Ika-14 Dahilan

7.3K 316 16
                                    

Althea

Sabi ni Jade si Bianca daw lahat ang nagasikaso ng tutuluyan naming resort. Sabi ni Bianca everything's free daw at nasa sa amin na kung gusto naming magdala ng additional foods and drinks dahil provided na rin daw lahat. Gusto kong tanungin si Jade pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. May mga bagay na gumugulo sa akin pero tulad nga ng sinabi niya malalaman ko din dahil magkasama na kami kaya hinayaan ko na lang.

Kita ko ang saya sa mukha ni Reggie sa araw na ito, itinaon naming sabado kinabukasan para kahit maghapon sila bukas na maligo at maglaro sa beach dahil walang pasok ay ayos lang at hindi kailangan magmadali. Lima lang naman ang kasama niyang masasabi niyang malapit niyang kaklase at isang lalaki na halatang halata namang may gusto sa kanya.

"Bakit mo sinama manliligaw mo?" seryosong tanong ko kay Reggie.

"Sinong manliligaw? Mabait lang si James sa akin at hindi siya nanliligaw." sagot niya.

"Baka hindi pa nanliligaw kundi nagpaparamdam pa lang." balik ko.

"Tulad mo?" resbak niya.

"Anong tulad ko?" patay malisyang tanong ko.

"Tulad mo nagpaparamdam ka lang kay Tita Jade." sabi niya sabay  tawa.

"Ano ka, hindi ako nagpaparamdam noh? Seryoso akong nanliligaw." banat ko naman.

"Talaga, nanliligaw ka na sa lagay na yan? Hindi ko naman nararamdaman." asar niyang sabi.

"Alam mo pakiramdam ko lumalaki kang sutil, you're turning 16 at magaling ka ng sumagot." reklamo ko sa kanya. "Kayang kaya mo na ako dahil tumatanda ka na ha!" banat ko at nakita kong umamo bigla ang mukha at yumakap sa likod ko.

"Ikaw naman Tita, binibiro lang kita. Ayan nga oh, kasama mo pa akong nanliligaw kay Tita Jade." hirit na niya. "Balik muna ako sa mga kaibigan ko ha?" sabay takbo niya papunta sa mga kaibigan niyang nasa poolside. Kung dpa siya umalis tadtad sermon siya. Tiningnan ko ang paligid ng buong resort. Aside from may sariling pool ang resort ay malapit sa dalampasigan. It's nice and relaxing ang lugar. I wish I could spend more time sa mga ganitong lugar in the future...with Jade. Si Jade nanaman, ang sarap magplano ng kinabukasan kasama ang taong mahal mo. Palubog ng araw at ang sarap pagmasdan, sana andito si Jade, kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko makita. Maganda ang lugar hindi mo masasabing ordinaryong private resort lang, malaki ang rest house at maganda ang pagkakalandscape, malaki ang pool at maganda ang paligid, may mini garden at gazebo, may tea/coffee area. ang pathway na gawa sa hindi ordinaryong mga bato. Ang location na malayo sa ibang resorts sa paligid at may sariling security at mga tao. Iisipin mong hindi pang ordinaryong tao ang lugar, may tinatago sa akin si Jade, nararamdaman ko pero hihintayin kong oras na handa na siyang mag open up.

Napabuntong hininga na lang ako ng maramdaman ko ang mga kamay sa aking beywang. At naramdaman ko ang katawan sa likod ko. Si Jade. Napapikit ako, namiss ko ang presence niya.

"Ang lalim ng hininga mo ah? Mukhang mas malalim pa sa paglubog ng araw." lambing niyang sabi habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.

"I missed you, san ka nanggaling kanina pa kita hinahanap ah." tanong ko hindi ko alam pero ayaw ko ng itago kung anuman ang gusto kong sabihin at nararamdaman ko sa kanya at alam kong ganon din siya. Tutal nagtapat na rin kami sa isa't isa hayaan namin kung paano namin ito ipadama.

"Kinausap namin ni Bianca si Nanay Rosa at ibang nagaasikaso dito. Nagpaluto na rin kami ng dinner at pahanda ng pagkain hanggang bukas. Pati mga rooms na tutuluyan ng mga kaklase ni Reggie, gusto nila magkakasama sila so we asked for the largest room." sabi niya habang nilalambing ang tiyan ko and I can feel my stomach's reacting kahit may damit pa ako. Napapikit ako sa nararamdaman ko.

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon