Jade
We're on our way home pero tahimik buong biyahe ang Althea. Patapik tapik sa steering wheel, nagiisip ng hindi mo maintindihan.
"You alright, Mk?" tanong ko at tumango lang siyang may kasamang matipid na ngiti. "What's bothering you?" kulit ko.
"Nothing." tipid niyang sagot, eto nanaman kami sa hulaan. Napaisip ako, ilang bagay lang ba ang nagpapatahimk sa babaeng to. Selos. Atensiyon, at pag wala ako sa tabi niya. Malalaman ko.
"Ashley Baby, ako ba gusto mo katabi mamya?" tanong ko kay Ashley na nakaupo sa likod katabi ni Reggie. Nagkatinginan kami ni Reggie sa salamin at ngumiti siya na parang nakukuha na niya ang pananahimik ng Tita niya.
"Opo Mama Jade, ikaw po basa estori?" sagot ng bata.
"Yes, Baby. Tapos?"
"Tapos, tulog ako tabi Ate Reggie. Tabi ka ulit akin Ate Reggie?" tanong niya kay Reggie. May sariling room ai Reggie pero inaayos pa niya kaya katabi pa rin niya si Ashley.
"Ok, eh si Mama Jade saan matutulog?"
"Sa kwarto Mama Jade." sagot niya at nakita ko ang pag iba ng mukha ni Althea. Sabi ko na nga ba eh. Napaka transparent talaga ng babaeng to. Kundi ko lang mahal kinutusan ko na eh.
"Baby Ashley, hindi mo hinahanap si Mama Jade pagtulog?"biglang singit ni Althea.
"Hanap po, kaya tulog muna ako tapos alis Mama Jade. Kasi laki na ako." sagot niya. "Ikaw Mama Thea, dka tulog pag wala Mama Jade?" gulat kami sa tanong niya.
"Bakit mo naman natanong Baby?" tanong ni Althea na sumusulyap sa salamin para makita ang bata.
"Akap mo lagi Mama Jade, ayaw mo bitaw. Diba po laki na ikaw?" sagot niya at nagtawanan kami ni Reggie pero natahimik lang si Althea at seryosong tumingin sa akin kaya pinawi ko agad ang tawa ko at nginitian na lang siya. Pero si Reggie ang hindi natitinag sa Tita niya dahil natatawa pa din.
"Alam mo kasi Baby Ashley, si Mama Thea love na love niya si Mama Jade. Pag andiyan si Mama Jade lagi siya may sakit. Pabebe, ay pababy pala." sabay tawa ulit.
"Reggie." mahina pero may diing tawag ni Althea kaso balewala kay Reggie.
"Balik bata siya, alam mo ba yon baby Ashley ?" pero umiling lang si Ashley na nakakunot ang noo na parang nagiisip.
"Stop or you'll walk."
"Try and I'll convince Ashley to sleep in your room."
"What the--"
"No cursing Mk..." pigil pakiusap ko. "Please Reggie." sabi ko na rin dahil magkakapikunan nanaman sila. Natahimik sila pareho, napailing na lang ako.
- - -
When we arrived at our condo, tuwang sinalubong ni Ashley si Migs sa lobby habang ang aso ay maliksing nagtatalon kay Reggie. Hindi natakot si Ashley kahit noon lang sila nagkita.
"Thank you Gerald." sabi ko sa staff na nag alaga kay Migs habang wala kami.
"Gusto mo ng aso Baby?" tanong ni Reggie at ngiti lang ang sinagot ni Ashley kaya pinahawakan ni Reggie ang tali ni Migs kay Ashley. Matagal ng nagstay si Migs kay Batchi mula ng mahospital si Althea.
"Ms. Althea, dumating na po yong mga ice cream na inorder niyo, pakihintay na lang po sa unit niyo." sabi ng nasa reception kay Althea. Nagulat naman ako nagpabili ng ice cream si Althea?
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...