VICE'S ADVICE
(What you don't know won't hurt you)
Vice: Kung ayaw mong masaktan huwag kang makialam. Kung ayaw mong may makita huwag kang magbasa. Ganyan kasi yan eh, sasabihin mo, "May kasalanan ka sakin kasi may nabasa ako." Pero bago siya nagkaroon ng sala sayo, may kasalanan ka din kasi binasa mo yung pag-aari niyang hindi naman sayo. Pero kami, hindi kami nagbabasa ng phone. Personal space. Atsaka ako din naman talaga, alam kong may mababasa ako. Alam ko yung fact na may mababasa ako. Eh diba, what you do not know won't hurt you. Ayokong saktan yung sarili ko. Kung meron eh di meron, pero ayoko nang makita.Billy: Paano mo mapapatunayang tama yung hinala mo without reading or looking at the person's phone?
Vice: Para sakin hindi ko kailangang patunayan. Mas gusto ko na lang na kahit mabuhay na lang ako sa kasinungalingan basta masaya ako, kaysa mabuhay ako sa katotohanan pero malungkot ako.
**********
(3-month rule)
Vice: Ang weird ng pag-ibig kaya hindi mo rin maja-judge yung tao eh. Kasi pag yun talaga kahit kunyari kaming dalawa ang magjowa at magkaibigan tayong dalawa Vhong, kung kayong dalawa talaga ang destined to be each other, babagsak kayo sa isa't isa kahit magkaibigan pa kami. Kung pangalan niyong dalawa ang nakasulat sa tadhana, wala kang magagawa. Kahit magkaibigan tayo, makakalimutan mo yung pagkakaibigan kasi yun yung tadhana eh, kayo talaga para sa isa't isa.Anne: Or siguro, ang pwede dun, magkaibigan kayo ah, long term friends. Ako siguro tingin ko dapat, syempre magbibreak kayo, magwait ka muna ng panahon siguro na bago ka magjowa ulit.
Vice: Madaling sabihin yan. Pero katulad nga ng sinabi ni Francisco Balagtas, "Ang pag-ibig pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin lahat masunod ka lamang."
Anne: Pero tulad din ng sinabi ni Popoy sa One More Chance, "May 3-month rule Basha?"
Vice: Hindi totoo ang 3-month rule dahil ang puso wala namang oras eh.
**********
(Cool-off)
Baby Girl 1: Ate Vice sa tingin nyo po ba kapag nakipagcool-off sayo yung boyfriend mo may chance na buksan niya yung puso niya para sa iba habang wala pa kayo?Vice: Buksan niya yung puso niya sa iba? Parang tinatanong mong pag nakipagcool-off ka, okay bang mag-entertain ng ibang tao? Para sa akin, hindi. Kasi ang cool-off ginagamit para mag-isip hindi para magpahagip. Diba, ang cool-off ginagamit yan para makapagisip-isip hindi para magpahagip. Kasi kung gusto mo palang magpahagip sa iba edi ibreak mo na, tapusin mo na para walang nasasaktang iba. Atsaka yung purpose ng cool-off alam mo dapat yan, "Bakit ako nakipagcool-off? Ano bang purpose ko?" Ikaw, ano bang purpose mo ng pagkucool-off?
Baby Girl 1: Kasi gusto ko po na makapagconcentrate kami pareho sa mga gusto muna naming gawin sa pamilya, sa pangarap, sa pag-aaral.
Vice: Bakit hindi mo brineak?
Baby Girl: Kasi siya po talaga yung gusto ko nung time na yun?
Vice: Aaahhh. Pero kasi diba tinatawagan ka niya, gusto niyang makipagkita minsan, gusto niya munang makita ka. Pero ayaw mo? Ang hirap kasi, binitawan niya pero ayaw niyang bitawan. Diba, ang labo nun. Kung ako naman yung tao, "Binitawan mo ako, pero ayaw mo akong palayain." Diba, "Gusto kitang kitain, gusto kitang makasama pero ayaw mo. Ayaw mo pero gusto mo ko." Ang labo nun.
Baby Girl 1: Yun naman po kasi yung sabi niya. Diba pumunta po ako sakanila pero hindi niya ako pinansin, sabi ko, "Mag-usap tayo kahit sandali." Tapos sabi niya sakin, "Yung babaing yun kasi, nung panahong iniwan mo ako, siya yung nagmahal sakin."
Vice: Ayun. Yun talaga yun. Diba, pag lumabas ka ng pinto aasahan mong may ibang makakapasok diyan, at pag may ibang nakapasok diyan umasa ka na lang na sana tanggapin ka pang muli.
**********
(Adobo)
Baby Girl 2: Okay lang po bang igive-up mo yung pangarap mo para sa taong mahal mo?Vice: Depende yan kung ano kasi. Depende yan kung sinong kausap natin. Kunwari yung kausap natin eh high school student na nainlove tapos tatanungin ka, "Okay lang bang igive-up ko yung pag-aaral ko para sa boyfriend ko?" Sasabihin kong hindi kasi high school ka pa lang eh. Hindi dapat yang lovelife ang prinaprioritize mo pero kung buo ka na as a person, diba at nakuha mo na at alam mo na kung anong gusto mo at hindi ka na maghihirap kung mawalan ka ng trabaho, pwede kang tumutok dun sa lalaki, kung yun na yung buhay mo. Depende kasi yan sa sitwasyon. Pero kung yung laging isyu natin kung papipiliin ka pangarap o pag-ibig? Kasi yang pangarap, lovelife at buhay para yang pagkain, parang adobo. Ang pangarap mo makagawa ng adobo, at anong pangunahing sangkap sa adobo? Kunwari, adobong baboy. Ang pangunahing sangkap sa adobong baboy, ikaw. Yung boyfriend mo yung mantika. Gusto niyong gumawa ng adobong baboy kaya nagsama kayong dalawa. Pero kung ayaw sumama nung boyrfriend mo, tatanungin mo yung sarili mo, "Mabubuo ko pa ba yung adobo eh ayaw nang sumama nung mantika?" Sa simula sasabihin mong, "Hindi na ako makakagawa ng adobo kasi wala yung mantika." Pero mare-realize mo na kahit wala yung mantika, makakagawa ka nung adobo, kasi kung baboy ka kapag nainitan ka kusang may lalabas na mantika sa sarili mo. Diba, "Kaya ko pala kahit wala tong boyfriend na to." Ako lang pala mabubuo ko na tong sarili ko kahit baboy lang ako at wala yung mantika basta ang mahalaga meron kang toyo at suka at yan ang pamilya at yung mga taong totoong nagmamahal sayo. Kahit wala ang mantika na yan, matutuloy ang adobong baboy mo.
**********
(Karma)
Vice: Kung sinabi mo sa kin kanina na, "Naghiwalay kami kasi naramdaman ko na may iba akong mahal?" Baka maintindihan ko pa kasi iba yung isyu ng love. Pag love, hindi mo talaga kayang pigilin eh, love mo eh. Pero yung sinabi mong hiniwalayan mo siya dahil may nakita kang pogi, ganun ba kababaw sayo yung buhay? Itsu-itsura na lang ba lahat?
Girl: Hindi naman po.
Vice: Ito tandaan mo ito, darating sa buhay mo, mapupunta ka sa isang posisyon kung saan mo minsang inilagay ang ibang tao. Malalaman mo kung gaano kasakit yung ginawa mo sa kanila, malalaman mo kung anong klaseng iyak ang hinagulgol nila nung ginawa mo sa kanila at dun matututo ka. Kung talagang gusto mong balikan yung lalaking iniwan mo? Pwede naman eh. Pero bago mangyari yung kailangan yung ginawang kasalanan mo ay aminin mong nagkasala ka, aminin mong nakapanakit ka, pagsisihan mo at pagdusahan mo. Kasi hanggat hindi mo nagagawa yung tatlo, hindi ka pwedeng bumalik sa taong yun, kasi hindi ka niya mapapatawad. Kung niloloko mo lang siya ng paulit-ulit kasi tao lang yun eh. At kung anong ginagawa mo sa ibang tao, yun din ang gagawin nila sa yo balang araw. Gusto mo ba gawin nila yun? "Nakakita ako ng babaeng mas pula yung lipstick. Iiwanan muna kita." Matutuwa ka ba?
Girl: Hindi po
Vice: Diba, at sa mga pagkakataon na malungkot na malungkot ka na at gugustuhin mo ng makakasama, kabahan ka dahil baka ang bumisita sayo si Aling Karma. Diba, sabi nga nila, "Karma has no menu. You get served for what you deserved." Kaya dapat patas tayo sa tao, hindi porket ang ganda ganda natin, eh mang-aagrabyado tayo ng para sating hindi maganda. Tapos pag wala tayong makitang maganda din eh babalik tayo sa kanya kasi wala na tayong ibang makasama. Diba, mahalaga ang tao kaya tratuhin natin sila bilang tao hindi parang laruan lang. Kaya hindi mo masisisi ang mga lalake kung may mga lalakeng nanloloko ng mga babae, kasi may mga babae rin naman talagang nananakit ng mga lalake. Hindi ko sinasabeng masama kang tao ha, pero gusto kong sabihin sayo na masama yung ginawa mo. I judge your act but not you as a person. Wag mo ng uulitin yun.