In short, "Format".

**********

Wag kang malungkot kung single ka, dahil sa mata ng duling hindi ka nag-iisa.

**********

Lahat ba ng matagal, nakakainip? Paano kung halikan ka niya ng matagal, maiinip ka ba? Oh come on! Baka mabitin ka pa nga eh.

**********

Kahit si Detective Conan pa ang tawagin mo, di niya malulutas kung paano ka naka- SLUMDUNK sa puso niya.

Kahit ilang BLEACH pa ang gamitin mo, hindi na matatanggal ang mantsa ng pagmamahal niya sayo.

Kaya inipon niya lahat ng DRAGON BALLS para humiling na mahalin mo din siya dahil ikaw ang ONE PIECE para makumpleto ang FAIRY TAIL ng buhay niya.

HUGOT QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon