Jade
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, namulat na lang ako na nasa kwarto na ako at may mahapdi sa noo ko at may kirot akong naramdaman sa bandang paa. I think I hurt my left ankle at may sugat sa bandang noo ko, galos din ang siko ko. Batuhan kasi sa may batis.
"Kamusta ka na Mahal ko?" rinig kong bulong na tanong ni Althea habang haplos niya ang mukha ko. Natutuwa akong nalaman na andito si Althea sa piling ko, dumating siya. Hinanap niya ako.
"Mahal ko?" tawag niya ulit pero hindi ko siya sinagot. Natutuwa man ako pero andon pa rin ang takot ko."Why are you here Paul?" baling ko kay Paul na nakatayo sa kama at pag babalewala ko kay Althea.
"Hi Bunso, happy to see you, too." sagot niya lang sabay lapit at halik sa noo ko. "Sa labas lang ako." paalam niya.
"B." tawag ko kay Bianca at nakangiting lumapit lang siya at bumulong.
"I know you already gave her a chance before. Just hear her out. It's ok to be stupid sometimes when it comes to love." mahina niyang sabi. "I'm just outside." sabay halik sa akin at lumabas na rin. Naiwan kaming dalawa ni Althea, mahabang minuto ang lumipas na walang nagsasalita.
"You can now go, gusto ko ng mag pahinga." basag ko sa katahimikan.
"You can rest, dito lang ako." sabi niya.
"I want to be alone."
"Then ignore me, pretend that I'm not around."
"Naiinis akong makita ka." sabi kong bigla.
"Meron ka?" sunod niyang tanong.
"Hindi ako nakikipag biruan, Althea." mataray kong sagot.
"Hindi rin naman ako nagbibiro eh." mahina niyang sagot. Akma akong tatayo ng lumapit siya.
"May kailangan ka, Mahal ko?" tanong niya
"Kaya ko, I need to use the bathroom." matabang kong sabi Noon ko lang napansin na naka benda nga ang kaliwang paa ko. Na sprained ata dahil sa maling hakbang ko.
"Let me help you, Mahal ko." suyo niya at hindi na ako tumanggi dahil ramdam ko ang hirap maglakad. Inakay niya ako hanggang bathroom at lumabas siya ng makita niyang pwede na akong iwanan.
- - -
AltheaIlang minuto ang lumipas ay hindi pa siya lumalabas ng bathroom
"Mahal ko." mahina kong tawag. "Ok ka lang diyan?" tanong ko. Pero walang sumasagot kaya nagalala ako. At dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang nakasandal lang sa may sink at nakatungo, mahinang umiiyak. Nadudurog ang puso ko sa nakikita ko, labis ang sakit na dinulot ko kay Jade. Minumura ko ng sarili ko sa mga nangyari. Marahan akong lumapit sa kanya at napansin niya ang presensiya ko kaya nagpahid siya ng luha. Pinipilit niya humakbang pero pinigilan ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at naramadaman kong hindi siya tumanggi.
"Don't force yourself to walk, Mahal ko." bulong ko saka ko siya iniangat at inupo sa may bathroom counter and placed myself between her thighs, her face down and still crying. "I'm sorry for being stupid again, Jade. I know I don't deserve another chance pero hindi ko kayang mawala ka ulit sa buhay ko." sabi ko habang haplos ko ang magkabilang pisngi niya.
"I wast deeply hurt when you signed the divorce paper, Althea. Pinatunayan mo lang na kaya mo akong mawala sa buhay mo." sagot niya pero nanatiling nakayuko.
"It was an impulsive stupid move dahil nasaktan din ako Jade. I'm so sorry." bulong ko and I rested my forehead to hers at hindi siya umiwas. "But that will be the last, I will not sign nor divorce you, Mahal ko." masuyo kong bulong."Never." Tahimik lang siya at nakaramdam ako ng tuwa dahil hindi niya inaangat ang noo niya sa pagkakasandal sa noo ko.
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...