Ika-28 Dahilan

6.5K 324 12
                                    

Jade

Matagal kaming nagyakap ni Althea. Ramdam ko ang pagsisisi niya at ang takot na maiwanang muli.

Dahan dahan siyang humiwalay sa akin.

"Saglit mahal ko." sabi niya sabay naglakad papunta sa walk-in closet namin, maya maya pa ay may dala na siyang isang pair ng pj.

"May I?" tanong niya pagbalik na nagpapaalam at tumango lang ako. Dahan dahan niyang inalis ang damit ko ay pinalitan ng bago, habang ramdam ko ang pagpigil niya ng luha dahil panay ang singhot niya at paglunok. "Sorry Mahal ko for being so stupid." sabi niya habang may pagiingat niyang inaayos ang suot ko at isa isang isinara ang butones. Nang tapos na ay hinalikan niya ako sa noo."Halika ka tulog ka na, Mahal ko." pagalalay niya sa akin at sumunod lang ako habang masuyo niya akong inalalayan papuntang kama. Inihiga niya ako at kinumutan. "Good night, Mahal na mahal kita Jade" bulong niya tapos ay hinalikan muli ako sa noo. Bumaba siya ng kama at napansin kong dala dala na niya ang half ng pj. Napangiti ako, nagpalit din siya. Gusto niya talaga pair kami. Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi ko pa siya naramdamang lumabas ng bathroom, nagalala na ako, tatayo na sana ako ng bumukas ang pinto ng bathroom at napansin kong nakatingin ulit siya sa akin. Dahan dahan siyang lumapit at bumulong. "Matulog ka na mahal ko, magbabasa muna ako sa couch." bulong niya at nakita kong ang mugtong mata niya, umiyak nanaman siya kaya siguro nagtagal sa bathroom.

"Read here beside me." mahina kong sabi at tumango lang siya.

"Alright." sagot niya at tiningnan ko lang siya habang naglakad sa may mini library sa loob ng room namin at namili ng babasahin, saka bumalik at tumabi
malapit sa akin at sumandal sa headboard para magbasa, pero muling yumuko at bumulong. "Sleep na Mahal ko, babantayan kita habang nagababasa
ako." lambing niyang sabi.

"Why do you need to do that, Mk?" tanong ko.

"Just want to be sure that you won't have a bad dream because of what I did." masuyo niyang sagot.

"Althea." tawag ko sa kanya.

"Just kidding, Mahal ko. Gusto ko lang maenjoy magbasa ng mga books mo. Sinadya mo ba talaga magkaron ng mini library dito?" tanong niya para mawala ang atensiyon ko sa usapan.

"Yes, Mk. para sa'yo. Well, sometimes I read too." paliwanag ko at tumango lang siya.

"Sige na Mahal ko, matulog ka na" bulong niya as she turned off the light only to switch on the pin light that is directly towards the book she's reading. "Thank you, I love our room." bulong niya sabay ayos ng kumot ko. Pero bumaling ako sa kanya ay humarap at yumakap ako sa tiyan niya. "Masisilaw ka niyan sa liwanag ng ilaw." bulong niya but I didn't move.
I felt her move down at humiga na and turned off the pin light and just turned on the dim side lamp

"Hindi ka na magbabasa?"tanong ko.

"Mamya na patutulugin muna kita." nakangiti niyang sabi. Then I slowly moved closed to her kaya umayos siya at niyakap na ako with her arms around me while gently stroking my arm that's embracing her. I rested my head on the base of her neck and inhaling her scent, I still missed her kahit katabi ko na siya. I felt her lips on my forehead. "I love you, Jade. so, so, so much." sabi niya in between her kisses. Napangiti ako as I felt her gentle strokes at my back and then I heard her humming a song. Hindi ko namalayan nakatulog na ako.

- - -

I woke up feeling the cold soft pillow in my arms. Bakit unan ng kayakap ko, nasaan na si Althea? Napabangon ako at tumingin sa paligid and there I saw her lying in the couch in the mini library, I was about to get down the bed ng napansin kong nasa side table namin ang librong babasahin niya sana kagabi. Naisip ko lumipat lang talaga siya ng tutulugan, nahihiya pa rin ba siya dahil sa ginawa niya? Naaawa ako sa asawa ko, pero nararamdaman ko ang sincerity niya sa paghingi ng tawad sa inasal at ginawa niya. Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya. nakaextend ang kanang kamay niya habang natutulog at balot ng blanket ang katawan. Kumuha ng kumot at unan sa closet dahil hindi niya kinuha ang isa sa mga unan na nasa kama namin. Hinaplos ko ang pisngi niya ng marinig kong umuungol siya at makikita ang butil ng luhang pumatak sa mata niya. Nasasaktan ako para kay Althea, daladala niya ang hirap mag isa at kailangan niyang maging maayos at matatag para kay Reggie.Dahan dahan kong iniangat ang blanket at pumaloob ako dito sabay higa ng patagilid paharap sa kanya at inunan ang braso niya. Naramdaman ko siyang gumalaw, nabigla pero nakabawi din agad.

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon