Ika-3 Dahilan

7.3K 319 5
                                    

Althea

Paikot ikot ako at hindi mapakali. Nagdadalawang isip kung pupunta ng coffee shop o hindi. Hindi ko din malaman sa sarili ko kung bakit ganito ang ikinikilos ko.

"Arrgh, ano ba Althea!" patol ko sa sarili kong isip. Naalimpungatan na lang ako ng may nagsalita sa likod ko.

"Not yet ready Tita?" tanong sa akin ng dalagita na ngayon ay nakabihis na at ready ng pumasok sa school. "I'm gonna be late!." reklamo na niya ng makitang hindi pa ako nakapagbihis. Si Reggie talaga.

"Sorry Reggie, sweetheart, I'll just take a quick shower and mag take out na lang tayo ng breakfast so you can eat on our way to your school,ok?." pakwensuelo ko na lang sa pamangkin ko as I rushed to my room and inside the bathroom to take a quick shower.

- - -

"Still can't find Migs?" tanong ko kay Reggie habang nasa daan kami at binabaybay ang naguumpisa nang traffic sa daan. Umiling lang siya biglang nalungkot at napatigil sa pagkain.

"Should we report na, Tita?" tanong niya na sabay subo na halos lumuwa na ang pagkain sa dami ng nasa bibig na nginunguya niya.

"Sweetie, did you try asking around the vicinity? That's why I don't want dogs or any pet in particular sa lugar natin. We're living in the condo, maabala ang taas baba at pagpapasyal sa aso." Pero hindi niya ako pinapakinggan dahil sunod sunod pa rin ang subo niya sa pagkain.

"Wag ka ngang magmadaling kumain, look at yourself. Pag dka nagingat kakalat sa damit mo yang kinakain mo." Saway ko habang inaayos ko ang table napkin na nakasampay sa leeg niya at pagpag ng dumi sa mukha niya.

"Who's fault? Kasi late na ako dahil sa'yo and how many times do I have to tell you Althea don't call me sweetheart anymore. I'm already fifteen. 1-5. kinse." paglilinaw niya pang parang dko alam.

"So? noon pumapayag ka ngayon para kang dalagang dalaga kung umasta at ayaw mo ng patawag ng sweetie o sweetheart. May boyfriend ka noh?!" pasigaw kong tanong na kunwang galit. "Pack up your things and go to your Dad."

Nanlaki ang mga mata niya sabay inom ng drinks para malunok ang kinakain niya.

"What?!!! No way!???" depensa niya.

"I have lots of crushes and suitors you know that. But nothing's serious." sabay irap at kunwang ang haba ng hair. Natawa na lang ako.

"Basta let me know kung may boyfriend ka na para makilala ko at malaman ko kung papasa ba o hindi."

"Sigurado hindi yon papasa sa'yo. If I know naghihintay ka lang ng pagkakataon na makabawi sa akin dahil kahit minsan walang nakapasa sa akin sa mga type mong ligawan." banat niya

"Correction, Sweetie. Type akong ligawan." pagmamayabang ko namang depensa.

"Wow lumakas ang aircon. Mahangin." sabi na niya at nagtawanan na kami. Ilang saglit na katahimikan.

"But thanks Tita, I know your commitment to me is you're reason  for not settling yet."

"No Reggie, maybe I really haven't found the one yet."

"Kasi nga lage ako nangengealam kaya hindi natutuloy at laging nauudlot."

"Because you just don't like them and I trust your instinct." ngiti ko namang depensa para hindi na siya makonsensya. "Accepting me for who I am is what matters most. That's why you're my first love. You love me first before you knew me and you love me more after you knew who I am."

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon