Jade
Hindi na ako napilit pa ni Althea kagabi sa sumpong ko. Ngayon ay nagreport muna ako sa office dahil may urgent daw akong pipirmahan sabi ni Bianca at may client daw na gusto akong makausap. Inabot na ako ng hapon sa office ko. Nakakatawa, kaka start ko pa lang uli sa coffee shop absent nanaman agad kinabukasan. Naalala ko nanaman nong unang punta ko doon.
Nauna akong umuwi dahil sabi ni Althea ay may dadaanan daw siya saglit. Hindi na ako nagpilit dahil galing naman ako ng office kaya hindi na kami dumaan ng coffee shop. Siya na daw ang sumundo kina Reggie at Ashley kaya expected kong nasa condo na sila. Napansin ko namang kanina pa tahimik si Santi. Sinasabayan niya ang pagiging tahimik ko. Naiinis ako ngayong araw na ito, hindi ko rin maintindihan. Actually ilang araw na din. Kasi naman eh. Haist. Kainis talaga, tapos itong kasama ko mukhang may sumpong din.
"Ok ka lang Santi?" tanong ko sa kanya.
"Yes Jade." tipid niyang sagot.
"Nagaway ba kayo ng girlfriend mo?" Tanong ko uli.
"Hindi naman." Tipid niya ulit na sagot. Hindi ko na lang siya inusisa dahil mukhang malalim ang iniisip.
Pagdating ko sa condo ay tahimik ang loob. Wala pa sila? Takang tanong ko sa sarili. Tumawag ako sa kanila pero walang sumasagot at ngayon ay cannot be reached na. Wala pa nga sila. Biglang may nag doorbell at ng makilala ko ang nasa pinto ay pinagbuksan ko.
"O Santi, bakit?" takang tanong ko at seryso pa rin ang mukha.
"May pupuntahan tayo Jade." sagot niya
"Ngayon na?" taka pa rin ako at tumango lang siya. "Saan?"
"You'll know." tipid niyang sagot.
"Something wrong? Asan sila Althea." tanong ko. "I've been trying yo call her pero cannot be reached siya pati si Reggie.
"You'll see them." sagot niya "Shall we?" alok niya
"You're scaring me Santi, may nangyari ba sa kanila?" alala ko ng tanong. Umiling lang siya. "I'm not going with you kung hindi mo sa sasabihin sa akin kung nasaan sila."
"Relax Jade, ok lang sila. Halika na." pilit niya.
"Saan nga?"
"Malalaman mo rin. Ang kulit." sabi na niya kaya sumama na ako at pagpasok namin sa elevator ay piniringan na niya ako.
"What's this?"
"Trust me na lang ok. Ang kulit mo talaga ano?" sabi niya at lalong hindi ako mapakali. Naramdaman kong umakyat kami. Saan kami pupunta? Nang huminto ang elevator at naglakad pa ulit kami saka naramdaman kong nagbukas ang pinto at sumalubong sa akin ang simoy ng hangin. Nasa rooftop kami.
"What's happening?" tanong ko ulit. Oo na makulit na ako.
"Kanina ka pa ha, tanong ka ng tanong." kunwang galit na sabi ni Santi.
"Kasi hindi mo sinasagot ang tanong ko eh" galit ko ring sagot.
Then naramdaman kong wala ng sumasagot at kinakapa ko ang paligid ko parang wala na akong katabi. "Santi?" tawag ko pero walang sumasagot. "Santi?" tawag ko ulit pero wala pa rin. Aalisin ko na sana ang piring ko ng may nagsalita.
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...