THE QUEEN'S HUGOT PART 15

632 15 0
                                    

Aanhin mo ang kayamanan kung matapobre ka naman. Lagi mong tandaan na ang yaman ay hindi mo madadala sa iyong pagpanaw kundi ang alaala sayo ng mga tao dahil sa kagandahan ng kalooban mo.

**********

Minsan talaga kailangan mong tumahimik kahit tama ka dahil hindi ka mananalo kapag tanga ang kausap mo.

**********

Okay na ako sa kaunting kaibigan, basta lahat totoo

**********

Ang linta kung saan may dugo doon kumakapit. Parang ikaw kung saan nakikinabang doon ka pumapanig.

**********

Hindi bale ng makapal ang taba kesa naman sa makapal ang mukha.

**********

Kahit gaano kaayos ang ating pananalita darating talaga ang oras na makakasakit tayo ng kapwa. Kahit sabihin pa nating hindi natin sinasadya dahil ang tao magkakaiba ang pang unawa.

**********

Noon, naniniwala ako na kapag naging mabuti ka sa ibang tao magiging mabuti din sila sayo. Ngayon, hindi na uso maging mabuti at mabait kasi inaabuso na.

**********

Lord, payakap naman oh. Yung mahigpit na mahigpit. Kasi alam kong ikaw lang ang nakakaintindi sa akin.

**********

Yung mga taong umangat lang ng konti, yumabang na.

**********

May mga tao na importante ka sa umpisa pero balewala ka na kapag wala na silang kailangan sayo.

**********

Ang mga tsismosa parang tae lang ng aso sa daan. Pakalat-kalat lang kung saan-saan kaya iwasan mo na lang.

**********

Ang mabuti at desenteng tao makikita sa kagandahang asal at pag-uugali nito. Hindi sa magagandang damit na suot o mamahaling gamit.

**********

Kapag binayaran ka ng kandidato, tanggapin mo. Pero iboto mo pa rin yung nilalaman ng puso mo. Sayang yung pera pambili din ng ulam yun.

**********

Mas mainam na yung hindi ka masyadong pala simba pero tahimik na nagdadasal at sumasalampalataya. Kesa naman yung panay ang simba pero paglabas ng simbahan, numero unong tsismosa at inggitera

**********

Pinagtagpo lang kayo ng tadhana, pero hindi kayo ang itinakda.

**********

Pag gusto may paraan.
Pag ayaw ilibre mo muna,
sasama din yan.

**********

Yung lalaking hindi nagsawang intindihin ka. Kahit sobrang moody ka pa.

HUGOT QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon