Ika-16 na Dahilan

6.8K 360 39
                                    

Jade

I can't get myself to sleep, masuyo kong tiningnan ang babaeng nasa tabi ko. She's so angelic and peacefully sleeping. I gently kissed her forehead at dahan dahan akong bumangon. I wore my Pj and Althea's bottom pj saka pinatungan ko ng robe dahil alam kong mahangin sa labas. Lumabas ako ng kwarto namin and I looked around, tahimik na ang paligid. Ang kwarto namin ni Althea ay nasa third floor, it's more like an attic. Bumaba ako para kamustahin ang mga bata dahil hindi na ako nakalabas kagabi. I saw the wall clock na nakasabit sa bandang dining sa baba and its 2:30 in the morning. Maayos na rin ang mga pinagkainan sa may poolside, nilinis na siguro nila Nanay Rosa. Naglakad ako para tingnan ang kwarto nila Reggie na nasa first floor ng mapansin ko si Nanay Rosa sa labas. Pinuntahan ko siya at nakita ko pa ang ibang tauhan sa paligid na kasama ni niya." Nay, bakit gising pa po kayo?" bati ko.

"Katatapos lang naming magligpit, Jade. Nakatulog ng mga bisita mo, yong binatilyo doon sa dulong cottage ko pinatulog." turo niya sa may dulo malapit sa dalampasigan "yon ang bilin ng asawa mo." sabi niyang nangingiti. Si Althea talaga, naiiling na lang ako. "Huwag kang mag alala andon naman sila Amboy kaya safe siya."

"Masaya akong makita na may ningning ang yong mga mata Jade." puna ni Nanay Rosa. Hindi ako nakaimik at napahalukipkip ako sa lakas ng hangin sa labas.

"Hindi niya pa po alam kung sino talaga ako, Nay." nasabi ko lang kay Nanay Rosa.

"Nasabi nga ni Bianca. Yaan mo hindi rin naman siya nagtatanong. Mukhang hinihintay niya rin na masabi mo sa kanya ang kwento ng buhay mo."nakangiting sabi ni Nay Rosa.

"Minahal niya po ako bilang isang Jade na empleyado niya."

"Kita ko nga sa bawat pagtingin niya sayo na totoong mahal ka niya. Kaya siguro hindi na mahalaga ang pagkatao mo para sa kanya."

"Natatakot po ako baka magalit siya pag nalaman niya dahil hindi ko sinabi sa kanya at pati resume ko po ay hindi totoo ang mga impormasyon nilagay ko."

"Hindi mo naman sinasadya, Anak. Pero kailan mo sasabihin sa kanya?" tanong ni Nanay Rosa.

"Pag maayos na po ang lahat, dahil kunwari lang ang kasal namin. Unti unti ko pong sasabihin sa kanya." buntonghininga kong sabi.

"Pero hindi kayo nagkukunwari sa inyong nararamdaman." ngiti niyang sabi.

"Siya lang ang totoong nagmahal sa akin Nay. Minahal niya ako bilang ako, kung anong pagkakakilala niya sa akin." nasabi kong may tuwa sa mga mata ko pero hindi ko napigilang umiyak.

"Jade, Anak." sabay lapit ni Nanay Rosa at niyakap ako. "Hindi ka napagod magmahal Jade. iyon ang kagandahan ng puso mo, nasaktan ka pero hindi mo isinara ang puso mo." hagod niya sa likod ko. Nanatili kaming ganon ng matagal. Pagkunwa ay tinapik niya ang likod ko ng marahan at mahinang bumulong. "Naramdaman ata ng asawa mong wala ka sa tabi niya, nagising siya."

Nagulat ako at nag angat ng tingin sa taas at andon nga si Althea sa may terrace. Nakadungaw at nakangiting kumaway sa amin, naka robe siya at halatang giniginaw. "Sige na puntahan mo na siya, sabi nga pala ni Bianca maaga sila mamya pabalik ng Maynila at pati rin sila Batchi at mga kasama niya dahil magbubukas pa daw sila ng coffee shop." sabi ni Nanay Rosa. Napatango na lang ako sa mga sinabi ni Nay Rosa pero nakita ko ang pagaalala sa mukha niya na nakatingin sa akin. "Jade, Anak ayos ka lang ba?" tanong niya. Hindi ako makasagot bagkos nanginginig ako dahil sa takot sa kung anong sasabihin ni Althea dahil nakita niya kami ni Nanay Rosa.

"Nay, anong sasabihin ko kay Althea?" may kaba kong tanong.

"Yong totoo, Anak. Hindi ka masamang tao, wala kang dapat ikatakot." pag alo niya sa akin.

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon