Kung one seat apart nga sa school tuwing exams hindi ko kaya, long distance relationship pa kaya?
**********
Wag mong sasaktan ang lalaking handang magpakatanga sa harap mo at sa mga kaibigan mo. 'Yung lalaking tinitiis ang sakit ng hampas mo sa braso nila. 'Yung lalaking sobrang effort masundo at maihatid ka lang. Pahalagahan mo ang pagmamahal nila kasi kapag ang lalaki nasaktan at nagsawa ... di mo na maibabalik ang dating sila.
**********
Bakit alak ang sagot sa mga taong nasasaktan?
Simple lang. Dahil sanay tayong alcohol ang gamot kapag tayo ay nasusugatan.
**********
Takot kang umamin kasi takot kang mabigo. Kaya sa takot mo na iyan hanggang ngayon kaibigan ka lang.
**********
Ang puso ay nasa left side ng dibdib dahil it's the sign that the heart is not always right.
**********
Bigyan mo ng chance yung taong naghihintay na mahalin mo kaysa naman balikan ang taong minsan ka nang niloko.
**********
'Di pa nga kayo umiiyak ka na agad. Ano 'yan rehearsal?
**********
Buti pa ang sinaing binabantayan, binabalikan, hindi iniiwan.
**********
Sa relasyong walang label, huwag ipusta ang puso.
**********
How To Apply Makeup
Una, prime your face. Gamitan mo ng magandang product para smooth na mukha mo. Kasi diba ganyan ka naman. Pa-smooth moves kaya nakuha mo ako. Tapos ipa-set mo ng konti. Sige, hintayin mong kumapit tulad ng paghintay mong kumagat ako sa mga sinasabi mo malandi kang paasa ka.
Once nag-set na, lagyan mo ng foundation. 'Yung high-definition ah, para hindi mawala agad. Kasi 'di ba ganun naman ang ginawa mo sa akin? Binuild up mo tayo ng maayos para kunwari pang-habangbuhay na tapos wala ng iwanan? Para mag-stay din ako at 'di ko maisip na umalis. Nag-stay nga ako. Alam mo 'yung kahit ayaw mo na sa akin, nandito pa rin ako? Sh*t. Foundation.
Ayan, maayos na foundation noh? Lagyan mo na ng eyeshadow primer 'yung eyelids mo. Gently dab the products on your lids, parang gently mo rin lang akong binulag sa pag-asa p*tang*na ka. Ayan, umasa na? I mean, nag-set na rin?
Sa kilay naman tayo. Brush your brows in the direction you want them to go. Parang 'pag naglalakad tayo, 'di ba hinihila mo rin ako kung saan tayo pupunta? 'Yung akala ko rin igu-guide mo ako papunta sa forever, pero sa forever alone pala ako mapapadpad.
Ngayon, using your eyebrow pencil, shape your eyebrows the way you want them to look. Parang 'yung ginawa mo sa akin, inayos mo ako para bumagay ako sa kung ano ang gusto mong makita sa isang tao, hayop kang haliparot ka. Tapos, fill in the bald spots with powder. 'Yan, takpan mo 'yung butas ng kasinungalingan at mga paasa mong salita para mawala 'yung bakas ng pagdududa. Gawin mo 'yan hanggang maging natural ang itsura ng eyebrows, parang nung naging natural ang pakiramdam na nagsisinungaling ka sa akin.
Next, maglagay ka ng eyeshadow. Pili ka ng tatlong kulay, blend them all in. 'Di ba ganyan ka naman? Pili ng tatlo, apat, lima, pagsasabay-sabayin at pagtatabi-tabihin mo ng patago kasi ang ganda mo eh noh. Ang ganda ganda mo, g*go ka.
Next, eyeliner. Guhitan mo ng precise line yung upper lid ng mata mo. Precise ah, and sharp. Tulad ng mga sinabi mo nung nakipag-break ka, dart sa heart. Saktong-sakto eh. Ganda ng opening line then BOOM tapos na pala tayo. Tapos sa dulo ng eyes, lagyan mo ng wings. Pataas ah, hindi pababa kasi 'pag pababa, para kang baliw na umiiyak ng uling. Ganyan nga pala itsura ko nung iniwan mo ako. 'Yung wings na lang na naisip ko noon ay wings para makalipad kung sakaling tumalon ako sa taas ng building. Wooooooo! Malapit na tayo matapos. Sa makeup. 'Yung "tayo" kasi, matagal ng tapos. Supposedly. According to you.
Okay, mascara na. Gently apply them on your upper and lower lashes. Dahan-dahan ha, baka masaktan ka. Pero okay rin siguro masaktan ka. Para lang alam mo 'yung feeling na 'pag nabigla ka, mala-impyerno at nakakaiyak yung feeling. Tapos kahit anong pikit mo nang mata mo, kumikirot eh. Kahit pa anong gawin mo, ramdam na ramdam mo pa rin 'yung hapdi. Alam mo 'yun? Nabulag ka na nga sa pag-ibig, tapos wala ka pang magawa about it? Ang pait.
Concealer na tayo. 'Yung full coverage ha, para walang makitang bakas ng blemishes at dark circles. Kasi 'di ba, ganyan ka nung iniwan mo ako? Bigla kang nag-blooming kuno para lang ipakita kung gaano ka kasaya na wala na tayo. Tapos ako, nabaon na lang sa lahat ng kasinungalingan at pagpapanggap mo. Ayun. Naging kasing pangit ako ng ugali at tunay na budhi mo.
Okay, powder na to seal in the make-up. Para clear and defined na rin 'yung face mo, 'di tulad ng ginawa mo sa akin sa pagkalabo at pagka-indecisive mo p*ta ka ayusin mo 'yang powder mo para alam ng mga tao kung ano talaga ang gusto mong ipalabas na itsura mo, mapagpanggap ka. Ayan, okay na?
Last na. Blush at lipstick, cheeks and lips. Alam mo naman na siguro 'yan, kasi diyan ko gustung-gusto kang hinahalikan. Sige, lagyan mo ng kulay para makalimutan mo na dati akong namahay at umibig diyan. OKAY TAPOS NA MAKE-UP MO MAGANDA KA MAG-SMUDGE SANA BUONG MUKHA MO 'PAG NADAPA KA HABANG NAKA-HEELS G*GO KA.
Make-up your f*cking mind.
**********
'Yung taong pinaramdam na special ka kahapon tapos balewala na lang ngayon.
**********
Dear Bagyo, kapag umalis ka ng bansa pakisama na din ang feelings ko ah. Salamat.
**********
Konting ambon lang akala mo suspended na ang klase. Parang sa pag-ibig lang, naambunan ka lang ng hello, akala mo gusto ka na . Huwag assuming!
**********
"Bakit mo kailangan sumugod sa ulan kung may masisilungan naman? At bakit mo pa kailangan maghanap ng iba kung nandito lang naman ako?"
**********
Hindi porket may payong ka, hindi ka na mababasa. Hindi porke't mahal ka, hindi ka na niya sasaktan.
+++++
A/N: 'Yan na muna for now. Enjoy reading!
Credits to Sassy Chismosa on medium.com sa mga hugot lines para sa tag-ulan at kay Yna Bote on mindanation.com para sa "How to Apply Make-up."