Jade
It's Reggie's birthday at andito ulit kami sa resort namin. Sabi ni Reggie dito na lang daw ulit at kami kami lang daw ang gusto niyang makasama. Hindi na siya naginvite ng mga kaibigan niya. Sila Batchi, Wila, Abby at Sally ang nandito ngayon. Kasama si Paul at Santi at ang girlfriend niya na pinilit ipasama ni Althea. Gusto lang daw niya makilala. Masaya ang naging maghapon namin dahil maaga kaming dumating sa resort after naming nagsimba ng maaga kaya nakapag banana boating kami, jet ski at snorkeling pa.
Nasa labas kami ng resort ngayong gabi at nagbabarbecue party, sinasamahan ko sila Paul at Sally na nag iihaw. Pinakilala ko si Sally kay Paul at mukhang they get along well at hindi na sila maubusan ng kwento sa isat isa. Iniwan ko na silang dalawa at mukhang hindi naman nila kailangan ang tulong ko. Tumabi ako kay Reggie na nakaupo na rin at nakikipag kulitan kay Ashley.
"Bakit hindi mo ininvite ang mga kaibigan mo?" bungad ko na nagpahinto sa pagsusutil niya kay Ashley "baka mabore ka sa amin." pabiro kong sabi.
"I want to be with you talaga Tita Jade. I can just treat my friends for lunch or snacks, I want to celebrate this day with you, Tita Althea and every one who have been part of me. Tsaka andito naman si Ashley oh, may napaglalaruan ako." sabay kiliti niya ulit kay Ashley napatango lang ako habang haplos ko ang buhok niya. "Thank you Tita Jade, thank you for being my family."
"You're welcome sweetie and happy birthday." bulong ko sabay halik sa kanya.
"Ako din kiss kita Ate Reggie." singit naman ng isa kaya yumuko si Reggie para mahalikan siya ni Ashley. "Hapi birtday!" sabi niya sabay yakap.
"Thank you Baby." ngiting sagot ni Ashley.
"Happy birthday sweetie." rinig naming bati sa likod namin. Si Althea, kanina lang ay kausap niya si Santi at girlfriend nito, napansin niya siguro kami kaya lumapit na.
Niyakap niya at hinalikan si Reggie."I love you very much kahit inaaway mo na ako ngayon dahil tumatanda ka na." pahabol niya."That's not true, Tita!" depensa ni Reggie."Nagiging sensitive ka lang kasi tumatanda ka na." balik nito. Pero bago pa nag react si Althea ay hinawakan ko na ang kamay niya.
"Seat beside me Mk, kakain na tayo." aya ko at hindi na siya nakatanggi.
- - -
Althea
Masaya kaming nagkakainan ng nagsalita si Ashley.
"Tita Sally, doktor ka po?" tanong niya at lahat ay napatingin sa kanya.
"Yes, baby. Bakit mo alam?" tanong ni Sally.
"Dinig ko po sabi niyo kay Papa Paul." sabi niya lang na parang nahihiya. Yes sabi ni Paul Papa daw itawag sa kanya.
"Nakikinig ka sa usapan nila Baby?" tanong ko naman.
"Hindi po Mama Thea. Dinig ko lang po kasi lakas nila usap." sagot niya ulit.
"Ok baby akala ko nakikinig ka eh, bad yon." bilin ko.
"Alam ko po yon." sagot naman niya na nakangiti.
"That's what I'm saying, beware with this kid when she's around you. Believe me, she's smart. Lalo ka na sa Sally." baling ko sa kanila at tinging masama kay Sally.
"Me?! Why me?" tanong ni Sally pero hindi ko sinagot. "Bakit mo pala natanong Baby kung doktor ako?" takang tanong niya sa bata.
Tumingin muna si Ashley sa akin na parang nahihiyang ngumiti.
"It's alright Baby." malambing kong sabi.
"Lagi po kasi sakit Mama Thea kaya lagi akap Mama Jade. Pede po kayo bigay gamot para dina po sakit Mama Thea?" sabi niya at halos manliit ako sa hiya dahil nagtawanan na silang lahat pati si Jade at lalo na si Reggie.
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...