Masasanay din akong wala ka at pag dumating yung araw na yun, who you ka sakin.
**********
"Maganda ka, matalino pa. Kaso malandi siya, taob ka."
**********
Sino ba ang mas tanga? Ang taong nagmamahal pero iba ang gusto? O yung taong minahal mo ng matagal pero nakuha pang magmahal ng iba? Siguro wala. Kasi ganyan naman talaga ang pag-ibig, kailanman hindi madidiktahan at hindi mauutusan.
**********
"Kung sasabihan kita ng I love you, mag a-i love you too ka ba?
**********
Couple goals?
Isang matakaw na boyfriend at mas matakaw na girlfriend.
**********
Yung lalaking hindi hahayaang mag-shorts ka kapag aalis kayo, kasi ayaw niyang bastusin ka ng ibang lalaki.
**********
Yung lalaking nagsasabing, "Sobrang swerte ko sayo, hindi kita ipagpapalit sa iba."
**********
Kapag nasasaktan ka na, lagi mong tatandaan yung sinasabi sayo ng mga magulang mo noong bata ka pa, "Oh, huwag ka ng umiyak, kasalanan mo yan."
**********
"Wala akong oras sa mga taong ayaw sa akin, kasi busy ako sa pagmamahal sa mga taong nagmamahal sa akin."
**********
"Lahat ng bagay ay may hangganan, parang ako, hanggang sayo lang."
**********
Pahalagahan mo ang taong hindi sumusuko na mahalin ka. Dahil sa mundong ito, makatagpo ka man ng kamukha niya, pero hindi katulad ng pagkatao niya.
**********
Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.
**********
Minsan, mapaglaro ang tadhana. May pagkakataon na yung dating ordinaryo lang para sayo, biglang nagkakaroon ng espesyal na puwang sa puso mo.
**********
Minsan kasi sa pagmamahal, kahit alam mong nagmumukha ka ng tanga sa kakaasa at kakahabol, hindi ka pa rin tumitigil. Kasi mahal mo at wala ng ibang rason. Kaya sorry naman, nagmamahal lang.
**********
Sabi ng kamay ko, bitawan na kita.
Sabi ng paa ko, layuan na kita.
Sabi ng isip ko, kalimutan na kita.Pero ang sabi ng puso ko, hindi pwede kasi mahal kita.
**********
Ang mga lalaki marunong ding masaktan, hindi lang nila ipinapakita.
**********
Bago ka magmukmok at magdrama dahil binabalewala ka niya, isipin mo muna kung mahalaga ka ba talaga.
**********