Jade
"Hi gorgeous! What's your name?"
"Ay kumag!" gulat kong sambit ng may nagsalita sa kabilang bintana ng kotse.
"Wow hindi bagay sa yo ang pangalang kumag." bigla niyang sabi sa tinuran ko at nakita kong nakangiti na.
"Ah, sorry nagulat lang ako. I'm Jade...and you must be Reggie?" balik tanong ko at bubuksan ko na ang pinto sa passenger's seat para lumabas ng pinigilan niya ako.
"Where are you going?" tanong niya.
"I think this is your place." sagot ko naman at nagulat ako dahil bigla siyang natawa.
"Hahaha! nabigyan ka na ata ng babala ni Tita Althea bago pa tayo magkita. No wonder she has that worried look all over her face." sabi habang naksampay ang mga braso sa bintana ng kotse. "Marunong kang magdrive? Tara iwanan na natin si Tita." aya niya at nagulat naman ako then she looked inside her pocket na parang may naramdaman, vibrating cellphone.
"Hello Tita, I'm here at the parking lot and I already met your girlfriend. Awww!" sabay layo niya ng phone sa tenga niya.
"Hala nagalit, haha! Gustong gusto ko siyang tuksuhin talaga." tuwang sabi niya then we saw Althea na halos patakbo ng naglalakad papunta sa amin.
"Why are you not answering your phone?" bungad niyang nakakunoot noo nanaman.
"Nakasilent Tita, kasi nasa classroom ako kanina. Sorry." rinig kong sabi ni Reggie pero nakangiti.
"Let's go" aya na ni Althea ng nagulat siya dahil binuksan na ni Reggie ang pintuan sa likod at pumwesto na doon. Parang natulala hindi agad nakagalaw si Althea.
"Hey, are we going or what?" tanong ni Reggie na dumungaw sa bintana. Agad namang kumilos si Althea at binuksan ang pinto at sumakay.
"Ahmm Jade this is ---" paumpisang pakilala ni Althea sa amin pero pinigilan agad siya ni Reggie.
"Nagkakilala na kami, di ba Jade?" sabay tingin at ngiti ni Reggie.
"Ok" yon lang nasabi ni Althea at pinaandar na niya ang sasakyan.
"By the way Jade, gusto sana kitang tawaging Ate kaso pag naging kayo ni Tita Althea hindi match ang tawag ko sa inyong dalawa di ba?" bungad ni Reggie.
"Reggie!" saway ni Althea.
"Oopsie, may magagalit ba Tita Jade? May boyfriend ka na ba or girlfriend?" balik ni Reggie.
"Hey! Stop it Reggie."
"What? kami naman ang naguusap hindi naman kayo, kung ayaw mong marinig ang paguusap namin e di mag headset ka na lang at makinig ng music." -Reggie
"I'm driving paano ako magheheadset, and don't ask personal questions, Reggie. Please. You just met. That's inappropriate."- Althea
"So kailan ako pwedeng magtanong?Bukas?"- kulit na sabi ni Reggie.
"Reggie, do you want to walk?" may banta na sa boses ni Althea
"Hey Jade, do you want to?" parehong tanong sa akin ni Reggie.
"Bakit mo siya tinatanong?" - halatang inis ng boses ni Althea pero maaninag mong relax ng mukha niya.
"Baka gusto niya rin kasi maglakad, pag pinababa mo ako yayain ko siya para may kasama akong maglakad." sagot ni Reggie at dko na naitago ang tawa ko and i silently laugh. Napatingin naman si Althea sa akin. "Sorry." sambit kong mahina. And I heard Reggie chuckled at the back.
"Unbelievable." tanging nasabi lang ni Althea. Pero a line of smile drawn on her face, ewan ko kung ngiti talaga yon but I sense a silent smile on her.
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...