Jade
Job interview ko at maliwanag pa sa sikat ng haring araw na late na ako pero humabol pa rin ako at nagbakasakali. Takbo. Bilis lakad. Takbo ulit ang ginawa ko pagbaba ng MRT.
Ilang lakad at takbo pa ang ginawa ko at narating ko na rin ang coffee shop kung saan ako may interview. Pagpasok ko sa coffee shop ay agad akong nagtanong."Ahmm, good morning Miss. Ako yong applicant na naka schedule ng interview ngayon ng 9AM." bungad ko sa payat at maliit na babae naka gupit lalaki na nasa counter ng coffeeshop.
Tiningnan niya lang ako ng matama at saka tumingin sa wristwatch niya.
"Sigurado ka Miss na tama ang relo mo?" sagot tanong niya. Oo alam ko super late na ako, sagot ko lang sa isip ko. "Sigurado kang aplikante ka dito?" pangalawang tanong niya kaya pinakita ko sa kanya ang papeles at ang message nila sa akin confirming my appointment today.
"Yes Miss, alam kong late na late, as in super late na ako. Pero gusto ko pa ring magbakasakali." paliwanag ko at napansin ko naman siyang ngumiti.
"Ok, please follow me. I'm not sure if they'll let you in pero we'll just try ha?" sabi niyang nakangiti pa rin at sumunod lang ako habang inaayos ko ang sarili ko dahil hindi ko na nakuhang mag retouch dahil sa pagmamadali.
- - -
"Last applicant na yong lumabas, Althea. Hindi dumating ang isang applicant natin, I'll give you time to look over those papers again and just call us." sabi ni Abby.
Hindi kumibo ang kausap ni Abby, nakatingin lang sa mga resume ng mga applicants at sa isang nakahiwalay na papel. Applicant na hindi dumating, matagal niyang tinitigan ang nakahiwalay na papel, tinitigang mabuti ang nasa larawan. Patayo na ang mga kasama niya sa mesa ng biglang bumukas ang pinto ng mini conference room.
"Althea may isa pang aplikanteng humabol papasukin ko ba?" tanong ni Batchi. Hindi nagtaas ng tingin si Althea, hinihintay ng mga kasama niya sa mesa ang sagot dahil hindi rin nila alam kung tatayo na sila o mananatiling nakaupo.
"Papasukin mo." walang emosyong sagot ni Althea. Lumabas saglit si Batchi at pagpasok ay kasunod na si Jade.
"Please take your seat Ms. Tanchingco." turo ni Batchi sa upuan sa harap ng table. Hindi pa rin nagtataas ng ulo si Althea at nakatingin lang sa nagiisang papel na ngayon ay hawak hawak na niya ulit. Nagpasalamat si Jade kay Batchi at bago umupo ay binati muna ang mga nasa harapan niya, tatlo lang naman sila, ang dalawa ay si Abby at Wila, pero pagka upong pagkaupo niya ay nagsalita na agad si Althea.
"Bukod sa traffic, wala kang masakyan, hindi mo alam ang lugar at nawala ka, nalimutan mo ang pamasahe mo, hindi nag alarm ang relo mo, lobat ang cellphone, nag LBM o sumama pakiramdam mo, puyat, kagagaling sa sakit or may sakit ang miyembro ng pamilya mo or nahospital, ano pang pwede mong dahilan kaya hindi ka nakarating on time Ms. Tanchingco? sunod sunod na tanong ni Althea na hindi pa rin nagaangat ng ulo at nakatingin lang sa resume ni Jade. Nganga sila Wila at Abby pati si Batchi na nakatayo lang malapit sa pinto. Lahat sila napatingin kay Althea na parang takang taka. Sinumpong nanaman, yon ang iisang isip nila ng magkatinginan silang tatlo. Pero hindi natinag ang nasa harap nila. Huminga muna ito ng malalim saka nagsalita.
"Sorry kung hindi ako nakarating sa oras Mam. May nakita akong asong mukhang nawawala, hinanap ko ang may ari at ng hindi ko makita, inuwi ko sa bahay, pinakain, pinaliguan, ginamot ko ang sugat niya saka ko hinabilin sa isang kaibigan at pinilit na humabol dito at magbakasakali na umabot pa ako sa interview." sagot ni Jade. Natulala sila Batchi, Wila at Abby at palipat lipat na ng tingin sa dalawa. Amused pero hindi pinahalata ni Althea, lihim siyang napangiti. Ganunpaman hindi pa rin niya tinitingnan si Jade. Biglang nagring ang phone niya. Sinagot niya ito habang tumatayo at naglakad papunta sa glass window. "Hello sweetheart, what's wrong?" rinig nilang sabi niya sa kausap sa telepono. "Ok calm down, I'll get to you immediately after this, ok bye." saka ibinaba ang phone at napansin niya sa gilid ng vision niya na patayo na si Jade.
"Where are you going Ms. Tanchingco?"
"Leaving Mam.."
"Hindi mo ba itatanong kung tapos na kami o hindi pa?"
"Bakit nagsimula na ba ang interview?"
"Anong tawag mo sa tanong ko kanina?"
"Kasama ba yon?"
"Hindi pa ba interview ang tawag doon kung nagsimula na akong magtanong?"
"Hindi, kasi ang alam kong interview ay maayos na nakikipagusap ang interviewer sa interviewee niya. Hindi ako empleyado niyo na kinakausap mo na parang wala ako sa harapan mo.Aplikante. pa.lang.ako. Hindi mo pa ako empleyado. Andito ako nakaupo at buhay na nagsasalita bakit resume ko ang kinakausap mo Mam." Punto na sabi ni Jade at muli natulala ang mga kasama nila sa kwarto. Ramdam nilang tumataas ang tension sa pagitan ng dalawa. Nagsusukatan ng tingin pero si Althea ang unang sumuko at tumingin sa labas ng bintana.
"I-I think, there will be no further questions, you may go now. Ms. Tanchingco." awat ni Batchi sa namumuong tension.
"I'm not done yet, Batchi."- Althea na hindi binabalik ang tingin sa loob.
"Well, I'm sorry because I'm done here. Please excuse me" - Jade
"You give up that easily?" - Althea
"There's nothing to give up Ms. whoever you are." - Jade
"Are you annoyed because of what I've asked earlier or the way I asked you?" - Althea
"No, actually I just thought maling lugar ata ang napasukan ko." Jade.
"You don't think this isn't a good place to work for?" - Althea
"Nice place I guess, Nice people, or should I say, Nice employer I don't think so." - Jade
"You find me rude, don't you?"- Althea
"Are you?" - Jade
"You're supposed to answer my question." - Althea
"Kasama din ba sa interview ang tanong na yan? -Jade
"Althea, I think we'll stop here." muling basag ni Batchi sa bangayan ng dalawa.
"Can I go, now. Ms. Althea?" tanong ni Jade. Pero hindi umimik si Althea, nakatitig lang kay Jade. Nagsukatan muli sila ng tingin pero siya ulit ang unang bumigay at bumaling sa bintana saka nag buntonghininga.
"Ok Ms. Tanchingco, you may go now..." walang lingon niyang sabi.
"...You can start working tomorrow."
- - -
A/N:
Hello guys! (Kaway kaway ng wagas) Na inspired ako sa votes and comments niyo sa unang story ko kaya heto para sa inyo, at sa mga messages na nakakatuwa nakapagsulat tuloy ako at naisaletra ang kwentong nasa isip ko.
Hope you like it! Enjoy reading😊
🤓
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...