Ika-41 Dahilan

7.1K 318 36
                                    

Althea

Bumalik na ng US si Kuya Allan at ilang araw na lang ay lilipad na rin siya papuntang London para pag aralan ang pagpapatakbo ng negosyo nila Jade doon kasama si Paul. Speaking of Paul, mukhang tinamaan siya kay Sally at naging instant close kami dahil maraming tanong tungkol sa kaibigan ko at si Sally mukha namang kinikilig at biglang bumait sa akin.

"Mk, ang aga atang natutulala ka? May problema ba?" pukaw ni Jade sa pananahimik ko at napansin kong nakatingin na silang tatlo sa akin. We're having breakfast here sa condo. "Ubusin mo na yang pagkain mo baka malate si Reggie sa'yo." pansin ni Jade dahil halos hindi ko pa nauubos ang pagkain ko.

"Sorry, may naalala lang ako, Mahal ko." sagot ko at bigla ngang may naalala ako. "Ahm Mahal ko, can you make my coffee?" tanong ko kay Jade.

"Sure, Mk." sagot niya at patayo na siya ng pinigilan ko.

"Not now Mahal ko, later sa office?" sabay sabi ko at nginitian ko siya.

"Sure, Mk. Punta ako don mamya." ngiti niya pabalik.

"Gusto lang pala niya kayong pumunta ng coffee shop, Tita Jade, idinaan pa sa kape." kantiyaw ni Reggie pero bigla siyang natahimik. "Peace Tita Althea." sabi niya sa akin sabay ngiti. Haha, akala mo ha. I would still say no about your driving lessons kantiyaw ko naman sa kanya sa isip ko.

"Can you come early, please Mk?" lambing kong hiling kay Jade at nakita ko ang tanong na tingin niya.

"May meeting ka?" tanong niya sa akin at tumango lang ako. "With your new business partner?" sunod lang niyang tanong at tumango ulit ako.

"Ok, Mk pag hatid ko kay Ashley sa therapist niya at sa tutor niya ay deretso na ako sa coffee shop." Sagot ni Jade na ngumiti lang.

- - -

"Bunso siyang anak ng mag asawang Gonzales, kilalang nagpapaupa ng mga establishments dito sa Manila, lalo na sa mga tabi ng universities. Apartments and the like. She's spoiled dahil bunso at dalawa lang silang babae, siya at yong panganay, bukod don ay may 3 pa siyang kapatid na lalaki. Matagal na sila ng boyfriend niya at sinubok na rin ng boyfriend niyang yayain siyang pakasal last year pero tumanggi siya. She met Althea sa coffee shop, madalas kasi makipag kwentuhan ang asawa mo sa mga customers niya. She doesn't have a bad reputation. So don't worry too much, Jade." kwento sa akin ni Santi habang nasa daan kami papuntang coffee shop. Ngayon lang kami nagkaharap at naiwang kami lang dalawa, kaya ngayon ko rin lang nalaman ang tungkol kay Tanya Gonzales.

"So what do you think?" sunod ng tanong ni Santi.

"Interesting especially how she refused the marriage proposal." ngiti kong komento at tiningnan ako ni Santi. "What? Just saying." depensa ko ng sabi at natawa lang siya.

- - -

Pagdating ko ng coffee shop ay nakita muli ako ng mga kasama ko at tuwang nakipag kwentuhan sa kanila ng maalala ko ang kape ni Althea.

"Abby, nag start na ba ng meeting?" tanong ko kay Abby.

"Hindi pa, nalate ata si Ms. Tanya. Hindi pa namin siya nakitang dumating." sagot ni Abby.

"Ok dalhan ko muna ng kape si Althea." sabi ko at tuloy na akong pumasok sa loob.

"Hi Meg. Musta na?" ngiti kong bati kay Meg at humalik sa kanya ng tumayo siya at sinalubong ako.

"Maayos naman Jade. Alam ata ni Althea na darating ka kasi maganda ang mood niya." biro niyang sabi at natawa ako. Nagpaalam na akong pumasok sa loob. Nabungaran ko agad si Althea na nakatungo at seryoso sa pagbabasa, napansin na ako ni Batchi at ngumiti lang habang dahan dahan akong naglakad papalapit sa table ni Althea.

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon