Bianca
Nakausap ko na ang kapatid ni Althea at kita ang pagsisisi sa kanyang mga mata. Nanliit siya sa ginawa niya kay Jade at nangako na muling aayusin ang buhay niya. Maguumpisa daw muna siyang muli bago magpakita sa kapatid at sa anak niya. Iniwan na rin daw siya ni Lorie dahil sa bisyo niya at doon lang siya nagising sa katotohanan na wala na ang lahat sa kanya. Kaya sa panibagong pagkakataon na binigay sa kanya hindi na raw niya ito sasayangin pa.
Naghahanda na rin ako para sa pag balik ko ng Pilipinas ng nagring ang phone ko. Si Santi.
"Hello, Insan. Kamusta na?" sagot ko sa tawag.
"Pinsan, kailangan mo ng umuwi agad. May nangyaring hindi natin inaasahan." Halata ang pag aalala sa boses ni Santi.
"Ha?! Ano yon?" tanong ko at naikwento nga ni Santi ang mga nangyari. "Ok Pinsan, I'll try na makakuha ng flight tonight. Don't leave Jade, hayaan mong gawin niya ang gusto niya just don't leave her." sagot ko dahil nasa bar daw si Jade at nagiinom dahil sa galit sa ginawa nila Tito Luis. Paano nila nalaman? As far as I know wala ng way para makausap sila ni Sam.
Sh.it, sa kumpanya. Maybe they knew about the investment and they start from there para makapag tanong. Tito Luis has an access pa rin sa mga business dealings ni Jade as part of his position as guardian and adviser ni Jade na nakalahad sa will ng kanyang ama bago mamatay. Pero bakit nakialam si Tito, hindi siya ang tipong nakikialam. Maybe because of the business profile ng kumpanya ng ama ni Sam at nalaman niya kung sino si Sam.
Da.mn bakit ngayon pa kung kailan maayos na ang lahat. I'm cursing inside as I made calls to rebook my flight.- - -
Jade
"She just gave me up ng ganon ganon lang? She didn't even listen to me." kwento ko kay Santi na hindi ko na napigilan ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko. Pagkapatulog ko kay Ashley ay lumabas ako at pumunta sa pinakamalapit na bar, pero nasundan ako ni Santi. Matindi rin talaga ang pagiging detective nito. Nagbilin lang ako sa staff ko sa baba kung pwedeng pakisilip lang ang unit dahil walang kasama si Ashley. Si Migs lang ang kasama niya.Wala na sila Althea at Reggie. Tinawagan ako ni Reggie para magpaalam, ramdam ko ang lungkot sa boses niya pero wala siyang magawa. Hindi niya daw kayang iwanan si Tita Althea niya kahit hindi niya maintindihan ang naging desisyon nito.
"Nasaktan lang siya, Jade. Just give her time." kalmang sagot ni Santi.
"Ako ba hindi? Hindi ba niya talaga naramdaman na I love her more than anything? Galit ako kay Tito Luis pero mas galit ako dahil hindi ako magawang intindihin ni Althea." masamang loob kong sabi.
"I can give her all the time she needs, Santi. I'm letting her go, if that what she wants. I have lived my life alone for so long, what difference it would be kung mawawala siya sa buhay ko. I guess my inheritance is also my curse. I could never find someone who'll love me as me. To he.ll with them, kung nagaalala sila Tito sa kayamanan ko then I can just give them all my wealth for all I care. I just want to live a peaceful life. And I'm going to do that with Ashley. Kami na lang ang magkakampi, kami na lang ang magkasama. Ibubuhos ko na lang ang buhay ko para sa kanya.""You're just hurting, Jade."
"I'm tired of being hurt, Santi. Sabi ni Nay Rosa hindi daw ako napapagod magmahal. Well, I guess this time, pagod na ako." mapait kong ngiti kay Santi.
"Jade." rinig kong tawag sa akin ni Santi.
"I'll settle in one place for good, pero hindi dito. Magpapakalayo layo na kami ni Ashley. Once makuha ang visa niya. We will be leaving." I said with finality at hindi ko na narinig si Santi na nagsalita I drank the last shot of tequila at niyaya ko na si Santi. "Let's go home, Santi. Baka biglang magising si Ashley." yaya ko na sa kanya.
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanficSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...