Ika-37 Dahilan

5.5K 293 37
                                    

Jade

Nasa loob ako ng kwarto namin at inaayos ko na ang mga gamit kong dadalhin papunta sa Villa, balak ko muna doon kami mag stay ni Ashley habang hinihintay ang visa niya. Tapos ko nang maimpake ang mga gamit ni Ashley, panay pa rin ang tanong niya at hanap kay Reggie at Athea pero sinabi ko lang na umalis sila. Makakasanayan niya rin pagdating ng panahon na wala na sila. Nasa ganon akong pag iisip ng nag ring ang phone ko. Si Bianca.

"Hi Best, anything?" tanong ko pero ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.

"Hello Best, I'm on my way now sa office. Althea signed the paper." Maikling sagot niya pero parang patalim na bumaon sa dibdib ko. She did sign the divorce paper.

"Good, I can bring it with me pagpunta namin ni Ashley sa US." sagot kong pigil ang pagiyak.

"Are you gonna be alright?" alalang tanong ni Bianca.

"Yes, B. In time. Thank you. Paalis na rin kami, inaayos ko lang ang gamit ko at hinihintay ko lang si Santi." sagot ko.

"Ok Best, sunod ako sa inyo sa Villa once matapos kong ibang papeles sa office." sagot niya at nagpaalam na kami. Pagbaba ng phone ay bumagsak na rin ang luhang kanina ko pa pinipigil. She signed the divorce paper. She really wanted to end our relationship.

"Mama Jade, iyak ka po ulit?" pukaw ni Ashley sa pagiisip ko.

"Ready ka na baby, alis na tayo. Mamya andiyan na si Tito Santi." sabi ko na lang na pagiba ng usapan at tumango lang siya.

- - -

Althea

"Hindi ba pwedeng bukas na tayo pumunta Reggie?" tanong ko dahil almost 6pm na rin at alam kong andon na si Jade sa condo. Parang
hindi pa ako handang harapin siya.

"No Tita, ngayon na. It's now or never. I just want to say sorry. Kung ayaw mo siyang makita you can stay at the lobby. I can't force you Tita because I know you're hurt too. But please let me do this para rin sa ikatatahimik ng loob ko. I want to hate Dad pero tapos ng lahat. I will confront him in the right time." parang matanda niyang sabi. Hindi na ako nakasagot at tahimik na kami buong biyahe.

Nakarating na kami sa condo at dali daling bumaba si Reggie at naglakad sa loob, nasa lobby na kami ng sinalubong kami ni Gerald. "Good evening Ms. Reggie, Ms. Althea. Andito po ba kayo para kunin si Migs?"  tanong niya na ikinagulat namin ni Reggie.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Ah, kasi po bago umalis sila Miss Jade ay ibinilin po nila si Migs at sabi ay darating kayo para sunduin siya o kaya po ay ideliver ko sa address na ibinigay po niya." paliwanag ni Gerald.

"Umalis sila?" tanong ni Reggie.

"Yes, Miss wala pang isang oras ng makaalis po sila." pareho kaming nagulat ni Reggie pero mas kinabahan ako sa sunod na tanong ng pamangkin ko.

"May mga dala po ba sila?"

"Opo, tatlong malalaking maleta po ang dala nila at isang malaking panda bear, ayaw po kasing bitiwan bi Ashley buti na lang van po ang sasakyan nila." nakangiting kwento ni Gerald pero pakiramdam ko ay may patalim na bumaon sa puso ko. Umalis na naman si Jade, bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko. "Saglit lang po kukunin ko si Migs." paalam ni Gerald.

Wala sa sariling dinial ko ang number ni Jade pero cannot be reached na. Tulala na ako at naluluha na, bakit ako naiiyak? bakit ako nasasaktan? Ginusto ko ito, hindi ba? I asked her to let me go. Hindi ko namalayan ang sarili kong naglalakad papuntang elevator at pinindot ang floor kung saan ang unit namin ni Jade. Pagdating ay agad kong tinungo ang kwarto namin ni Jade, tahimik pero amoy ko pa rin ang pabango niya at lalo akong naluha. Pumunta ako sa walk in closet at nakita ko ang mga bakanteng lugar na pinaglalagyan ng mga damit niya, naiwan lamang ay mga damit ko at ang mga pair ng pj namin. Hindi ko na napigilang muling umiyak. Hindi ko kinaya ng una siyang umalis, mas higit ko yatang hindi makakaya ang mawala muli siya sa tabi ko. I took a pair of pj and held it closed to my chest, inhaling Jade's scent.
Hindi ko kaya sabi ko sa isip ko.
"Hindi ko kayang mawala muli siya sa buhay ko." mahina kong sabi.

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon