Althea
Nalintikan na, sabi ko na nga ba eh. Lumabas ako ng kuwarto at susundan ko na si Jade na derederetso sa labas ng pinigilan ako ni Batchi.
"Hayaan mo muna siya Tsong. Mahirap magpaliwanag sa taong mainit ang ulo."
"She's really pissed."
"Mukha nga." sang ayon ni Batchi
"Nagseselos kaya siya kay Tanya?"
"Hindi ba obvious?"
"Anong gagawin ko?"
"Akala ko ba magaling ka sa mga ganyan? Kung kantiyawan mo ako parang kayang kaya mo lahat."
"Batchi, I'm serious." sagot ko at natawa siya.
"Suyuin mo." sagot niya.
"How?"
"Lambingin mo."
"Paano?"
"Palibhasa wala kang asukal sa katawan."
"You're not helping."
"Ok, make your own move then." ngising sagot ni Batchi at napabuntong hininga na lang ako.
"Ang yabang kasi, akala mo kung sinong mahaba ang hair kung magmalaki. Tiklop naman pala pagdating kay Jade.""Hindi ka titigil?" seryoso ko ng bato kay Batchi at biglang kunwa ay may di-nial siya sa intercom at tinawag si Meg.
Anong gagawin ko tanong ko sa isip ko.
- - -
Jade
Tahimik at seryoso ako buong biyahe, napapansin kong napapalingon sa akin si Santi pero binabalewala ko lang. Pareho lang sila ni Bianca, pag nangantiyaw, wagas.
"Don't worry Jadey, you're far more beautiful and gorgeous than her." basag na niya sa katahimikan at sabay ngiti.
"Who?"
"Yong pinagseselosan mo?"
"Sinong pinagseselosan ko?"
"Yong bagong business partner nila Althea?"
"How did you know her?"
"Sino?"
"Yong business partner nila Althea?" takang tanong ko.
"Nalaman ko."
"Paano mo nalaman?"
"May paraan ako Jade."
"Sinabi ni Althea?"
"Hindi."
"Sinong nagsabi sa'yo?" kulit ko na.
"Nagtanong lang po ako kay Althea dahil lumabas siya kanina ng hindi ka kasama. Sabi niya natutulog ka daw at katatapos lang ng meeting nila sa bagong business partner nila. At nakita ko siya. Maganda, matangkad, bagay silang maging business partner." pang aasar nito.
"Stop it, Santi. Gusto mo ng tapusin ang contract mo sa akin?" banta ko.
"Haha! Jadey hindi mo magagawa yan. Baka nga ngayon pa lang gusto mo na siyang ipa imbestiga sa akin." balik kantiyaw niya ulit.
"I hate you, Santi." inis kung sabi pero tumawa lang siya ng malakas.
"Hindi ka naman mukhang nagseselos. Akala ko ba sabi mo lang you---"
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...