Althea
"Tita dali! Susunduin pa natin sila Tita Jade!" sigaw sa akin ni Reggie. Pagbukas ko ng pinto ng room ko ay all set at ready na siya dala pati ang isang malaking maleta at hand carry. Pinag isa na namin ang damit since one week lang kami sa US.
"Hindi ka naman mukhang excited Reggie." pansin ko sa kanya.
"Nope hindi naman, Tita. Excited na excited!" sigaw nito. Ayaw niyang paiwan, she asked her teachers for make up class and projects para sa mga mamimissed niyang lectures at pumayag naman sila since maganda naman ang academic performance niya kaya na consider ang request niya. Ngayon din lang naman siya mag aabsent ng ganito katagal. Nong nalaman niya ang napagusapan namin ni Jade ay parang daig pa niya ang nanalo sa laro or sa mga contest. Excited siya at halos hindi na makatulog. How Jade has this impact on this kid, hindi rin ako makapaniwala. Si Batchi at Wila ang naghatid sa amin sa airport gamit ang van ni Batchi.
"Ang sigla mo Reggie ah!" pansin ni Wila habang tinitingnan si Reggie na excited.
"Siyempre, kakasal Tita ko eh and I get to witness it. Tita Batch bakit hindi ka pa kasi sumabay?" Baling niya kay Batchi.
"Walang available flight sweetheart, sa makalawa andon ako. We need to be there kasi ako at si Bianca will stand as witnesses di ba?" sagot naman ni Batchi.
"Of course!" masiglang sagot ni Reggie. We're all set to leave ng nag ring ang phone ko. Si Jade tumatawag.
"Hello Jade?" napansin kong tumingin sa akin si Reggie.
"Ok, magkita na lang tayo sa airport?" sagot ko para hindi na daw kami matraffic pero nagulat ako ng sumigaw si Reggie.
"No, Tita Jade. Sunduin ka namin!" so I put it in a speaker mode.
"Hello Reggie, sweetie magkita na lang tayo sa airport para hindi na kayo matraffic on your way here."
"No, Tita Jade. We're coming maaga pa naman. Please. I want to be sure that you won't change your mind." hindi na napigil ni Reggie na sabihin. Napapailing na lang ako, natatakot siyang umatras si Jade.
"Of course not, sweetie. Hindi na ako pwedeng magback out kahit gustuhin ko man."
"Tita Jade!" mukhang panic na si Reggie.
"Just kidding, sweetie. Ok we'll wait for you."
- - -
At the airport habang nasa gate na kami at waiting to board hindi ko maalis sa tingin ko ang imahe ni Reggie, how she's so excited in this wedding na alam niyang hindi rin naman totoo at kasunduan lang. Bakit ikaw Althea hindi ka ba excited tanong ng isip ko sa sarili ko. I just smiled picturing myself being wed to Jade, I am, really am very excited. Mas gugustuhin ko ng makasama si Jade kahit saglit lang kung yon lang ang pwede niyang ibigay sa akin. Masaya na ako don, malungkot man na may expiration ang kasalan na ito. I'd rather have her this in short moment kahit na kunwari lang.
"She looks excited." basag ni Jade sa pagmumunimuni ko.
"I never saw her that excited pag pupunta ng States. Usually pag punta kami sa Dad niya during summer or tuwing pinapatawag siya ni Kuya Allan, hindi siya ganyan kasaya. 3 days pa lang naiinip na siya at gusto ng bumalik dito." kwento ko na natatawa.
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...