Jade
"Hindi ka naman OA, Ms. Althea noh. namula lang ito dahil nga sa init. Ang besides may first aid kit naman dito. Ayos lang ako." sagot ko at pagtanggi sa pagyaya niya sa doktor.
"Pero mahapdi d ba? Tara na. Hindi rin ako mapapakali kung hindi ko nasisiguradong ayos ka lang." may tono ng inis sa boses niya. Naku baka topakin nanaman ito at iwanan ako. Kaya wala na akong nagawa at nagbihis na. Paglabas ko ng private room niya na hindi ko na nakuhang pagmasdan maigi dahil nagmamadali ako ay nasa pintuan na si Althea.
"Let's go?" pagbukas niya ng pinto at napatungo lang ako at sumunod na sa kanya.
Ang paglabas namin mula sa opisina ni Althea hanggang sa receiving area kung saan andon si Abby at sa hallway kung saan naglalakad si Wila hanggang sa coffee shop kung saan nakapwesto si Batchi ay puro tinging tanong ang ibinato sa akin na ang tanging naisagot ko lang ay ngiti sa kanila. Palabas na kami ng coffee shop ng humabol si Batchi.
"Saan punta niyo, Althea?" tawag niya ng nakalabas na kami.
"Kay Sally, pacheck ko lang si Jade kasi namumula yong dibdib niya na napaso sa kapeng natapon kanina." sagot niyang hindi humihinto sa paglalakad.
"Nakita mo?" - Batchi "Yong dibdib niya?" dugtong niya pa sabay turo sa akin. Nakita ko namang namula si Althea.
"O-oo, bakit? Anong masama doon?" - Althea
"Wala, tinatanong ko lang naman ah. Anong masama doon?" ulit ni Batchi sa huling sinabi niya. Tiningnan niya lang si Batchi at bumaling na ulit sa akin.
"Let's go, Jade." Kumaway lang ako kay Batchi at patakbo ng sumunod kay Althea at umalis na kami.
Tahimik lang na nagmamaneho si Althea at malalim ang iniisip.
"Bakit ang aga mo atang nakasimangot, Ms. Althea." puna ko sa nakabusangot niyang mukha.
"Althea, just Althea." sagot niya na hindi man lang ako sinulyapan.
"Ok. Sorry." sagot ko, then I chuckled.
"What's funny?" tanong niya na lalong nagpakunot ng noo niya.
"Naisip ko lang kasi kahapon natanggap na ako sa trabaho pero nagresign agad ako, tapos ngayon first day ko mukhang nakaleave agad ako. Ang pangit naman ng service record ko. Baka pag alis ko hindi ako makakuha ng clearance o endorsement." nakangiti kong sagot.
"Kapapasok mo pa lang, resignation na agad nasa isip mo. Bakit, wala ka bang balak magtagal sa coffee shop?" tanong niya na parang may himig ng lungkot. Oops sabi ko sa sarili ko, mali atang nasabi ko.
"Hindi naman sa ganon, naisip ko lang dahil nga sa mga nangyari." sabi ko na sa mahinang tono. Then i heard her sigh, ang lungkot naman ng taong to. Tahimik na ulit kami ng magring ang phone niya.
"Yes, sweetie...Ok. Just wait for me there. May pupuntahan lang ako saglit. Yes. Ok. Bye." rinig kong sagot niya.
"May lakad ka ata, pwede naman tayong huwag ng tumuloy. Baka magalit ang boyfriend mo pag paghihitayin mo siya." pauna ko na sa kanya baka nahihiya lang icancel ang lakad namin. She didn't say a word pero I saw her smile and am not sure if I heard a silent laugh. First time I saw her smile. I was mesmerized by her smile na hindi agad ako nakapag react. "May nasabi ba akong mali o nakakatuwa?" tanong ko.
"I don't have a boyfriend, and I believe I can never have one. Pamangkin ko ang kausap ko and she said my emergency meeting ang faculty nila at nagpapasundo dahil gusto daw mgstay sa coffee shop kesa sa library nila." napatango lang ako, na brief na ako ng unang pasok ko kanina at nakita ko rin na may books section sa coffee shop nila sa second floor.
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...