Ika-34 na Dahilan

6.8K 292 35
                                    

Althea

Nasa kwarto na kami ni Jade at nakita ko siyang hinahanda na ang pantulog ko. Tahimik pa rin at hindi siya umiimik kaya nagaalala ako, kaya ba ipinamigay niya ang mga binigay ko sa kanya kasi hindi pa kami ok pero tinanggap naman niya yong bulaklak at nakita kong maayos na nasa vase? Lalapit na sana ako sa kanya ng may mahinang katok sa pinto.

"Pasok" rinig kong sagot ni Jade. At pumasok si Ashley na hirap na hirap hilahin ang giant panda bear na hawak niya. Bakit naman kasi napunta sa kanya yon eh sobrang laki.

"Baby, hindi ka ba nahihirapan sa bear na yan ang laki laki, sakal na sakal na siya sa paghila mo sa kanya oh." biro kong tanong.

"Laki nga po ni GB Mama Thea" ngiti niyang sagot "Pero sarap yakap at higa" dugtong niya.

"Gusto mo ba bigyan kita ng mas maliit para dala dala mo kahit saan?" tanong ko sa kanya.

"Bigay niyo po ako isa ulit?" tanong niya at napatango lang ako.

"Yehey! pero tabi ko pa rin Olaf tulog ko." sabi niya patungkol kay Olaf na stuffed toy na nasa kama niya.

"Pwede mo na ibigay kay Mama Jade yan kasi malaki pala para hindi ka mahirapan Baby." paliwanag ko.

"Katabi Mama Jade pag tulog?" tanong niya.

"Ahm, pwede or pwede rin hug lang ni Mama Jade." sagot ko pero tiningnan lang niya ako, nagiisip.

"Bigay po mo akin Mama Thea eh." katwiran niya, suko na ako.

"Ok Baby pero huwag mo masyado hihilahin kong saan saan baka hindi magtagal yan matanggal agad ang kamay o ulo niyan." paalala kong nakangiti.

"Opo alaga ko GP." sagot niya.

"GP?" taas kilang kong tanong. "Sinong nagbigay ng pangalan?"

"Ate Reggie, kasi po daw laki bear ko." sagot niya. Ok siguro giant panda ang ibig sabihin. "Ano kailangan mo pala, baby. Ngayon lang kita narinig kumatok ah." biro  ko dahil sa pagkatok niya.

"Lagi po ako katok, tulog ka po kaya dmo didinig." katwiran niya at napangaga lang ako at tumango tango. "Antok na po ako Mama Thea." sabi niya habang naghihikab na.

"Ok baby ako ng papatulog sa'yo, gusto mo?" presenta ko.

"Ako na lang." rinig kong sabi ni Jade. Hindi na ako umimik.

"Sige po sama ikaw Mama Jade." sabi ng bata, tahimik akong natuwa.

"Hindi na baby kasi katabi mo na si Ate Reggie. Sige si Mama Thea mo na lang papatulog sa'yo." sabi nito saka nakita namin siyang pumasok sa bathroom.

"Sakit Mama Jade, Mama Thea?" tanong ni Ashley.

"Hindi baby, pagod lang siguro kaya ganon Mama Jade." ngiti kong paliwanag.

"Pagod po? Wag na ikaw basa estori Mama Thea. Akap mo po Mama Jade. Tulog kayo na. Wawa naman Mama Jade." malungkot na sabi ng bata, napangiti naman ako. "Noon akap niya ako pag iyak ako, tapos akap ko din siya pag iyak at lungkot siya." kwento niya. Naalala ko tuloy noong panahong wala siya sa piling namin ni Reggie.

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon