Ika-7 Dahilan

6.9K 340 27
                                    

Jade

Mahigit isang buwan na rin akong nagtatrabaho sa coffee
shop. At tuwang tuwa ako sa unang sahod ko at naitreat ko si Bianca sa isang restaurant, nanood kami ng sine, nagpunta kami ng amusement park. Tinatawanan ako ni Bianca dahil matapos ang mga pinaggagawa namin ay wala na rin ang sahod ko ng isang buwan. Pero masaya ako dahil sumahod ako!

Mukha namang nabawasan ang pagiging coffee beast ng boss namin at si Reggie madalas pa sa coffee shop kesa sa library nila sa school. Doon lang naman nakaupo at panay ang order, kung ako ang Tita niya at ganon siya maka order, wala na akong sasahurin may utang pa ako sa isang buwan.

"Ngayon lang naman yan naglalagi dito eh. Nakakapanibago nga." rinig kong sabi ni Wila ng napansin na naman niyang andon si Reggie. "Mukhang napapadalas dahil sau." nakangiting kantiyaw niya.

"Mabait lang sila, di ba mabait naman silang dalawa sa ating lahat?" depensa ko.

"Oo naman pero special ka sa paningin nilang magtita." balik niya. Natawa lang ako sa kanya. Maayos namang kausap si Althea, nasanay na rin siya sa kape ko. Sabi nga ni Batchi ano daw meron sa kape ko at napapangiti na daw si Althea.

"Kasi may asukal na kahit konti." sagot ko.

"Sus, noon malagyan lang ng konting asukal yan nagwawala na." reklamo niya. "Gusto lang niya kasi galing sa'yo." ngiting rason ni Batchi.

"Thank you Jade, kahit paano may dahilan ng maaliwalas ang mukha ni Althea kasi may asukal ng dumadaloy sa dugo niya." sabay tawa.

"Andiyan na siya." sabay singit na bulong ni Abby. Sa papalapit na Althea.

"Batch, pwede ba tayo magusap?" lapit ni Althea. Sabay ngiti sa akin at tumalikod na.

"Sure, Althea sunod na ako." sagot ni Batchi. Sunod na lumapit sa akin at bumulong. "See, tatawagin lang ako lumabas pa, may intercom naman." sabay tawa. "May gusto lang siyang makita dito sa labas kasi pag hihingi ulit ng kape masyado ng obvious." sabi niya habang papalayo at napailing lang ako na nangingiti.

- - -

"Tita Jade malapit ng birthday ko." masiglang balita ni Reggie sa akin ng umakyat ako sa taas at kamustahin siya.

"Talaga? Kailan?" masigla ko rin namang tanong.

"Next month na, balak ko ngang invite mga closed friends ko eh kahit treat ko na lang sila ng lunch. What do you think?" tanong niya.

"Gusto mong magovernight sa beach?" tanong ko at nakita ko ang biglang tuwa sa mga mata niya.

"Talaga?! you know a place?" tanong niyang biglang napatayo at tumango lang ako. "Great! Yes sasabihin ko kay Tita Althea, halika!" sabay hila niya sa akin at sabay na kaming bumaba.

"Oh dahan dahan, baka mahulog tayo." pagkalma ko sa kanya.

- - -

"Tita, punta tayo ng beach sa birthday ko!" biglang sigaw ni Reggie pagpasok namin ng office ni Althea. Kita ang gulat sa mukha ni Althea.

"Birthday mo na?" takang tanong niya na parang hindi na ata alam ang araw. At pareho silang natigilan ni Reggie at tumingin sa akin. Nabigla ako at naguluhan pero hindi ko magawang magtanong.

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon