Ika-20 Dahilan

5.8K 289 28
                                    

Althea

"Althea, ok ka lang?" tanong sa akin ni Batchi dahil mula kaninang galing namin sa apartment at nakausap ang matanda, na hindi ko na rin pala nalaman ang pangalan at hindi pa ako nakapag paalam, ay wala na akong imik.

"I think, we should go home. Hindi na natin kailangang hanapin si Jade." sabi kong wala sa sarili. "Siguro talagang ugali na niya ang umalis lalo na pag nakakaharap ng problema, ngayon ko lang naisip kaya siguro napakadali sa kanya ang hindi tanggapin ang trabaho at mag resign ng ganon ganon na lang sa coffee shop dahil ganon talaga ang ginagawa niya. She always run away." mahina kong sabi na parang sarili ko lang ang kausap ko.

"Tita, please huwag mo muna pag isipan ng ganyan si Tita Jade. Puntahan natin si Tita Bianca, kahit ngayon lang please. Huwag muna nating husgahan si Tita Jade." pakiusap ni Reggie. Sasagot sana ako ng tumunog ang phone ni Batchi.

"Hello?...Sam..." sabay lingon niya sa akin at umiling ako.

"Ahm, hinahanap ko nga rin silang magtita eh...Yes...I'll let you know. Bye." paalam ni Batchi. Siguradong nagwawala na si Sam at Kuya Allan because I turned off my phone at si Reggie. Binuksan ko lang kanina hoping na kahit message ay may matanggap ako kay Jade pero wala. Nasasaktan ako at mas nasasaktan ako sa mga nalalaman ko.

"Ok then, let's go and see Bianca bago natin harapin si Sam." sabi ko .

- - -

Huminto kami sa isang magarang restaurant, it was a fine dining restaurant na may second floor. Pagpasok namin ay sinalubong na agad kami ng waiter na nakangiti. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na.

"Good morning, is Ms. Bianca here?" tanong ko at sinagot naman niya ng oo sabay aya sa amin sa may counter at kinausap ang isang babae na manager daw nila sabi ng waiter. Bumaling sa amin ang babae at ngumiti.

"Pwede pong malaman kung sino sila?" magalang niyang tanong.

"Pakisabi si Althea Guevarra please. Thank you."

Nakita kong nagdial siya sa telepono saka tumango at ng binaba ang phone ay bumaling ulit sa amin.

"This way please, Ms. Guevarra."
aya niya habang papasok kami sa loob. Sa paglalakad namin hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, para akong lumulutang at nawawala sa kasalukuyan. Ang tanging nakakapagbigay sa akin ng lakas at katinuan ay si Reggie na hindi bumibitaw sa kamay ko mula  pa kanina.

"You alright, Tita?" tanong niya.

"Yeh, sweetie." sabi ko sabay side hug sa kanya at halik sa ulo niya. Kailangan kung manatiling matatag at malakas para kay Reggie.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa amin si Bianca na nakatayo na sa harap ng table at nakangiti ngunit bakas din ang lungkot sa mga mata.

"Thank you, Lyn." sabi niya sa babeng naghatid sa amin na tumango lang at umalis na. "Hi Althea, Batchi. Hello Reggie." bati niya sa amin. Kumaway lang si Batchi, samantalang nanatili akong tahimik na nakatingin sa kanya.

"Hi Tita Bianca!" sabay lapit ni Reggie at yumakap, hindi na siguro  napigilan ang sarili at umiyak na.

"It's ok Reggie, hush now. Ayaw ni Tita Jade mo na umiiyak ka, mas nasasaktan siya pag nalaman niya." halos pabulong na alo ni Bianca kay Reggie. Ang sakit ma confirmed na talagang lumayo na si Jade dahil sa pananalita pa lang ni Bianca ay talagang tuluyan na siyang umalis. Inalis ko ang tingin sa kanila dahil nasasaktan akong makita ang pamangkin ko at nahagip ng mata ko ang mga picture frames sa isang stand malapit sa table ni Bianca at naaninag ko ang isa sa mga larawan na nakadisplay doon, picture nilang dalawa ni Jade, mukhang college photo dahil, nakatayo sila tabi ng kabayo at si Jade nakadamit equestrian habang si Bianca ay naka ordinaryong damit. Pikit mata akong nagbuntong hininga bago nagsalita.

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon