Ika-6 na Dahilan

6.6K 354 20
                                    

Coffee shop

As usual maaga si Althea at nakita niya agad si Jade na nagaayos na sa mga mesa kasama ng mga ibang nandon.

"Good morning, Althea" bati ng mga staff sa kanya kasama si Jade na nakangiti na rin. Parang ang ganda ng umaga ni Althea pagkakita sa ngiti ni Jade, nahawa ata siya dahil nakangiti na rin siyang bumati.

"Good morning guys." sagot niya.

"Ahm, Jade can I talk to you for a minute?" Tawag niya kay Jade."In my office please and can you bring me coffee, too. Thank you." sabi niya muli bago tuluyang pumasok sa loob.

"Uy ang ganda ng ngiti ni Althea ah!" pansin ni Aila, isa sa mga staff.

"Oo nga mukhang may lucky charm na siya dito." patol naman ni Niña

"Ahem, may bago bang balita." rinig nila sa likod at ng lingunin si Abby. Biglang nawala ang kumpulan pero nakangiti pa rin sila at nakatuon kay Jade ang tingin nila na naghahanda na ng kape ni Althea.

- - -

Pagpasok ni Jade ay nag angat ng mukha si Althea. Hindi niya maintindihan pero parang minamagnet ng babaeng nasa harapan niya ang buong atensiyon niya.

"Your coffee." sabi ni Jade ng ipinatong ang kape sa mesa. Nakatingin pa rin siya kay Jade.

"May sasabihin ka pa ba?" gising ni Jade sa diwa niya.

"Ah yes, thank you. Ahm about sa aso na nakita mo, yong nabanggit mo during your interview. Anong klaseng aso?"

"Ah yes, sitzhu siya. Black and white and color niya."

"That must be Migs." nasambit ni Althea.

"Migs?" ulit ni Jade

"Yes, yon ang pangalan ng asong nawawala kung siya nga."

"Aso mo?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Jade.

"Yes. I mean No. Not exactly. Aso ni Reggie. where did you find him?" Aso niya nga kasi alam niyang lalaki naisip ni Jade pero parang hindi pa rin siya makapaniwala.

"I was riding a cab ng nakita ko siyang nagpipilit kumawala sa isang plant box na may iron bars. Actually hindi mo siya agad mapapansin kasi nasa ilalim siya ng halaman. Hindi naman maingay pero pilit na kumakawala sa tali. Alambre nga ang nakatali sa kanya kaya nagkasugat sa bandang leeg niya. But he's ok now  may binigay na rin ang vet na gamot niya. Siguro tinago lang muna siya doon ng kumuha o nakapulot sa kanya." kwento ni Jade. Napatango lang si Althea.

"Thank you for helping Migs, and sorry nalate ka tuloy." sambit niya na parang nahihiya sa inasal niya noon.

"Ayos lang yon, gagawin mo rin naman din siguro yon kung ikaw yon di ba? Hindi na rin kasi ako nakakuha ng cab ulit pagbalik ko kaya nag MRT na ako. Kaso mahaba ng pila kaya yon!" nakangiting sabi ni Jade

"Dalhin ko na lang dito si Al--- I mean si Migs bukas," mukhang gulat niyang sabi.

"No, I'll pick him up at your place kung ok lang sa'yo." alok ni Althea.

"Yes Boss, kaw masusunod." ngiting sagot ni Jade. "So, that's all?" tanong na niya.

"Yes, you may go now. And thanks for the coffee." - Althea

"No biggies" - Jade.

Nakangiti si Althea ng lumabas si Jade habang dahan dahang inaangat ang kape niya at uminom. Pero nag iba ang timpla ng mukha niya saka nagdial sa intercom.

"Can you please tell Jade to come to my office. Thank you." seryoso ng boses ni Althea.

"Did they tell you what's my coffee, Jade?" bungad niya kay Jade sa mataas ang tono pagpasok pa lang niya sa office.

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon