Jade
Sabay kaming pumasok sa coffee shop at makikita ang sigla sa mukha ni Althea. Hawak kamay kaming pumasok at pansin ang mga matang nakatingin sa amin. May nagtatanong at may masaya pero hindi yon pinansin ni Althea. Dumeretso ako sa counter at inumpisahan ng gawin ang trabaho ko habang si Althea ay pumasok na sa loob papuntang office niya.
"So totoo nga kayo na!" bulalas ni CJ. "Wow kakakilig naman. Bagay na bagay kayo." sabi ni Niña saka ako pinagmasdan. "Masaya kami para kay Althea, sa wakas akala namin kay linta siya mauuwi eh." bulong niya at napangiti naman ako.
"Paanong nangyari?" takang tanong nila Aila at para naman silang mga batang naghihintay ng ikukwento ko.
"Pinikot ko." natatawang sabi ko at nagtawanan naman sila.
"Hindi nga?" ulit ni CJ. Natawa na lang ako.
"Hep hep mamya ng intriga, dumarami ng tao." saway na ni Wila.
Napangiti na lang ako, makikita rin sa mukha nila CJ, Niña at Aila at ng iba pang nandon ang saya na naktingin sa akin. Nakagaanan ko na agad sila ng loob pati si Meg na kasabayan kong natanggap sa trabaho. Actually ay 3 kaming natanggap pero hindi na bumalik yong isa matapos ang isang linggong training dahil may mas malaking alok daw sa kanya sa abroad. Mabait naman si Meg at tahimik lang. Andon siya ngayon at nagseserve. Malaki ang coffee shop at marami ng regular customers kaya siguro kinuha kaming tatlo dahil marami na rin gagawin. Nasa ganon akong pagiisip ng may narinig akong malakas na boses sa bandang dulo.
"Ang tanga tanga mo simpleng instruction lang hindi mo pa magawa!" bulyaw ng isang babae kay Meg na nakatayo lang sa harap ng sumisigaw na babae.
Nagtinginan na ang ibang customers kaya nakita kong lumapit na si Wila at Abby sa kanila.
Pero bago pa tuluyang makalapit ay nakita na naming binuhusan si Meg ng tubig ng babaeng customer.
Nagulat din ako kaya napasugod ako sa lamesa nila.
"May problema po ba Mam?" rinig kong tanong ni Abby sa mababang boses.
"Etong waiter niyo eh, simpleng instruction lang hindi pa magawa. Sabi ko pahingi ng malamig na tubig walang ice. Binigyan ako ng tubig na may ice." reklamo ng babae
"Pwede mo namang alisin yong ice, Miss bakit kailangan mo pang buhusan ng tubig si Meg?" tanong ni Wila na mukhang susugod na pero nagpipigil lang.
"The customer is always right di ba? Bakit mali ba ang ginawa ko?"
"Maling mali" ako na ng sumagot.
"At anong pakialam mo tagasilbi ka rin lang dito di ba?" baling niya sa akin.
"Oo taga silbi kami dito, crew, waiter kahit ano pang itawag mo sa amin. Nagtatrabaho kami dito at pinapasahod kami ng may ari ng coffee shop na to. Pero ikaw at lahat ng customers dito ay pinagsisibihan namin dahil sa pagkain at inumin na binibili niyo dito. Kung wala kami kayo mismo ang gagawa ng ginagawa namin, kaya mo ba? Oo naman kaya pero hindi mo gustong gawin di ba?" litanya ko.
"Bakit ko gagawin, kaya kayo binabayaran para pag silbihan kami noh!?" taas boses niyang sagot.
"Oo dahil kasama sa binabayaran niyo ang serbisyo namin. Our service but not us, so you don't have the right to humiliate us or any one of us here because we're human decently working our ass out to live and with people like you who wanted to stand proud for being served by us and acting like bit.ch knowing na hindi ka papatulan ng katulad namin for fear of losing our job. Well..." sabay tingin ko kay Abby at Wila.
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...